Chapter Eleven

29.6K 852 27
                                    

"LETTIE anak?! Anong nangyari sa iyo?" gulat na tanong ng mama ni Lettie nang mabuksan siya nito ng pinto. Natagpuan niya ang sarili niyang nagpahinto sa bahay na pamana ng lola niya. Agad na niyakap niya ito at muling naiyak.

Inakay siya nito sa sala at pinaupo. Pagkatapos ay niyakap siya nito at inalo. Iyon ang eksenang naabutan ng papa niya na mukhang kagagaling lamang sa pagpasyal sa mga grocery stores nila na muli nitong binuksan sa tulong ng perang ibinigay ni lolo Mel.

"Lettie! Bakit ka umiiyak anak?" tanong rin nitong umupo sa kabilang tabi niya.

"Bakit pa ba siya umiiyak? Natural ang asawa niya ang dahilan!" asik ng mama niya. "Anong aasahan mo sa pagpapakasal na hindi nila mahal ang isa't isa?" dugtong pa nito na lalo niyang ikinaiyak. Sinubukan siyang aluin ng mga ito.

Pagkatapos ay sa paputol putol na sinabi niya sa mga ito ang nalaman niya. Maging ang katotohanang nahulog na ang loob niya sa asawa niya at ang katotohanang hindi ganoon ang nararamdaman nito para sa kaniya ay sinabi niya rin. Isinama na niya pati ang frustrations niya na sikreto sa kumpanya ang pagiging mag-asawa nila. Pati mga insecurities niya dahil sa sinabi ni Brett sa kaniya. Habang nagsasalita siya at patuloy sa pag-alo ang mama niya habang ang papa niya ay tahimik lamang at tila na-iilang.

Nang matapos siyang magsalita ay tahimik lang ang mga ito. "Sana sinabi mo sa akin ang lahat ng iyan."

Kumabog ang dibdib niya nang marinig ang tinig ni Damon. Napatingin siya sa pintuan ng bahay nila kung saan ito nakatayo. Base sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya ay mukhang kanina pa ito roon. Napatayo siya. "A-anong ginagawa mo diyan?" tarantang tanong niya.

Tumikhim ang papa niya. "Nakita ko siya sa gate natin kanina. Kasama ko siyang dumating," sabi ng papa niya. Pagkatapos ay tumingin ito kay Damon. "Totoo ba ang mga sinabi ni Lettie? Na hindi mo siya mahal at ginagamit mo lang siya? Alam ko na ako ang may kasalanan kung bakit napunta sa ganitong sitwasyon ang anak ko. Alam ko na para ko siyang ibinenta sa pamilya niyo pero hindi ko mapapayagang masaktan ng ganito ang anak ko!" galit na sabi ng papa niya.

"Tama. Hindi kami papayag na patuloy na masaktan ang anak namin ng dahil sa iyo!" sabi rin ng mama niya.

Bumuntong hininga si Damon at lumakad palapit sa kanila. "Papa, Mama, alam ko na marami akong dapat ipaliwanag kay Lettie. Pwede ko ho ba siyang makausap ng sarilinan?" malumanay na tanong nito.

"No!" mariing sagot niya. Tumitig ito sa kaniya. Itinaas niya ang noo. "Kung may sasabihin ka sabihin mo na agad. G-gusto ko ng magpahinga at ayaw kitang makita ng matagal."

Nakita niyang tila may kumislap na sakit sa mga mata nito pero agad niyang pinalis sa isip iyon. Malabong makaramdam ng ganoon si Damon. Muli ay nagbuga ito ng hangin. "Fine. Inaamin ko na totoo ang lahat ng sinabi ko kanina." Para nitong piniga ang puso niya sa sinabi nito. Napaatras siya. "Wait, let me explain Lettie. That was my intention, originally. Noong hindi ko pa nakikilala kung sino ang babaeng pakakasalan ko. Naisip ko noon na wala akong pakielam kahit sino pa ang piliin ni lolo para sa akin. As long as I could get the company and avenge my mother in my own way. Pero nagbago ang lahat ng iyon ng makasama kita. Hindi ba sinabi ko na sa iyo ng ilang beses, when it's you, getting married is not that bad. Totoo iyon.

"I enjoy your company. Gusto ko rin palagi kitang nakikita at nayayakap. Gusto ko palagi kang nasa tabi ko. Alam ko hindi ako bokal na tao, pero sa sarili kong paraan, kahit kaunti, hindi ko ba naiparamdam sa iyo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko?" sabi pa nito.

May bahagi ng puso niya ang nagsasabing naiparamdam nito sa kaniya ang sinasabi nito. Pero sinasabi naman ng isip niya na huwag siyang maniwala. "Sinasabi mo lang iyan dahil gusto mong manatili tayong masayang mag-asawa. Dahil kapag hindi, hindi ibibigay ni lolo Mel sa iyo ang kumpanya. Tama na, you don't have to pretend anymore," sa halip ay sagot niya rito.

MARRYING A STRANGERHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin