The FORDS cont. 1

23.7K 271 31
                                    

The Fords cont. 1

Kath's P.O.V

Nandito kami ngayon sa theater ng bahay namin. Ito talaga ang pinaka ni-request ni DJ sa akin bago kami magpagawa ng bahay. Gusto niya may entertainment room daw kami. Nandito lahat ng instruments niya pati mga bola ng basketball, video games and toy collections niya. Siya talaga ang tumutok sa design ng theater na to. Kaya yung tv at couch ang lalaki talaga. So kung gusto niyang makipagbonding sa mga kaibigan niya pero at the same time kailangan niyang alagaan si Sky, pinapapunta nalang niya sila dito. At lahat sila nasa entertainment room.

Two floors ang bahay na merong apat na rooms with bathrooms. Isang guest room at isang free room, doon natutulog sina Magui or sina kuya Kevin kapag bumibisita sila sa amin. Hindi raw sila bisita kaya hindi sila sa guest room natutulog. Hahaha. Yung isang room naman kay Sky, nandoon lahat ng gamit niya pero yung crib nasa room namin ni DJ dahil hindi ko pa naman talaga siya kayang iwanan mag-isa doon. Yung room namin ni DJ ang pinaka malaking room of course. May isa pang door na loob ng room namin which leads you to our dressing room. Lahat ng damit at shoes namin ni DJ nandoon pati bags ko at underarmour and GSW stuff na collections ni DJ. May maliit na space na rin para sa make-up area ko.

Kung si DJ ang naging hands on sa entertainment room, sa kitchen namin hinayaan naman ako ni DJ na mag-design dahil akin daw yun. Tinutukan ko talaga yun kaya nung natapos yung bahay nagulat si DJ kasi mukha raw siyang nasa cooking show dahil na rin sa kitchen island. Binilhan niya rin ako ng two-door refrigerator then magkasama na kaming nag-shop ng iba pang appliances. May door sa kitchen na magle-lead sa room ni ate Ganda. Tabi ng kitchen ang dining area mga six persons lang ang pwedeng kumain doon. Ang pangit naman kasi na sobrang laki ng dining table namin pero tatarlo lang pala kaming kumakain. If ever dumami naman ang anak namin ni DJ pwedeng pwede naminh palitan yung dining table.

Yung living room naman namin sobrang simple lang magkakatabing couches with a center table. May tv rin. Sa living room naka display yung family pictures namin. May frame na wedding picture namin ni DJ at yung nung teenagers palang kami. May paintings rin na siyempre may connection pa rin sa aming dalawa. May books, magazines and vases sa shelves malapit sa tv. Floor to ceiling ang windows namin dahil gusto ko talaga ng maliwanag.

Simpleng wooden staircase ang magle-lead sayo sa second floor. Pagdating mo sa taas may maliit na living room ka ring makikita. May maliit na parang balcony para makita mo ang mga tao sa baba, living room. May limang pintuan kang makikita. Unang pinto ang mini library. Doon na rin namin nilagay ni DJ yung mga awards na natanggap namin sa aming showbiz life. Ayaw naming naka-expose yun ni DJ. Ayaw kasi naming mabahiran agad ng 'Ay artista sila!' impression ang mga papasok sa bahay namin. Second door yung guest room, then the free room, room ni Sky, then nasa dulo ang room namin ni DJ. Doon na rin yung balcony ng bahay.

Sa labas ng bahay meron kaming lanai. Minsan doon kami kumakain ni DJ kasi ang sarap lang sa feeling. Kung hindi doon, sa balcony sa labas ng room namin kami kumakain. Kapag binisita rin kami ng families namin, nagiging outdoor dining area ang lanai namin. Masarap kumain doon dahil garden na namin ang kaharap.

Yung garage namin ang halos may malaking space dito dahil sa sobrang daming sasakyan ni DJ. Yung ibang sasakyan namin na pang-taping niregalo nalang namin sa mga kamag-anak namin pero yung iba binenta nalang kasi ayoko nang dalhin pa dito. May maliit din na space gilid ng bahay, cemented siya dahil gusto ng asawa ko may basketball court siya.

Hindi na kami nag-pool dahil nga natatakot talaga si tita Karla noon para sa magiging anak namin ni DJ. Baka raw magaya sa anak ng kaibigan niya. Mapabayaan at makita nalang na lumulutang sa pool.

Takot na takot sina mama sa amin nung dito na kami tumira kasi baka raw manakawan kami o kaya pasukin may patayin kaya pinilit nilang magka-guard kami. Ayaw na sana namin ni DJ pero mapilit sila at ayaw kaming pakawalan kaya um-oo nalang kami. Medyo malaki rin ang gate, big enough to cover the things that need to be covered.

Random ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon