KABANATA VI

125K 2.6K 58
                                    

KABANATA VI

"Dyan nalang sa tabi." turo ko kay Klaude at mabilis naman nyang ipinarada ang sasakyan sa harap ng restaurant na tinuro ko.

Isa nalang kasi ang natitirang spot doon at 'yong mga nadaanan naming ibang kainan kanina ay wala nang natirang parking slot kaya natagalan pa kami sa paghahanap.

May lumapit agad sa aming babaeng waitress pagkapasok namin ng restaurant. The design is very traditional dahil sakop na ito ng probinsya namin. Dito sa bayan ay marami kang makikitang magagandang kainan.

Dito rin madalas naglalagi ang ilang dayuhan dahil dito nakatayo ang ilang hotels na hindi mo makikita kapag dumayo ka na sa ibang baryo. Iyon ay kung hindi ka naman pupunta sa mga beach resorts. Pero kung ang sadya mo rito ay ang mga nag-gagandahang falls, talagang dito ka pa sa bayan kukuha ng matutuluyan mo.

"Table for two, Sir?" tanong ng waitress.

Tumango si Klaude kaya ginabayan na kami papunta sa table namin. Binigyan kami ng tig-isang menu. Dumiretso ang mata ko sa Seafood dahil 'yon talaga ang tipo ko.

"Sauteed Scallops." wika ko sa waitress. Nakatunganga ito sa mukha ni Klaude kaya napataas ang kilay ko. Inilahad ko ang menu sa harap nya kaya napatingin ito sa akin at maang na kinuha iyon. "Ang sabi ko, Sauteed Scallops ang order ko." mataray ko ulit na saad.

Napatingin sa akin si Klaude kaya inayos ko ang mukha ko.

"A-ay sorry, Ma'am." mabilis nyang kinuha ang maliit nyang papel at sinulat doon ang order ko.

Napailing si Klaude at itinuon muli ang tingin sa hawak na menu ng may mapanlokong ngiti sa labi.

"Veal Saltimboca's mine." kinuha na ng waitress ang menu ni Klaude at inulit sa amin ang inorder namin.

"Twenty minutes to serve, Sir. Pakihintay nalang po." bahagya syang nginitian ni Klaude bago ito umalis sa tapat ng table namin.

Sinundan ko sya ng tingin at nang may makasalubong itong isang waitress din na babae ay saglit itong nagbulungan bago lumingon sa gawi namin ang babaeng kinausap nya.

Ngumiti silang dalawa bago pumasok ang isa sa loob ng kusina.

"Kakairita." mahinang utas ko.

Kung pwede lang ihampas sa kanya ang menu na hawak ko kanina ay ginawa ko na. Sa harap ko pa talaga sya gaganon at kay Klaude pa!

"You're too hot-headed, Thyrile." naka-ngising wika sa akin ni Klaude at pumalumbaba sa lamesa.

Pakiramdam ko tuloy ay medyo lumapit ang mukha nito sa akin dahil maliit lang naman ang table na nireserve namin. Napasandal nalang ako sa upuan ko at tinanaw ang dumadaang sasakyan sa labas.

"Wala ito. Masyado lang kasi yung waitress kanina. Hindi malaman kung may pagnanasa ba sayo o ngayon lang nakakita ng gwapo."

Mahinang napatawa si Klaude sa sinabi ko. Pinisil pisil ko ang daliri ko sa ilalim ng lamesa sa sobrang kaba. I can't really tell kung kaba nga ba itong nararamdaman ko ngayon pero sa tuwing tumatawa sya ng ganoon ay parang nakikipag-marathon sa takbuhan ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Does it matter?" napatingin ako sa kanya dahil sa sinagot nya. Nagkibit balikat lang ako. For me, yeah. It does matter dahil ayoko ng may ibang kaagaw. "Kung hindi ko sya tinatapunan ng kahit anong interes ay hindi naman mahalaga kung anong tingin nya sa akin." dugtong pa nito.

"Pwede mong sabihin 'yan sa una. Pero paano kung magpapansin na sayo sa pangalawang pagkakataon? Hindi mo pa rin ba sya pagtutuan ng pansin?"

Dare with the Beast [COMPLETED]Where stories live. Discover now