Fools 9

2.8K 86 4
                                    


" tara na Blue umuwi na tayo Gabi na oh, bukas na yung kaarawan mo kailangan matulog ka ng maaga " pagpipilit ko dito,

" akala ko ba kaibigan mo ako Troye, pero bakit kailangan mong maglihim saakin? " marahan nitong binitawan ang kamay ko, ako naman ay tila inuusig ng aking kunsensya sa sinambit nya " halos lahat ng sikreto ko sinabi ko sayo kahit yung nararamdaman ko na alam kong may magbabago saatin ipinagtapat ko parin iyon dahil nga nangako tayo sa isa't isa sa harap ng punong yan na wala tayong isisikreto " nanghina ang dalawang tuhod ko sa sinabi ni Blue, talagang naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga nagagawa ko kay Blue.

" sige sasabihin kuna, hindi talaga ako nasemplang sa bike kanina. nung umalis ako sa tabi mo nung nag uusap kayo ni Trixie ay nasaktuhan ako ni Alfredo at laking gulat ko na pinagsalitaan nya ako ng masama hanggang sa umabot na tinulak nya ako at ayun sumubsob ako kaya nagkagasgas ako sa palad at dumumi yung uniporme ko " bakas sa mukha ni Blue ang galit kaya kinabahan talaga ako dahil alam kong gaganti si Blue dito,

" ano yung sinabi nya sayo? malakas ang kutob kong iyon ang dahilan kung bakit mo ipinilit na pumunta dito " binalot ako ng kaba sa tanong ni Blue, hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil alam nya kapag nagsasabi ako ng totoo o hindi.

" Blue ayoko ng pag usapan. gusto ko ng magpahinga umuwi nalang tayo " tumalikod na ako pero muli ay pinigilan ako ni Blue,


" gusto kong maayos ang problema nato Troye ngayon mismo kaya sabihin muna para makauwi na tayo " ani nito, huminga nalang ako ng malalim bago ko sinabi sakanya.

" kanina kinausap ako ni Alfredo, at hindi ko kinaya yung sinabi nya " napatakip ako ng bibig dahil nanginginig ito kapag naalala yung sinabi ni Alfredo tungkol kay Blue, " Blue kaninang umaga nung galing ka sa bahay namin at nung hinalikan kita, nakita iyon ni Alfredo at ang sabi nya walang matinong lalaki ang papahalik sa kagaya kung hindi kita binabayaran at kung kagaya na kita.... Blue hindi ko alam kung anong gagawin ko kung magaya yung sitwasyon ko sayo kasi Blue inaakala ni Alfredo na isa kana ding kagaya ko dahil sa pagiging malapit natin sa isa't isa " yumuko na lamang ako at umiyak ng umiyak.

" naiintindihan kuna iniisip ni Alfredo na bakla ako dahil sa sobrang malapit natin? Troye basta ang alam ko lalaki ako pero nagkagusto ako sayo at kung kabaklaan ang matatawag dun wala nakong pake basta ang alam ko mahal kita at wala na saakin kung ano man itawag nila saakin basta ang mahalaga saakin ay maipakita ko sayo na totoo yung nararamdaman ko. " naramdaman ko nalang ang mainit na katawan ni Blue na umakap saakin.


" pero Blue nakukunsensya ako kapag naiisip na dahil saakin ay nagkaganyan ka. natatakot ako para sa kalagayan mo kapag nagsimula silang alipustahin ang pagkatao mo kagaya ng ginawa nila saakin ay hindi ko maatim iyon. kaya ang alam ko nalang paraan ay bawasan mo nalang ang pagsama saakin Blue pero mag kaibigan parin naman tayo at yung pangako natin sa isa't isa na magkasama tayo hanggang sa pagtanda ay tutuparin padin natin iyon " inialis nito ang pagkakaakap saakin at tinignan ako mata sa mata at mababakas mo dito ang pagkalito na may halong galit na alam kong pinipigilan nya lamang.

" para sa isang salita lang bibitaw ka agad Troye! oo sige aaminin ko natatakot ako kung dumating ang araw na lalaitin din nila ako dahil nag mahal ako ng kapwa ko lalaki pero hindi na mahalaga yun dahil mas iisipin ko na desisyon ko naman iyon at hindi sa mga taong dudurakan ang pagkatao ko at alam kong magiging masaya naman ako sa desisyon na mahalin ka " kahit papaano ay naibsan ang takot ko sa sinabi ni Blue,

lalo akong humahanga sa katatagan ni Blue at ramdam ko din kung gaano nya gusto ipahayag ang pagmamahal nito saakin. pero hindi padin naalis sa loob ko yung takot na may malaking epekto sa buhay nya ang pagiging magkarelasyon namin kung sakaling aminin ko din na matagal pa lang ay mahal ko na sya.

" Troye simula bata palang tayo kapag nilalait ka nandyan ako sa tabi mo pilit kong hinaharangan lahat ng masasakit na salitang ibinabatayo sayo dahil mahalaga ka saakin at ayokong masaktan ka, at sa tagal kong ginawa iyon ay maganda naman ang bunga pero pakiusap kung sakaling ako naman ang makakatanggap ng mga masasakit na salita dahil sa pagmamahal na pinili ko ay sana naman ikaw ang sumalag nito saakin ikaw naman ang mag tanggol saakin. pakiusap ko sayo yun Troye gagawin mo padin ba yung desisyon mo " natahimik lang ako at napatingin sa malayong direksyon. tila nagtatalo ang utak ko at ang aking puso sa desisyon na aking bibitawan.

lumipas ang ilang minuto na wala padin akong imik, bat ba ang hina ko sa bagay na ganto? naiisip ko kasi ang kalagayan ko na talagang bumabagabag saakin. kung yung gaya ko ba makakahanap ng magandang relasyon kagaya ng normal na relayson ng babae at lalaki. at kung maging kami ba ni Blue tatagal kami hanggang sa pangako namin na magsasama kami sa pagtanda. maraming bagay ang nakakatakot kapag ganto ang sitwayson mo dahil ayokong masaktan takot akong masaktan kaya gulong gulo ako.

" sige Troye ayokong pwersahin ka sa mga oras na to, alam kong pagod ka pa at marami pang ibang bagay na tumatakbo sa isipan mo kaya bibigyan kita hanggang bukas ng gabi para makapag desisyon sa gusto mo, bukas ng gabi may handaan sa bahay at kung pupunta ka ibig sabihin nun hindi mo itutuloy ang plano pero kapag hindi ka pumunta ay ibig sabihin nun itinapon mo lang ang pag sasamahan natin " pinagmasdan ko lang si Blue na kunin ang bisikleta nito at nagpidal palayo dito sa lugar namin, gusto kong sumunod pero alam kong hindi nya ako papansinin.

naupo ako saglit at pinagmasdan ang napakalaking buwan na harap harapan kong pinagmamasdan, naalala ko nung mga bata kami ay susulatan namin ng imagination pen yung ulap ng pangalan namin yung buwan.

bigla akong tumayo at kinuha yung bisikleta ko at mabilis na pinaandar ito. hihinggi ako ng tulong kila mama sila lang ang mga tanging makakatulong sa sitwayson ko.

Wild Fools [BOYXBOY] (Complete)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang