chapter 16 ABIGAIL'S RETURN

2.6K 26 4
                                    

LUCAS POV

lucas--"kenji ano bang sinasabi mo?! si athena yang nasa harap mo!"

nakatingin parin siya kay athena...

hinde ko alam kung bakit pero parang gusto kong sapakin si kenji para matauhan siya... ano bang problema niya? kung nag bibiro man siya.. hinde ito ang tamang oras para dun..

madalas kasi niyang pinag titripan si athena...

pero sa pag kakataong ito... sa tingin ko seryoso siya..

amnesia??

pero bakit naalala niya ko?

naalala niya kami....

pero bakit si athena lang??

bakit si athena lang ang di niya naalala..

napayuko nalang si athena sa sinabi ni kenji..

kaya nilapitan ko na si athena..

lucas--"athena... siguro epekto lang to ng-"

athena--"hinde lucas... ok lang... ok lang ako..."

alam kong hinde ok si athena... kahit hinde ko makita ang muka niya alam kong nasasaktan siya ngayon...

inakbayan ko si athena.. nanginginig sya..

lucas--"doc ano ba nangyayare kay kenji? epekto lang to nang pag kakabangga sa kanya di ba?"

"sa nakikita ko... maaring tama ka... sa lakas siguro ng impact nang pag kakabangga sa kanya... at pag kakatama ng ulo niya... ito ang naging epekto..."

lucas--"pero bakit si athena lang ang di niya naaalala? amnesia ba to doc? kasi di ba pag amnesia dapat hinde isang bagay o tao lang ang di niya naalala kung di lahat?"

"amnesia? oo.. pero iba ang kaso ni kenji... sa kaso niya isang tao lang ang hinde niya naalala... maaring nung bago siya nabangga.. ang taong ito lamang ang laman ng isip niya. itong tao lamang ang iniisip niya ng mga oras na yun... pero maaring hinde lang si athena ang hinde niya maalala.. kundi lahat ng may koneksyon kay athena.."

lucas--'ang ibig niyo po bang sabihin... kahit ang pamilya ni athena hinde niya maalala?"

ganun na nga... pero temporary lang naman ito... maaring ma regain din niya ang memory niya within 2 weeks or 1 month... pinaka matagal na ang 5 weeks..."

napatingin bigla si athena sa doctor..

lucas--"ibig sabihin doc wala na kami dapat ipag alala?"

"meron pa din... may mga kaso kasi na katulad ng kay kenji na hinde na talaga bumabalik ang memories nila.. kaya hinde dapat tayo makomportable sa sitwasyon niya ngayon...

lumapit ang doctor kay athena at hinawakan siya sa balikat

athena.. tulungan mo siyang maalala ang lahat ng tungkol sa inyo... lahat ng pinag daanan niyo... lahat ng sakit at saya... lungkot at hirap... ipaalala mo sa kanya lahat ito... lugar.. bagay.. at ikaw athena... ipaalala mo kung sino ka sa kanya... ipaalala mo na ikaw si athena... ang taong pinaka mahalaga sa kanya..."

ngumiti ng bahagya si athena at nag nod..

"mr.lazaro... kayong mga kaibigan niya... kayo lang ang bukod tanging makakatulong upang maalala niya ang lahat.."

lucas--"makakaasa kayo samin doc.."

"oobserbahan pa namin siya, kaya hinde pa siya makalalabas ng ospital.. kenji mag sstay ka muna dito ng 1 week.. para macheck namin kung ok kana ba talaga or may problema pa... ako na mag sasabi sa family mo mamaya.. tatawagan ko ang mama at papa mo."

nag nod lang si kenji

tapos lumabas na ang doctor...

lucas--"kenji hinde mo ba talaga naaalala si athena?"

umiling lang siya

ATHENA'S POV

**now playing--who am i to say by hope**

 athena--"kenji..."

lumapit ako sa kanya at lakas loob hinawakan ang kamay niya..

pero tinanggal din niya agad ito..

kenji--"pwede ba wag mo ko hawakan.."

ang sakit... ang hirap tanggapin na hinde na niya ko naaalala..

hinde na niya naaalala ang lahat...

ang pag mamahal niya saken..

ang mga pinag daanan namin..

sexylove-lovebabe

hubby-wifey

gusto ko siyang sigawan... gusto kong magalit sa kanya...

pero hinde ko magawa...

kelangan intindihin ko siya.

may sakit siya..

hinde niya kasalanan na kalimutan ang lahat..

pero bakit ganun?

ang hirap tanggapin...

gusto kong sumigaw... gusto kong iiyak lahat ng nararamdaman ko ngayon...

napaka sakit....napaka hirap na kalimutan ka ng taong pinakamamahal mo...

alam niyo yung piling na parang wala na siya? na ibang tao na ang kaharap mo? na lahat ng nangyari sa inyo dati ay parang hangin lang na napadaan tapos wala na?

lucas--"athena lalabas lang ako.. alam ko kelangan niyo mag usap."

tinap lang niya ang balikat ko at lumabas..

athena--"kenji... ako to... si athena.. ang asawa mo... talaga bang hinde mo na natatandaan?"

nanginginig ang boses ko... gusto nang bumagsak ng luha ko sa sakit na nararamdaman ko..

nakatingin lang siya saken na parang wala lang sa kanya ang sinabi ko... na parang wala lang ako sa kanya.

kenji--"asawa? nahihibang ka na ba? ako ba talaga ang may sakit o ikaw?"

hinde ko nalang pinansin ang sinabi niya...

nilalagay ko nalang sa isip ko na nakalimutan lang niya ang lahat, kaya ganyan ang mga nasasabi niya...

pero kahit ganun.. alam ko at naniniwala ako na hinde nawawala ang pagmamahal niya sakin.. alam kong hinde nakakalimot ang puso...

athena--"kahit masakit... kahit mahirap.. handa ako tanggapin lahat... basta hayaan mo lang ako sa tabi mo... hayaan mo lang ako tulungan ka..."

hinde ko na alam pa ang sasabihin ko...

kahit na ang dami ko dapat sasabihin sa kanya...

athena--"kenji... please?"

bawat tingin niya saken... bawat salita niya...

parang dinudurog unti unti ang puso ko...

hanggang kailan ako masasaktan ng ganto?

hanggang kailan ako mag titiis?

wala na ba talaga ko karapatan pang sumaya?

kenji--"ayoko... si abigail ang kailangan ko... siya ang gusto kong mag alaga saken.. siya ang gusto ko sa tabi ko.. hinde ibang tao.."

tumakbo na ko palabas ng kwarto niya...

alam kong hinde niya sinasadyang sabihin yun..

alam kong dapat kong intindihin ang kalagayan niya...

pero bakit ganun...

hinde ko siya maintindihan...

hinde ko na alam pa...

kailangan ko munang mapag isa...

to be continue.........

part 2

SDTG BOOK 2 "I'LL WAIT FOR YOU ALWAYS AND FOREVER"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon