NMP4

1.3K 66 3
                                    

Glaiza's Pov

Ng tapusin ni Sir ang klase ay agad agad akong nag ayos ng gamit at lumabas ng kwarto, nag punta ako sa isang rooftop ng isang department na nakita ko kanina, ganito ang ginagawa ko kapag gusto kong maka hinga at sanay din ako na palaging mag isa ayokong may kakausap sa akin lalo na at wala naman yong kabuluhaan na bagay, kanina pa kasi ako naiirita sa klase pakiramdam ko'y lahat ng mga mata ay saakin lamang naka sentro lalo na yung katabi ko sa gawing kaliwa si... Ayen? Ian? Rain? haaay nakalimutan ko na ang pangalan nya hindi ko naman kasi sya pinapakinggang nung nag papakilala sya di bale na wala akong panahong isipin pa kung anoman ang pangalan nya, wala ba syang gagawin kundi ang sulyapan ako? Ayoko sa kanya., Yung isa naman na katabi ko sa gawing kanan may pagka seryoso pero may pagka kwela din ang dating, isa pala syang Lesbiana.. ako din naman pero hindi lang ako katulad nya na mukhang lalaki mas gusto ko padin ang pambabaeng pormahan pakiramdam ko'y makakasundo ko ang isang iyon wag nya lang ililitaw sa akin ang pagiging kwela nya dahil hindi iyon bebenta sa akin, yung isa naman na nahuli ng dating yung babaing mukhang basagulera sa tabi ng babaing sulyap ng sulyap sa akin, mukha syang walang utak pero may punto naman sya kanina hindi nga naman sinabi ni Sir. kung ano bang bansa ang tinutukoy nya at ang akala naman nung babae e amerika ang tinutukoy ni Sir. Kaya si George W Bush at Obama ang pinuntirya nya, malawak naman ang aking pang unawa pero sadyang wala lang talaga akong pasensya, mainitin ang ulo at ayoko ng may mangungulit sa akin kaya naman bago pa mag simula ang klase ay nilinaw ko na ang lahat dahil literal na papa hirapan ko ang taong susuway sa kahilingan ko kanina na walang lalapit sa akin, tama na ang pag sstory telling tungkol sa buhay ko, wala naman ding saysay kung ikkwento ko pa kung bakit ako ganito. dito nalang siguro ako mag papalipas ng oras hangga't hindi pa nag sisimula ang susunod klase, mabuti narin iyon at ng maka iwas ako sa tao. Kinuha ko ang dala kong tumbler at uminom ng tubig ayoko kasing kumain dahil kanina pa ako walang Gana, habang umiinom ako ng tubig ay naka tanaw lang ako sa ibaba ng building na nasa harapan ng department na kinatatayuan ko at ibinaling ko ang tingin ko sa rooftop din ng building na iyon halos magkapantay lang ang mga gusaling ito, nakita ko sa may rooftop na iyon na may isang tao din na nag papahangin lang din siguro pero hindi may hawak kasi syang gitara isa syang babae Oo isa nga syang babae, maya maya'y bumukas ang pintuan ng rooftop na iyon at iniluwa ang isa pang babae nakita kong bigla nalang niyakap ng babaing iyon ang babaing may hawak na gitara, at di kala unan ay bigla nalang nya itong hinalikan sa labi makikita mo sa kanilang dalawa ang sobrang pag mamahalan at tingin ko'y patago lamang ang kanilang relasyon, napa iling nalang ako sa nakikita ko hindi naman na bago sa akin ang mga ganyang relasyon, lalake sa lalake, babae sa babae, ganyan din naman ako noon e pero siguro hanggang noon na lamang ako, ayoko ng may lalapit pa sa akin para patayin lamang ako muli, para patayin lamang ang puso ko muli. Nakabangon ako ng mag isa kaya kakayanin kong mabuhay mag isa.
Lumipas na ang tatlumpong minuto pag tingin ko sa relo ko oras na ng susunod na klase, kaya nag pasya na akong bumaba para maka pasok na.

Classroom:

Ako palang ang nandito buti naman at makakapag solo pa ako kahit saglit, umupo na ako at inilabas ang kwadernong sinulatan ko kanina ng mga salitang nadinig ko sa katabi kong nag ngangalang chynna, sa lahat ng nadinig kong sagot ang sa kanya lamang ako nagka interes, na lahat ng bagay ay may kabaligtaran at kahit ano pang gawin na pag babaligtad baligtad sa mga salitang iyon ay sa isa't isa din sila mag kokonekta, totoo naman iyon. kasalukuyan lang akong naka titig sa kwaderno ko ng may biglang mag salita sa likod ko, pag lingon ko ay si Ayen? Ian? Rain? basta yung babaing katabi ko sa gawing kaliwa.

Rhian: hi ano yang binabasa mo?

(Pag tatanong nya sa akin, pero hindi ko sya pinansin at isinara ko nalang ang aking kwaderno)

Rhian: uy Glaiza... Glaiza ang pangalan mo diba?

(at nag salita sya muli ngunit hindi ko padin sya kinikibo sa halip ay tinignan ko lang sya ng matalim ngunit saglit lamang iyon at tumayo ako para lumayo sa kanya, ayoko syang kausap, ayoko sa kanya)

Rhian: hoy bakit kaba ganyan? bakit ba ang sungit sungit mo?

(Napalakas ang mga salita nyang iyon dahil nasa malayo na ako mula sa kanya, at sa mga sinabi nyang iyon ay nag panting ang taynga ko kaya naman bumalik ako palapit sa kanya dahan dahan habang ang mga mata ko ay seryoso lang na naka tingin sa mga mata nya at binulungan ko sya ng makalapit na ako)

Glaiza: pag bibigyan kita sa mga oras na ito, pero sa susunod na lumapit ka sa akin ihanda mo na ang sarili mo.

(at walang ano ano'y hinalikan ko sya sa bandang leeg na nagpa igtad sa katawan nya at tuluyan ko na nga syang iniwan sa kinatatayuan nya at bumalik na ako sa aking upuan, ramdam kong hindi padin sya gumagalaw sa kinatatayuan nya hanggang sa nagsipasukan na ang iba naming kaklase at tinawag naman sya ng isa sa mga kaybigan nya siguro yung babaing mukhang basagulera at niyaya na sya nitong maupo)

Katrina: hoy! Rhian bakit hindi mo kami hinintay? Anong nangyari sa iyo? Bakit namumutla ka dyan halika nga maupo ka na dito heto tubig mukhang matutuyuan kana ng dugo oh!

Rhian: aaah... O-Oo si-sige..

(at naupo na nga sya sa tabi nung babaing mukhang basagulera, at sa tabi ko..Rhian pala ang pangalan nya, sinulyapan ko sya saglit yung hindi mapapansin ng sinoman na lumingon ako sa kanya, at Oo nga namumutla sya dahil siguro sa ginawa kong pananakot, mabuti naman at nag kakaintindihan na kami, wala na akong poproblemahin pa sa babaing ito)










♀c.u.♀

Negative Meets PositiveWhere stories live. Discover now