♕ WMAMQ 3 : They Meet Again. ♕

6.8K 160 5
                                    


RheiiLyn Wistria [POV]

Hapon na, mabuti nalang at may pera pang-tanghalian namin mabuti nalang talaga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hapon na, mabuti nalang at may pera pang-tanghalian namin mabuti nalang talaga. Natapos kaming kumain ng makarinig kaming parang isang truck na tumigil sa harapan ng bahay namin.


"May bagong lipat ata ate?"


"Siguro."


Nagulat kami ng biglaan niyang binuksan ang pintuan kaya nasira yun, halos lahat kami napatayo sa pagkakaupo.


"Rheii, nagdecide ako na paalisin na kayo dito may bago ng titira sa bahay na ito."


"What? Pinapaalis niyo na kami? Aling tinay naman, sinabi ko namang magbabayad kami sa isang linggo diba?"


"Wala na akong magagawa hija."


Nagsimula nilang kunin ang mga gamit namin at sinasakay nila sa truck, sabay-sabay naman kaming napalingon sa taong hinihingal na tumatakbo papunta sa pwesto ko.


"Beshy anong nangyari? Bakit sinasakay sa truck ang mga gamit niyo?"


Nagsimulang mamuo ang mga luha ko sa mata nanginginig na din ang mga kamay ko, hinila ako ni Andreii saka niyakap.


"Pinapaalis na kami dito bestfriend."


"Huuuush! Sa bahay ko na kayo muna tumuloy."


Napakalas ako ng yakap sa kaniya saka ko siya tinignan sa mata kung nagsasabi ba siya ng seryoso, hindi siya ngumiti halatang seryoso siya, umiling ako sa kniya masyado na siyang maraming nagawa saken at hindi ko na yun kayang dagdagan pa niya, kung sabi nila 'ANG PAGTULONG SA KAPWA AY MABUTI para saken Masama yun, LOL' yaan na. napatigil ako sa pag-iling ng marahang hilahin ni mylene ang laylayan ng palda ko.


"Sige na ate pumayag kana, tempo lang naman ang pagtira natin doon eh."


Tumingin ako kay bestfriend na ngayon ay nakangiti saken, panalo nanaman siya.


"Sigurado ka?"


"Oo, tara na."


Bago kami lumabas nag-last gaze pa ako sa bahay namin, aba! Dito ako lumaki kahit na upahan lang, ito din ang naging saksi sa pagtatapos ko sa highschool well.. . dati yun noong buhay pa si mama, ooh! Ulila na pala kami.

We Meet Again, My Queen!Where stories live. Discover now