The Only Exception
by Paramore
Angelo,
You made me believe....
Believe that there's such a thing called "LOVE".
I'll always love you.
Ruth.
----------------------------------------------
When I was younger
I saw my daddy cry
And curse at the wind
He broke his own heart
And I watched as he tried to reassemble it
Ako nga pala si Keisha Ruth Garcia. College student. "Keisha"-'yan ang tawag sa'kin ng mga kaibigan ko at ng mga schoolmates ko. Ayokong ng pangalan kong Ruth. Di ako sanay ng tinatawag na ganun. Haay. Ako? Tanungin niyo na ang lahat sa'kin mapa-Chemistry, Algebra, Geometry o History pa man 'yan, sasagutin ko.. Huwag niyo lang akong tatanungin tungkol sa LOVE. Walang love, di ako naniniwala sa ganun. Oo, may love, love para kay God, sa mga kaibigan, sa classmate pero hanggang dun na lang yun. Para sa'kin, walang love na involved ang dalawang tao. Di ako naniniwala sa Boyfriend-girlfriend. Pano ba naman.. pamilya ko pa lang, isang halimbawa na ng nabiktima ng pag-ibig.
And my mama swore
That she would never let herself forget
And that was the day that I promised
I'd never sing of love
If it does not exist
Sabi kasi ni Papa, wala naman daw talaga nun. At kitang-kita ko ang paggunaw ng mundo ni Papa nung iniwan kami ni Mama. Di ko makalimutan 'yung araw na yun. Nandun ako sa may pintuan, si Mama dala yung bag niyang malaki at sabi ni Papa na huwag na siyang umalis, pero ayaw ni Mama. May iba na palang pamilya si Mama. :( Nung isang araw na nakita ni Papa na hinatid ako ng best friend kong si Paulo, kinausap niya ko.
"Sino yun ha?" sabi ni Papa.
"Best friend ko po, si Paulo." sabi ko.
"Anong best friend ka dyan? Mamaya boyfriend mo 'yan, tandaan mo to ha? 'Wag na 'wag kang magboboyfriend at magmamahal. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang magmahal. Hindi mo alam kung pano masaktan, ayokong maulit yung nangyari sa'min ng Mama mo. Ayokong maranasan mo yung sakit. Kaya wag kang magmamahal ha?"
"Opo Papa." nasabi ko na lang. At simula nun, di na uso sa'kin yung LOVE.
But, darling, you are the only exception
But you are the only exception
But you are the only exception
But you are the only exception
Hanggang isang araw, naconfined si Paulo sa ospital. May Dengue siya.
"Keisha, pwede bang ikaw na muna magbayad ng bill? Wala kasi si mommy eh, pero inabot niya sakin tong pera. Pwede bang ikaw muna? Ibayad mo lang sa cashier." sabi ni Paulo.
" Oo naman. Sige, magpahinga ka muna dyan ha? Babalik ako kagad."
Hinanap ko ang cashier, pero di ko makita.
"Ah, ate, cashier ho ba? Dun po." sabi sa'kin ng lalaking ang putla-putla ng mukha.
"Ah, kuya, ok ka lang?" sabi ko sa kanya.
YOU ARE READING
Dedication Booth. :)
Teen FictionThey say that "Music is an Universal Language", oo nga naman. :) Commonly nakikinig tayo sa mga music na talagang nakakarelate tayo, or kadalasan, may naalala tayo, memories tayo sa kantang yun or may sentimental value sa'tin yung kantang yun.. :)...
