Kabanata 13

374K 6.4K 28
                                    

Kabanata 13
Elliesse Del'fierrio

"Goodmorning Ma'am!" Nakangiting bati sa akin ni Karen lunes ng umaga.

"Good morning, Karen!" I responded.

Dumiretso na akong pumasok sa opisina ko. Isang linggo na rin ang nakalilipas mula ng nakabalik ako sa trabaho buhat sa habang bakasyon.

"Want some coffee, Marg?" Bungad nito sa pinto matapos kumatok.

"Yes please, Karen," I said, bago humarap sa mga papeles sa lamesa at masigla 'yon hinarap.

Bumalik ito na may dalang tasa ng kape na marahang nilapag sa harapan ko.

"You're schedule for todays meeting is with Mr. Locsin at 10:00 am also with Mrs. Talameda at 1 o'clock and Mr. Saavedra at 4:00 pm," she said, habang naka yuko sa hawak na tablet.

My heart starts pounding as I heard his name.

"Ma'am?" Puna nito sa pananahimik ko.

Mabilis akong umiling dito, "Sige salamat Karen, tawagin nalang kita pag may kailangan ako."

Matulin lumipas ang oras, katatapos ko lang ng meeting ko with Mrs. Talameda, masyadong napa haba ang discussion namin at ngayon ay pasado alas-kwatro na ng hapon, late na ako sa meeting with Lawrence tapos ay sumabay pa ang trapik.

"Shit!" Naiinis kong sabi habang bumu-busina. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para lalong madismaya dahil lowbat na pala ito.

"Bakit ngayon pa?!"

5:30 pm na nang makalusot ako sa traffic. Isa't kalahating oras na akong late sa meeting.

Agad kong pinarada ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na coffee shop kung saan ang meeting place namin ni Lawrence.

Hinanap agad ng mata ko si Lawrence nang maka pasok.

"For reservation ma'am?" Magalang na tanong nito saakin ng waiter.

"Yes, with Mr. Saavedra," sagot ko na panay pa rin ang linga sa paligid.

"Ah, this way please.." Giniya niya ako paakyat sa hagdan kung saan may mangilan-ngilang taong naroon.

"Thank you!" sabi ko dito nang ituro niya ang isang lamesang malayo sa mga tao, lumakas kaagad ang tahip ng aking dibdib ng mamataan ito.

Sa angulong ito ay malay ko siyang napagmamasdan. I couldn't take my eyes off his strong and attractive shoulders. His built didn't surprised me but overwhelmed me big time.

Agad akong napahinto ng lumingon ito sa akin. He looked perfectly handsome in his grey suit. Oh damn! I missed him!

"Good evening Ms. Collins," he greeted me with his baritone voice. Wala ring ka ngiti-ngiti ang mga labi nito habang naka tingala sa akin.

"You're late.." he added, then lazily glance at his wrist watch.

I gasped heavily and tried to picture a smile. "Pasensya kana, medyo naipit kasi ako sa traffic kaya ngayon lang ako nakarating." I explained and bowed my head to the floor.

Hindi ko narinig itong sumagot kaya naisipan ko itong alokin ng kung ano, "Please, let me buy you a drink."

"No thanks, I already finished my coffee.." Putol niya sa sasabihin ko pa.

Tuluyan nang naumid ang dila ko. Hindi ko na rin nakuhang ma upo dala ng hiya..

"So shall we?" Tangka nasa akong mauupo nang bigla siyang tumayo.

"Look, Ms. Collin mahalaga ang oras na meron ako, I came here before time tapos dumating ka dito quarter to six?!" he said in a deep down voice. Halatang nag ho-hold back lamang ito ng kaniyang galit.

I swallowed hard, hindi ako agad nakasagot sa bagay na 'yon.

"I have a meeting right after this, at dahil hindi ko makontak yang cellphone mo I decided to cancelled my meeting with Mr. Del'fierro, but he insisted. Kaaya kailangan kong makarating doon by seven o'clock." Patuloy nitong sinabi.

