TPLL #7. - Mindy's New Look

694 37 0
                                    

TPLL #7. - Mindy's New Look

- Yesha -

Nandito kami ngayon ni mindy sa cafeteria. Sa isang sulok na wala masyadong makakapansin. Kumbaga, isang table sa canteen na Nobody. Table ng mga Nobody at hindi napapansin tulad namen? Hehehe.

Nag usap kaming dalawa. Talk talk about sa buhay at sarili namen. Nadulas pa sya saken at nasabi nyang may Crush sya kay Vincent. Kaya nga nagpapasalamat si mindy saken.

Kundi daw dahil saken, hindi sya kakauspin ng Crush nya, kaya lang ang problema ko ngayon ay alam na ng mga Hearthrob guys na yun na si Secret sunshine at ako ay iisa.-3-

Maya maya lang . . . Ang ganda ng kuwentuhan naming dalawa don sa isang sulok pero natigilan kaming dalawa sa tawanan ng biglang may pumasok sa cafeteria at sumigaw pa.

"WHERE'S YESHA?!" Napalingon ako bigla sa sumigaw at paktay ako! Nakita ko si Leonavelle na nag aapoy sa galit at nakatingin sakin ng sobrang lalim at sama. Geez! Tinuro kasi ako ng mga estudyante. Pati tong si Mindy tinuro ako pero hinampas ko kamay nya at binulungan sya.

"Bat moko tinuturo palagi hah?!" Bulong ko sakanya ng may pagkairita. Lagi kasi akong tinuturo. -3-

"Eh nagtatanong sila saken eh kung kilala kita. Syempre bawal ako magsinungaling. Bad yun." Tsk! Napa poker face nalang ako kay mindy.

Napalingon ulit ako kay Leonavelle na kasama yung dalawa. Omyghad! Nakakatakot sya. Para syang yung Witch sa Hansel and Gretel?! As in. Sobrang nakkatakot sya tumitig at kumilos ngayon.

Wag mong sabihing . . . Alam nya na? Alam nya na ako yung Secret sunshine? No. Way. Hindi ako nagbibiro, nakakatakot sya. At biglang nanginig ang buong katawan ko ng lumapit ang tatlo sakin.

Napatayo ako bigla at humarap skanila pag lapit nila saken na may masasamang matatalim na tingin. Kasama pa yung mga estudyante na nakuhaan namen ng atensyon. Omy!

Kinakabahan na ko at ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Alam kong may mangyayareng masama ngayon.

*SLAAAAAAAAAP*

Awwwwwts. Ang saket non. Sinampal ako ng sobrang lutong ni leonavelle at rinig na rinig yun sa buong Cafeteria.

"You Loser! Bxtch! Mang aagaw! Bwiset ka! Hampas lupa! Dirty! Kadiri ka! Nakakabadtrip kaaaaaaaa! MANG AAGAAAAAAAW!"sigaw saken ni Leonavelle at bigla nyang hinablot yung buhok ko at pinagsasabunutan iyon ng pinagsasabunutan ako. Lahat ng estudyante nagsigawan ng...

"GO! GO!"

"WHOOOOOOH!"

"NICE"

Srsly? Walang pipigil kay leonavelle sa ginagawa nya saken.

"Leonavelle! Bitawan mo sya. Leonavelle!" Naririnig ko si mindy at nakita ko syang pinipigilan si leona pero bigla itong tinulak ni leonavelle at napaupo ito sa sahig.

Wala nakong kalaban laban sakanya. Ginagawa ko nalang tinutulak tulak sya habang sinasabunutan nya padin ako. Minsan sinasampal sampal.

Pagkatapos biglang may humatak saken at tinulak si leonavelle palayo saken.

Sobrang gulo ng buhok ko, at feeling ko namumula yung pisngi ko dahil sa sampal ni leonavelle saken.

"DONT. EVER.TOUCH.HER.AGAIN.OR.ELSE!" biglang sinigawan ng lalaking humatak saken si Leonavelle. Pagkatapos hinatak nya nako palabas ng cafeteria.

Bago lumabas ng Cafeteria, may narinig pakong mga estudyante.

"Omf! Sya pala si Secret Sunshine."

The Prank Love LetterWhere stories live. Discover now