Part 1

22.3K 417 18
                                    

MIGO

"ANO UTOL KAYA PA??!!"

halos pasigaw ko nang sabi kay Sonny na tila pagewang gewang na sa paglalakad.

Puta lasing na si mokong.
buti nalang malakas ang alcohol tolerance ko kung hindi baka tumatawag na ako ng uwak ngayon.

Pinagmamasdan ko lang si Sonny sa dance floor habang may kasayaw siyang babae.

Nandito kami ngayon sa isang bar and resto somewhere in Makati.

Di ko naman talaga gustong pumunta sa lugar na ito ngayon.

Pero sadyang mapilit ang mokong na magpasama kaya di na ko makatangi.

Mula pagkabata, kami na ni Sonny ang magka-sangga sa lahat ng bagay, mapa kalokohan man yan.

Hilig namin parehas ang ganito, pa easy easy lang.

Dahil parehas kaming biniyayaan ng yaman ng diyos,
At di naman sa pagbubuhat ng sariling bangko e, biniyayaan din kami ng diyos ng angking kakisigan at kagwapuhan.

Matipuno at makisig ang aming katawan lalo na si Sonny.

Tambay ng gym yan e.

If i know kaya yan madalas sa gym kase trip na trip siya nung pamintang may ari ng gym kung saan kami madalas sabay mag workout.

Paborito ata kami ng Diyos.

Nang magsabog ng yaman ito, tila lahat naman ata kaming dalawa ni Sonny ang sumalo.

Lagi kaming agaw eksena sa mga bars na napupuntahan namin gabi gabi.

Kung party-goer si Sonny, mas liberated naman ako sa kanya.

Certified heartbreaker! Haha.

Wala ako ibang alam na seryosohin kundi ang babaeng ka sex ko sa kama. Yun lang. Hehe..

Oo.

Anak mayaman kami parehas. May mga naglalakihang kompanya sa iba't-ibang bansa na pagmamay-ari ng aming Ama.

Napaka dali na naming nakukuha ang mga bagay na gusto namin na walang kahirap hirap. Hehe.

Ang sarap maging mayaman.

Mataas ang tingin sayo ng mga taong nasa paligid mo. Sinasamba ka nila at nirerespeto.

At ang mga uto-uto naman, pera lang ang katapat.. bibigay na. Hehehe.

"Andito ka lang pala. Bakit di mo sinasagot mga tawag ko? Are you avoiding me?"

Narinig kong sabi ng mangiyak ngiyak na boses ng babae sa tabi ko.

Napatigil ako sa pagmumuni muni ng maramdaman ko nga na may tumabi sa akin.

Sanay na sanay na ako sa mga ganitong klaseng eksena.

Nakakasawa na!

Parati nalang ako ang hinahabol ng mga to.

Iiyak iyak tapos mag papa awa para lang balikan ko sila.

Kakasawa na.

Di ko siya nilingon.
At wala akong pake sa kanya.

Kilala ko siya.

Siya yung naikama ko last... three months ago?

Ano nga ulit pangalan nito?
Lindsay? O Andrea? Joanna?

Basta, pamilyar siya.
Yung name lang niya ang di ko tanda. Hehehe.. >:)

Mantakin nyo natatandaan ko pa tong higad na to?

Paano ko ba naman to malilimutan e dinaig pa ang linta sa pagdikit sakin.

Daig pa ang private investigator sa pag spy sakin.

Dinaig pa ang call center agent sa mga tawag niya sa akin every 10 seconds.

Bakit ba kung umasta to e parang binigyan ko siya ng dahilan na humabol habol sa akin to?

Sabagay.

I told her na pakakasalan ko siya.

Ang totoo nyan, kaya ko lang nasabi yun kase pa virgin pa ang higad!

Ayaw pang bumigay!

Pa hard to get.

Pinangakuan mo lang, ayun sinuko na ang hiyas. Hehe..

Well, later on, na realize ko na kaya pala ganun nalang siyang umarte kase.... VIRGIN PA SIYA!

Ako ang nakauna sa kanya.

Ako ang nakakuha ng dangal niya.

Ampota.

Kaya hindi ko rin to masisisi kung bat umaakto siyang tila psycho ex ko.

Di man lang ba niya naisip na sinabi ko lang ang mga bagay na yun para lang sumama siya sa akin?

Di ko na kasalanan kung ganyan siya ka miserable ngayon.

Tanga siya dahil madali siyang nabola. Haha.

"Di mo na ba ako gusto?"

"Akala ko ba ako ang pakakasalan mo?"

"Bakit nakikita ko na iba't ibang babae ang kasama mo gabi gabi?"

Hinayaan ko lang siyang magsalita.

Blah blah blah..

Drama nanaman!

Nag sindi ako ng yosi habang iniinom ang bote ng alak na nasa lamesa.

"Tagay ka muna. Ikaw naman masyado kang selosa. Alam mo naman na busy ako sa trabaho diba?"
- Ako.
sabay buga ng usok mula sa sigarilyong hawak ko.

Ang totoo, wala akong pakelam sa kung ano man ang sasabihin ng babaeng to sa akin.
Halos lahat na ata ng babaeng nakakama ko ay ganyan ang drama after namin mag sex.

Bae Meets DreWhere stories live. Discover now