MSG 48 It's Over?

1.8K 65 6
                                    


Nakabukas ang pinto sa Science laboratory. May lumalabas din na maliit na ilaw galing doon, isang emergency light siguro.

Parehong nasa unahan ko sina Darryle at Hunter. They want me to be at their back. Kahit madilim ay kitang kita ko pa rin ang likod nila dahil sa ilaw na nanggagaling sa labas.

Darryle looks musculine on his black jacket. Pareho silang payat ni Hunter. They have the same body shape. Nang nasa pintuan na kami may naririnig na akong kaluskos at mga mahihinang tinig. Nakarinig din ako ng mahinang paghikbi!

Cynthia's inside!

Maingat kaming pumasok sa pintuan. Una kong nakita ang isang babae na nakayakap sa dalawa niyang tuhod. Sa kanya lang nakatapat ang ilaw, the rest ay madilim na pero alam kung maraming preserved bodies dito kagaya ng palaka o di kaya'y fetus.

Gulong gulo ang buhok niya at nakasuot nalang siya ng maduming puting vneck shirt. Pati ang suot niyang pants kanina ay naging shorts nalang. She's a mess!

"Oh my God, C-Cynthia." utas ko at kaagad na tinakpan ang bibig. Anong nangyari sa kanya?!

Itinaas niya ang ulo niya. Namamaga ang mga mata niya at puno siya ng pawis. Nanginginig na rin siya kakaiyak. Biglang kumirot ang puso ko. Sana mali ang iniisip ko. Sana mali  . . .

Nang makita niya kami kaagad siyang tumayo. Kahit nanghihina siya ay pinilit niya pa rin. Humakbang ako para puntahan siya pero bigla nalang na may lumabas na kamay galing sa gilid niya. Sa madilim na parte.

Hinigit 'nung kamay ang buhok niya kaya kaagad siyang nakaupo dahil sa pwersa. Bakas sa mukha niya ang sakit sa pagkakahigit. Napaatras ako. May tao sa gilid niya! Nagtatago sa dilim!

"Cynthia!" sigaw ko ng napahiga siya dahil hinigit pa rin ang buhok niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang isang nakakakilabot na tawa. Tawa ng isang lalaki! Biglang may humawak sa kanang braso ko. Napatingin ako doon at sa humawak, gumagalaw galaw ang adams apple ni Rryle habang nakatuon ang pansin kay Cynthia.

"They are all stupid! Those idiot killers? Tsk. Akala ko pa naman, malakas at matalino sila. Bobo pala ang plano nila. Hayy. Nakakatawang isiping naisahan niyo sila. At naisahan ko sila. Mga bobo!"

Napalunok ako ng marinig ulit ang boses na iyon. Lalaki. Hindi sa akin pamilyar. I heared slowly footsteps. Nang nasisinagan na siya ng ilaw mula sa emergency light ay una kong nakita ang nakakakilabot niyang ngiti. Who is he?!

"Please, Joaquin . . . . stop this."

Kitang kita ko ang pagmamakaawa ni Cynthia. Joaquin? Sino siya? Hindi ko siya kilala.

Parang wala siyang narinig na sinabi ni Cynthia. Tiningnan niya lang kami na parang naglalaro. He looks younger.

"Joaquin Buena . . . " utas ni Hunter.

Buena? Sounds familiar! Wait, what?! Don't tell me he's Harry's brother?

"Hunter" sagot niya.

"Joaquin. Joaquin, please." sabi ni Cynthia. She's now pleading.

"Tumahimik ka!" sigaw ni Joaquin at sinipa sa kamay si Cynthia. I gasped. Parang hindi babae si Cynthia kung tratuhin niya!

"What are you doing, Quin?! Wag mong ganyanin si Cynthia. What do you want? Justice?" saad ni Hunter at humakbang papalapit.

"Don't move . . or I'll shoot you." napatigil si Hunter sa paglalakad. Now, he's serious.

Bakit niya kilala si Joaquin? Are they friends? I mean long time? Seems like they're 'close'. Pero bakit niya ginanyan si Cynthia? He's a pig!

My Stalker is a GangsterWhere stories live. Discover now