Gusto kong magsalita ngunit hindi ko alam ang sasabihin. Hindi kailan man ako natameme ng ganito sa mga naging meeting ko. Dahil halos lahat sila ay nakukuha ko sa charm, pero siya? Para akong nitong tinutunaw na parang Ice cream.

"Can we reschedule the meeting?" I asked timidly.

"Kung sasamahan mo ako sa meeting ko baka pumayag ako." His lips hitched a little, tila may naglalaro sa isip na kung ano.

"H-How about our meeting? Hindi ba natin idi-discuss iyon ngayon?" Pag pupumilit ko.

"I-reschedule mo nalang ang meeting natin by next week. I need to attend this important meeting with Mr. Del'fierro." Seryoso nitong sagot.

I sighed deeply. Kailangan ba talagang kasama pa ako sa meeting na 'yon? Ito ba ang parusa ko dahil na-late ako sa meeting namin?

Hindi pa man ako sumasang-ayon ay naramdaman kong ginanap nito ang kamay ko palabas ng naturang coffee shop. Wala na akong nagawa kundi mag patianod sa gusto niya. Tila may isang nagsasabi sa utak kong nag sasabing mali ito pero sumige lang ako sa 'di ko malamang dahilan.

Dahil may dala naman akong kotse ay nag convoy nalang kami patungo isang sikat na hotel na binanggit niya sa akin.

Magkasabay pa kaming bumaba ng sasakyan matapos namin itong ma i-park sa parking space. Diretso na rin kaming pumasok sa loob at sumakay ng elevator.

Labis-labis ang kaba ko habang paakyat ang elevator na sinasakyan namin. Pakiramdam ko kasi ay may hindi tama sa ginagawa ko, lalo pa ang mahigpit nitong hawak sa kamay ko na kamina pa niya hindi binibitiwan.
I keep eyes on the floor. Wala itong binubuksang usapan mula pa kanina. He seemed distant and nervy. Hanggang sa marating namin ang isang pribadong silid kung saan ito kumatok.

"Please, come in!" Narinig kong sabing boses sa pakibilang pinto.

Sinulyapan kong muli si Lawrence. His face looks more serious and tensed. He blew out a breath and he then finally open the door.

"Hijo! Nice to see you again!" Bungad na bati sa'amin ng may edad na lalaki, gayon pa man ay tingkad ang ka-kisigan nito kahit na 'di hamak na may edad ito kay Lawrence.

"Good evening po tito!" Ganting bati nito sa kaharap.

"Male-late lang ng konti si Elliesse but she's on her way na," aniya kay Lawrence bago ito tinapik sa balikat.

Naramdaman kong lalong humigpit ang hawak ni Lawrence sa kamay ko nang bangitin nito ang pangalang sinabi ng matandang Del' fierro.

Pansin ko ang pagsulyap nito saakin kaya mabilis akong ipinakilala dito ni Lawrence.

"Ah, Tito this is Margaux Collins," he introduced me to him.

"Good evening po!" Magalang na bati ko dito na hindi nakalimutang abotin ang kamay.

"Collins?" Nag-isip pa muna ito bago muling magsalita, "The owner of Collin's hotel?" Pag kumpirma nitong tanong na kay Lawrence na ngayon ang pansin.

"Yes, Tito," he confidently said.

"Nice to meet you, hija." Nilahad nito ang kamay sa akin na atubili ko naman inabot.

"It's nice to meet you too, sir!" Nakangiti kong bati dito.

Sabay-sabay naman kaming napalingon nang bumukas ang pinto. Her hair was golden brown with pinkish white glow skin. Tila mahihiya ang langgam sa mapupula nitong labi at mapilantik na mata.

Agad lumipad ang tingin ko kay Lawrence na siyang tila na estatwa sa pagkakatayo.

Sweet Seduction (Destroyer Casanova #1) Published by PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon