first half

50 2 0
                                    


Kei

"You're not gonna be suited for each other! Ever!" tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina pa nagtatangkang tumulo mula sa mga mata ko. Tinignan ko lamang siya na nakayuko sa tabi ko, walang imik habang ang babaeng sinubukan kong bigyan ng magandang impresyon ay sigaw ng sigaw sa harap namin.


"I'll never accept my son for you! You don't deseve Spade!" ang sakit. Bawat salitang binibitawan niya, masakit. At ang mas masakit pa wala siyang ginawa kundi manahimik lang sa tabi ko. 


"Tita..." Mahinang tawag ko sa babaeng nasa harap namin. "Wag na wag mo rin akong matatawag na tita! Hindi tayo magkakilala at kahit kelan hindi ka kikilalanin ng pamilyang ito!" Napakurap ako ng mariin habang tumulo pa ang maraming luha. 


"Lumayas ka sa harapan ko! Layas" Sigaw niya saka ako tinulak na sinubukan naman siyang pigilan ni Spade. Pero pinatawag ng nanay niya yung mga guard at wala ng nagawa si Spade. Dinala ako ng mga guard sa labas. Labag sa kalooban akong sumunod at noong nakarating na kami sa main gate ay tinulak nila ako at napaupo ako sa sahig.


Pagtingala ko, sumunod pala si Tita. "Wag na wag ka ng babalik dito! Kung babalik ka man sisiguraduhin kong hinding-hindi kayo magkikita ng anak ko!" Pagtapos na pagtapos niya ay tumalikod siya at padabog na naglakad palayo na sinundan naman ng mga guard.


Di nagtagal ay nawala na sila sa paningin ko. Napayuko nalang ako sabay tulo ng mga luha ko. At nakita kong may sugat pala ako sa tuhod. Masakit siya, pero mas masikit pa rin ang mga salita ni Tita. Napatakip nalang ako sa bibig ko habang nabasa na ang muka ko ng mga luha ko. Unti-unting napalakas ang hikbi ko.


I cried my heart out hanggang sa namaga ang mga mata ko. Tumayo ako at paika-ikang naglakad pauwi. Wala na kong pera kaya wala akong nagawa kundi maglakad pauwi. Muka akong tanga ang dumi na ng dumit ko. 


Lalo pa kong naiyak sa hiya. Pinagtitinginan na ko ng mga tao. Pinilit ko nalang wag silang pansinin at di nagtagal, nakarating ako sa harap ng bahay na inuupahan ko. Paika-ika pa rin akong pumasok sa loob ng bahay. Agad ko namang hinanap ang first-aid kit. 


Pagbukas ko, kakapiranggot nalang yung bulak at isa nalang yung band-aid. Kinuha ko naman yung betadine. At napaka-swerte ko nga naman. Konti nalang din yung betadine kaya todo taktak ako sa bote.


Maya-maya'y natapos na ko sa paglilinis ng sugat ko. Nagpalit ako ng damit at saka nahiga sa kama. Hindi rin nag-tagal, unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko at nakatulog ako.


----------------------------------------------------------------------------------------------

Naramdaman ko ang sinag ng araw na tumama sa muka ko. Napaupo akong dinilat ang mga mata ko. Tinignan ko ang orasan at nakitang late na ko sa trabaho. Agad-agad naman akong tumayo at kumaripas ng takbo papuntang banyo para maligo ng mabilis. Matapos noon ay nagbihis ako at nag-ayos ng buhok.


Pinulot ko ang bag ko na nakapatong sa lamesa at nagmadaling lumabas ng bahay. Kinapa ko ang bulsa ko at buti nalang may natira pang kong 8 pesos. Pumara na ko ng jeep at sumakay.


Pagkahinto ng jeep, agad akong bumaba at tumakbo papasok ng cafe. Pagbukas ko ng glassdoor ay sigaw ng boss ko agad ang inabot ko. "Ms.Lacsamana! This is the fifth you were late for work! I can't tolerate this anymore you're fired!" 

Because of meWhere stories live. Discover now