7

308 8 0
                                    

"Ken tama ba yung ginawa ko? Yung pag iwas ko sa kanya?" tanong ko sa kanya.

Medyo nafrefreak out na ako dahil first time ko kasi yung hindi siya pansinin.

"Oo tama yun. Get rid of him nga diba?"

"Pero kasi para namang ang snoberra ko sa ginawang iyon?" Nag aalala kong tanong.

"Hindi. Tama lang yun. Wag ka ngang OA dyan. Di mo lang naman siya pinansin pero nagfrefreak out ka na. Tss" sabi niya.

"Eh kasi naman..."

"Sshhh... stop worrying okay? It's just fine. Di yun mag iisip ng kung ano ano. Di tulad diyan sa utak mo" sabi niya kaya tumahimik na lang ako.

Lunch break kasi namin ngayon. At ngayong araw na namin sinimulan yung OMOKC.

Kalahating araw na kaming magkasama ni Ken at umiiwas na makasalubong ang barkada namin. Pero kanina lang ay nakasalubong namin si Chris.

Kinausap niya kami pero si Ken lang yung kumausap sa kanya. Di nga ako nakatingin sa kanya kanina.

Tinanong niya kami kung bakit daw di kami sumasama sa kanila. Sinabi naman ni Ken na may importante kaming gagawin. Tinukso pa nga kami nito pero di naman nagsalita si Ken at ngumiti lang.

Okay na sana. Nakaiwas na sana ako pero nung nakatalikod na kami at naglalakad na paalis ay tinawag niya ako. Tinawag ako ni Chris.

Di ko alam ang gagawin ko. Kung lilingonin ko ba o hindi.

Nung papalingon na ako ay hinawakan na lang ni Ken bigla yung kamay ko kaya di ako nakalingon. At yun na, hinila na niya ako paalis doon.

"Hay. Bakit ba parati ka na lang lutang pagkinakausap kita?" biglang sabi ni Ken.

Napalingon naman ako sa kanya saka napakunot ang noo.

"May sinasabi ka?" tanong ko.

"Ewan. Wala" sabi niya saka di na ako pinansin.

May sinasabi pala siya? Masyado kasi akong preoccupied kaya siguro di ko narinig.

Hay naku. Magtatampo na naman to. Psh.

"Ken?" tawag ko sa kanya.

Di niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalaro sa cellphone niya.

Napabuntong hininga na lang ako.

Umusog ako papalapit sa kanya.

Nandito kami ngayon sa may likod ng school nakatambay. Walang umiimik kaya masyadong tahimik.

Wala masyadong tao dito dahil medyo tago tsaka malayo sa loob ng campus. Tahimik. Peaceful. Tsaka di mainit. Nakakarelax yung atmosphere dito.

Humiga ako sa damuhan habang si Ken ay nakaupo lang at busy pa rin sa nilalaro niya.

"Kawawa siguro girlfriend mo no? Masyado kang matampuhin. Konting bagay pinagtatampuhan mo" sabi ko.

Tumigil naman siya sa paglalaro at tumingin sakin.

Maya maya ay humiga na din siya katulad ko.

"di ko kasi mapigilan pero kung magkatampuhan man kami ng girlfriend ko. Agad ko din namang aayusin. Di ko kasi kayang tiisin" sabi niya saka ngumiti.

Hmm? may girlfriend na kaya to? Kung makasabi parang meron.

"May girlfriend ka na?" tanong ko.

"Hmm.. hinihintay ko pa"

"Huh? Bakit? Nasa ibang bansa ba siya? LDR kayo?" tanong ko.

Tumingin siya sakin habang nakakunot ang noo.

"LDR?"

"Long distance relationship" sabi ko.

Tumango tango naman siya saka sinabing "Hindi"

"Eh? Di pa pwede yung babae? Bawal pa? Ui baka pedo ka ha?"

Napatawa naman siya sa sinabi ko.

"Anong pedo pinagsasabi mo diyan? Yun ba tingin mo sakin?"

"Hindi. Eh.. kasi diba sabi mo di LDR. So i assume di pa pwede. and it can be na mas younger sayo kaya di pa pwede" paliwanag ko.

"Basta. Ipakikilala ko din siya sayo soon" sabi niya ng nakangiti.

So may nagugustuhan din pala talaga tong Ken na'to.

Ano kaya yung type niya?

Erase. Erase.

Seriously! Ano namang paki ko kung ano yung type niya right? tss.

Ang weird ko talaga. Ang weird ng mga naiisip ko.

"Uhm.. halika na bumalik na tayo sa campus. Malapit ng magtime" sabi niya at tumayo na.

Nilahad niya naman yung kamay niya para tulungan akong makatayo. Tinanggap ko naman ito at para akong nakuryente sa hawak niya. Kaya tinanggal ko din ito kaagad pagkatayo ko.

Wala kaming imikan habang papabalik kami sa loob. Ewan ko kung ano yung iniisip niya kung bakit ang tahimik niya.

Ako kasi iniisip ko yung kuryenteng naramdaman ko.

Naramdaman niya kaya yun? Yung kuryente?

Pero para namang wala siyang napansin.

"Trin!" tawag sakin nung kung sino.

Hinawakan na naman ako ulit ni Ken sa kamay kaya di ko nalingon yung tumawag sakin.

"Si Chris yan" sabi niya kaya di na ako nag attempt na harapin yung tumatawag sakin.

"Trin! Teka lang!" tawag na naman nito ulit.

Binilisan namin yung lakad namin para di niya kami maabutan.

"Teka lang!" sabi nito at hinila yung braso ko.

Naabutan pa rin kami.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Sorry sa abala. May sasabihin lang ako sandali" sabi ulit nito.

"ayos lang" sabi naman ni Ken sa gilid ko.

"Ano kasi... may practice tayo mamayang hapon. Dance room tayo" sabi niya.

Practice?

"Para san? Yung practice?" tanong ko.

"Sa event daw ngayong monday" sabi niya.

"Okay thank you" sabi ko at bahagyang ngumiti.

Ngumiti din siya pabalik at nagpaalam na sa amin.

Natulala ako saglit ng may narealized ako.

practice means to be with him...

To be continued...

I Love Him But He's Not MineWhere stories live. Discover now