Part 1

5 0 0
                                    

MIA'S POV

            Mia Bernadette Rodriguez, 16 years old. Isa akong geek, matakaw, matalino (sabi nila) at medyo kalog. Today is Monday so kailangan gumising ng maaga, pero kailangan ko na muna mag... SELFIE. Pumwesto na ako, tapos sabay...


*capture!


"Ayan, isa pa..."


*capture!


*Capture!


*capture!


"Mai-post na nga sa facebook account ko" sabi ko, pinost ko na nga. Tapos nag-ayos na ako ng feslak ko, naligo, tapos pumunta sa kusina para lumafang. Tapos nakita ko si Mother tsaka ang mga tyanak kong kapatid, joke lang! Gwapo't magaganda yan, ako lang hindi pinalad.


"Hey mother, good morning!" Energetic na bati ko


"Magandang umaga ate" sabi ni Pia, ang bunso kong kapatid.


"Mother, hindi sister. Hi" sabay kaway ko


"Ang weirdo mo ate" sabi ni Rex


"Pake mo, ikaw nga bakla eh. Lumafang ka na lang, and be quite" sabi ko sabay tapat ng isang daliri sa labi.


"Anak wag mo nang patulan yang kapatid mo, kumain na kayo dyan baka mahuli kayo sa klase" sabi ni nanay


"Opo nay"sabi ko sabay upo


*SA SCHOOL


"ohy friend si Carlo, gwapo" sabi ni Faith


"Oh ano ngayon?" sabi ko habang hindi tinutuon ang tingin sa kanya


"Ikaw beh GGSS ka" sabi nya, nagulat ako sa kaniya do'n ah?


"Ha? Ako? Mukha mo? Bakit naman?" sabi ko


"kasi po di na nga tayo maganda ayaw mo pa kahit crush lang" sabi nya


"Beh, may promise ako sa nanay ko at tatay ko. Ako ang magaahon samin sa hirap" sabi ko


"Beh hindi lahat ng oras pag-aaral, bahala ka dyan, gusto mo ba mag-madre?" sabi nya sa akin


"ayaw. Ayoko lang ma-fall sa... (tingin kay Carlo) bad boy" sabi ko


"Sabi mo eh" sabi nya at nag-basa nanaman, pinunasan ko na muna ang makapal na eyeglass ko. Namawis eh?


             Hindi naman ata ako magugustuhan ng kung sino dyan, sa panget kong ito. Look at my face! Tadtad ng black heads, eww! Wow nandiri sa sariling mukha? Kung love naman kasi ang paguusapan HOPELESS ako dyan.


               Natapos ang oras pero ako lutang na lutang, nakauwi na ako pero parang nasa galaxy ako lumulutang lutang na parang plastik na dinala ng hangin.


"Anak!"


"Ate!"


"Ate!"


              Nagulat ako sa sigawang iyon, kaya ayun nakabalik ako sa Earth. Lumabas ng kwarto at nag-tatatakbo. Anong nangyari?! Anong meron?! Sino nasamid!? Sino nadapa!? Sino!!!! 


"Anak" Mangiyak-ngiyak na sabi ng mama ko


"Bakit nay?" sabi ko


"Si Spike patay na! huhuuu!!!!" Iyak ni Pia


"Aso lang yan, mag-ampon ka na lang sa kanto. Sa America pati aso may tax, ma-swerte ka at walang tax ang aso sa Pinas." sabi ko


"Anak mahal ko ang asong yun" sabi ni nanay


"Nakaka-selos naman" Singit ni tatay


"Sige mag-bantay ka magdamag dyan sa labas ha" sabi ni nanay


"Nanay sa kanto na nga lang kayo kumuha, tsaka hindi yan kawalan" sabi ni Rex


"OO nga, apir tayo Rex" sabi ko


"Ewan sayo" sabi nyang suplado


"akala ko naman kasi kung ano, aso pala?" sabi ko habang pabalik na sa kwarto ko. Ganyan talaga ang pamilya ko halo-halo. May dramatic, may OA, may weirdo (ako yun), may suplado, may seloso. Pero we love each other.


______________________________________________________________________________


Hello XD comment nyo lang po kung anong opinyon nyo wag mahiya

Triangle (On-Hold)Where stories live. Discover now