Chapter 4

76.2K 1K 16
                                    

Martha

"Oh? Anong nangyari sayo? Hello? Martha to earth? Ganun? Tulala lang ang peg?" Pangungulit ni Yumi sakin.

Di ko kasi siya pinapansin simula kanina pa. Ewan ko. Sobrang affected ako sa nakita ko kanina. Diba? Pag fangirl dapat di na-huhurt kapag may nalilink or may naiissue sa idol nila? Pero, bakit ganito ako? Why am I hurt damn much? Siguro kasi asawa ko si Jake. Ako ang mas may higit na karapatan sa lahat ng babaeng lalapit sakaniya. Pero asawa lang ako sa papel. 'Yon lang.

"Sorry. May naisip lang ako." Pagsisinungaling ko.

"Naisip? Naisip mo siya for almost 4 hours? Seryoso?" Inirapan ko lang siya. Badtrip ako ngayon! Wag siyang ano diyan. "Okay okay. Sorry." Tinaas niya pa ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko siya sa mga pulis. I-papulis ko nga talaga siya diyan e, kapag di pa siya tumigil.

"Halika na nga. Balik na lang tayo sa room." Hindi na siya nakasagot sakin kasi hinila ko na ulit siya paalis sa cafeteria.

Pagpasok namin sa room ay siyang dating naman ng Dean ng department namin, department namin nila Jake.

"Hi, good afternoon everyone." She greeted us. Terror ang Dean namin na to. Masungit at mataray. Matandang dalaga daw kasi sabi nila.

"Good afternoon Ms. Castor." Walang buhay na greet namin sakaniya. Umupo siya sa upuan ng professor namin at humarap samin. Inayos niya ang salamin niya at nagstart ng magsalita.

"I am here because all of you need to attend the seminar for the Architect and Engineer Association. Next Thursday 'yon sa Laguna. So I'm expecting all of you to attend that seminar or else try to look for another course." Matatag na sabi nito. Psh. Sungit niya talaga. "You may now start asking."

Tumaas naman ng kamay yung course president namin na si Ginny. "All year level po ba to?"

"No. 3rd year and 4th year lang." Wah? 4th year? So kasama sila Jake? Lucky me. Kasi tourism ang course ni Marianne so it means she's not belong to this seminar. Walang malanding lalapit sa husband ko. Ang saya naman non! Yes!

"Is that for 1 day seminar only, Ma'am?" Tanong nung mayabang na kaklase namin na si Ronald. Feeling niya super gwapo siya, wala naman siya sa kalingkingan ng asawa ko.

After magtanong ni Ronald ay tumingin pa ito sakin at kumindat pa. He is always like that. Kaya, inirapan ko na lang siya. I have no time for that flirt. I am already married for Pete's sake.

"No. It will be a 3 days seminar. So please bring all your belongings kasi wala na tayong uwian. Alam na to lahat ng professor niyo so you don't have to worry." Tumayo siya at naglakad na palabas ng room pero bago siya lumabas ay may sinabi pa siya. "Attendance is a must. Okay. Have a good day. Good bye."

3 days? Waaaah. 3 days magkakalayo ang asawa ko at ang hitad niyang girlfriend. Ang saya naman nun! Thank you po Lord!

After our Dean ay pumasok na din ang professor namin for lecture. I have 3 subjects pa this afternoon kaya baka abutin pa kami ng gabi dito sa school. Napapangiti naman ako every time naiisip ko na uuwi ako sa bahay namin ni Jake. Weird talaga!

Buong klase ay good mood lang ako dahil sa seminar na 'yon. Excited na ako and I can't hide it!




"Bye sissy." She kissed me in my cheeks at pumasok na siya sa kotse niya. I also do the same. Nilagay ko lang lahat ng gamit ko sa back seat at sumakay na ng kotse. Tapos na ang klase namin kaya pauwi na ako ngayon.

Married To Mr. Artista #Wattys2016Where stories live. Discover now