DADDY VICE

16.7K 357 140
                                    

The views and opinions expressed by the hosts do not necessarily state or reflect those of the company and its management. Furthermore,the views and opinions of the guests do not reflect those of the hosts, the show, the management and the network.


TONIGHT WITH BOY ABUNDA!





Kaibigan magandang gabi, welcome to the program! We would like to welcome to the show ViceRylle Babies and Little Ponies of Vice Ganda.

Mula saking puso maraming salamat sainyong pag dalo dito sa aming studio. Mga Kaibigan sabi nga nila LOVE HAS NO GENDER at ika nga nila walang pinipili ang puso kung sino o ano ka man pag tumibok ito kahit ano hahamakin masunod ka lamang well tonight makakasama natin ang taong isinabuhay ang mga kasabihang ito.





kaibigan, Jose Marie Viceral aka Vice Ganda is on TWBA, Watch this!


tinutukan, pinagusapan at di binitawan ang pinaka mainit at halos araw araw na laman sa balitang showbiz VICERYLLE loveteam, ito ay nagsimula sa biglaang pag amin ng dalawa sa mismong Showtime Studio Live na di umanoy nagmamahalan sila ngunit hindi naman ito kinagat ng publiko dahil sa pagaakalang nagbibiruan lamang ang mga hosts at isang linggo ang lumipas ay namaalam na sa Showtime si Karylle Tatlonghari sa di masabing dahilan, di rin nagtagal ay bumulaga sa social media ang nakakagulat at naging kontrobersyal na post ni Vice Ganda sa mismong Instagram Account nito ang imahe ng Pregnancy Ultrasound Results with a caption "its a boy!" with a hashtag #ViceRylleBaby, na hanggang ngayon ay walang kumukumpirma kung totoo nga ba.


ViceRylle magkakababy na nga ba?


Buong tapang na haharap, buong tapang na sasagot, buong tapang na aamin, The Phenomenal Box Office Star Sa isang certified TWBA Exclusive humanda sa kanyang paglalantad sa King of Talk, TONIGHT!

"grabe naman ung buong tapang tito boy! para namang sasabak sa gera nakakaloka." baklang baklang sabi ni vice


"Vice kamusta ka?" seryosong tanong ni Tito Boy


"okay naman ako tito boy, eto ngarag na ngarag, doble kayod ang kabayo"


"Napansin ko nga nitong mga nakaraang linggo sunod sunod ang concerts at gigs sa loob at labas ng pilipinas. bakit?"


"kelangan ko ng pang gatas tito boy! kaya nananawagan ho ako sa mga pyesta birthday kasal binyag libing available ho ako.." pagbibiro ni vice


"palabiro ka talaga vice.." sabay tawa ni tito boy


"tito boy seryoso ho ako.."


"kung ganun diretsahang tanong Vice, KARYLLE BUNTIS NGA BA?"


"Yes tito boy" walang pagaalinlangan sagot ni vice.


"ikaw ba ang ama ng batang dinadala ni Karylle?" walang prenong tanong ni Tito Boy


"di pa ho kompirmado."


"ang alin? kung ikaw ang ama?"


"hindi ho tito boy kung bata nga po ba talaga ang dinadala ni K. haha chos." pagpapatawa ni vice


"seryoso vice, inuulit ko ikaw ba ang ama ng batang dinadala ni karylle?"


"panget man pakinggan pero oho tito boy ako po ang ama ng batang dinadala ni K.." masayang pagamin ni vice


nagtilian ang vicerylle babies sa studio hampasan suntukan saksakan (chos)


pero si tito boy nagulat at tila hindi naniniwala..


50 SHADES DARKER VICE (ViceRylle SPG)Where stories live. Discover now