second half (final)

21 2 0
                                    

3 years later

Kei

"Miss, one caramel macchiato please" Agad naman akong napatingin sa customer na nasa harap ko. Bahagya akong nagulat dahil kanina pa ko occupied dito sa nirereview ko para sa exams bukas.


Oo, nag-aaral ako ulit. Hindi ako nakatapos nang dahil sa kakapusan sa pera.


"Coming right up" Pumunta na ko sa likod para ihanda yung kape. Di nagtagal, natapos din ako. Pano ba naman ilang taon na kong nagt-trabaho dito parang naging part na rin to ng daily routine ko. Malaki talaga ang pasalamat ko sa cafe na to. Kung hindi ako natanggap dito baka palaboy-laboy na ko sa daan ngayon.


Isang linggo matapos niyang umalis, pinaalis ako sa inuupahan ko. Sinikap ko naman bayaran yung upa ko noon pero pinalayas pa rin ako. At alam ko na kung sinu ang may kagagawan nun. Sino pa nga ba kundi ang nanay ni Spade. Buti nalang talaga nakahanap ako ng matitirhan at ng bagong trabaho at nagtagal ako sa trabaho ko ngayon.


Pero mahirap. Halos wala na kong tulog nitong nakaraan lalo na't malapit na kong matapos sa pag-aaral nadagdagan pa lalo yung mga gawain ko. kailangan ko pang magising ng maaga para hindi ako ma-late sa trabaho. 


Bumalik ako sa counter nang matapos ko na yung order nung customer kanina. Ini-abot ko sa kanya yung kape at inabot niya naman sakin yung bayad. Nilagay ko ito sa cash register at binigay ang change at receipt. Nagthank you siya at ganun din ang ginawa ko pabalik tiyaka siya naglakad palabas ng cafe.


Binaling ko na ulit ang atensyon ko sa nirereview ko. Habang busy ako sa pagbabasa, biglang may tumulong dugo sa pahinang binabasa ko. Hindi na ko nagulat, agad ko itong pinunasan ng tissue pati ang ilong ko. Madalas akong makaranas ng nosebleed nitong mga nakaraang linggo.


Puyatan kasi. Halos lahat ng projects nagsabay-sabay ng deadline. Isang linggo na rin na tuloy-tuloy dadalawang oras lang ang tulog ko bawat araw. Minsan nga halos di na ko makatulog. Kaya pagpasok ko sa trabaho o kaya sa school haggard na haggard ang itsura ko. Nalolosyang ako jusko.


"Kei tapos na shift mo. Maghanda ka na di ba may pasok ka pa??" Bigla namang dumating ang co-worker kong si Lauren. 


Tumingin ako sa relo ko bago ko siya nilingon. "Hala. Oo nga, sige mauna na ko. Ikaw bahala dito ah salamat!" Kumaripas ako ng takbo sa locker room at nagpalit ng damit. Kinuha ko ang bag ko pati yung mga librong binabasa ko kanina. Di ko na pinasok sa loob ng bag dahil nagmamadali na ko. Matapos nun ay lumabas na ko ng cafe at pumara ng sasakyan.


Tatlong taon na ang nakalipas simula noong huli ko siyang nakita. I admit, I tried to forget him. But I failed to. I realized I can't force my heart to do something it doesn't want to do. I'm still waiting for him.


Pagkarating ko sa school, agad-agad akong pumunta sa first class ko. Lumipas ang oras, tulad ng ordinaryong araw ganun lang din ang nangyari ngayon. Same routine. 


Dumeretso naman ako sa pangalawa kong trabaho sa gabi. Side-line ko lang naman. Maniwala man kayo kung gusto niyo o hindi. Kumakanta ako sa isang restaurant tuwing Tuesdays, Fridays at Saturdays. Di man ako kasing galing ng mga sikat na singer. A lot of them said that my voice is beautiful but I'm not the best after all why not try this job? Maganda naman ang kita ko dito pandagdag sa mga living expenses ko.

Because of meWhere stories live. Discover now