Chapter 4

1K 21 0
                                    


Hapon ng maalarma kami sa GM ni Denden at alam naming sobrang badtrip na badtrip siya.Kaya mabilis ko siyang kinausap.

Aly: What happen?

Den: Hindi kuna talaga kaya..! Sobra na siya eh..! Sobrang nasasakal na ako sa pagkaselosa niya at sa paghihinala na wala naman talaga..!

Aly: Sino? Si Ara?

Den: Oo...Siya lang naman jowa ko eh..!

Aly: Ouch..! Ang sakit ha.

Den: Bakit?!

Aly: Akala ko kasi jowa mo din ako...Kalimutan ko hindi pala.

Napahinto siya tas biglang...

Den: Hahaha...! Baliw ka talaga..

Aly: Baliw sayo...Hehehe Atleast napatawa kita..haha.!

Den: Oo nalang...Hahaha..!

Aly: Ayt..! Tampo mood here.

Den: Wag ka nga...Pero seryoso Ly...Nakakapagod na talaga.

Aly: Ano ba kasi talaga ang nangyari?

Den: Naalala mo kahapon na nag-inom ako? Yun yung pinuputok ng botse nya..! Na kesyo ang tigas daw ng ulo ko na nakikipag inuman daw ako..! Eh sila mama lang naman kainuman ko...Tapos sasabihin nya na nagbago na daw ako kasi may iba na daw ako..! Kita mo makapag hinala wagas eh...! Pag ako talaga mapuno hihiwalayan ko siya..! Makikita nya..!

Aly: Oy teka lang...Relax ka lang.

Den: Eh sa sumusobra na siya eh...!

Aly: Tsk..! Pag-usapan nyo kasi muna...Wag puro init ng ulo.

Den: Hindi naman mainit ulo ko...Pinapainit nya lang..!

Aly: Naku naman...Eh asan ba siya ngayon?

Den: Sino?!

Aly: Yung jowa mo...Hello..!

Den: Si Ara?! Nasa trabaho nya.

Aly: Kakausapin ko siya.

Den: Ano?! At bakit?!

Aly: Para malaman ko kung bat ganun sya sayo.

Den: Sus..! Baka kung ano pa sabihin nya sayo..Sobra pa naman kung magkwento yun..Mga kasinungaling para lumabas na masama ako..! Ganun yan nung nasa laguna pa ako.

Aly: Hindi naman pwedi na basta nalang kitang paniwalaan..Kakausapin ko siya just to hear her side tungkol sa inyong dalawa.

Den: Tsk..! Bahala ka..!

Napailing nalang ako sa inasta niya.Kapag talaga mainit ang ulo ng tao mahirap mong makausap.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pinuntahan ko si Ara sa apartment niya.Kasama niya doon ang magjowang Jem at Aerieal.Si Jem ang Co'Founder sa Clan at kaibigan siya ni Denden.Nakita nila ako at nagtataka sila sakin.

(AN:ok guys paalala lang ha...Nung magkausap kami ng jowa nya ay sa txt lang kc nga Laguna nka stay si jowa nya.Ako naman sa Antipolo at siya sa Leyte..Pero dahil nga half fanfic. kya ginawan ko ng paraan para may dagdag.)

KHULET Meets Ms.BULLYWhere stories live. Discover now