Chapter 08 - Red Light Special (July 05, 2018)

176K 2.6K 326
                                    

Nang itulak si Miala sa lalaki, halos mahilo siya dahil nauntog siya sa matigas na katawan ng "stripper" na 'yun. Hindi niya inexpect na magsusuot pala ng denim jacket at skinny jeans ang "special guest" nila at unang pumasok sa isip niya ay kung paano nito huhubarin 'yun.

Pangalawang napansin ni Miala ang pagbaksak ng phone niya. Nagcrack tuloy ang screen at gusto niya nang mapaiyak at sumbatan ang mga nagtulak sa kaniya na parang bigla na lang tumahimik.

Bago pa siya makatingala, may tumawag na agad ng pangalan niya.

"M-miala."

Feeling ni Miala isa siyang pulubi nang mga panahong 'yun.

Halos hindi niya mapaniwalaan kung totoo ba na si Lenard 'yung nasa harap niya o figment lang ng imagination gawa ng pagtugtog ng Red Light Special at kalasingan, pero hindi maipagkakaila ang boses nito at amoy.

Halos hindi makatayo si Mia.

Nakaramdam siya ng panginginig ng laman. Lalo na't tuloy-tuloy ang kanta.

Lahat ng memory na pinipigilan niya creeps up her head like a fast-spreading disease. Totoo nga ang iniisip ng mga kasama niya sa hen party na ito. She's a ticking bomb. Wala siyang nagawa nang finally tumulo na mga luha niya. She's sobbing and all she can feel is her body shaking.

Agad namang umaksyon si Jane. Agad siyang itinayo.

"Ipasok niyo. Ipasok niyo siya." Sabi nito kila Jewel at agad namang inalalayan ng lahat si Miala as Jane confronts Lenard.

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi makasagot si Lenard. Hindi niya talaga alam ang ginagawa niya. Wala siyang maisagot kay Jane.

Maya-maya ay kinuha ng babae ang cellphone niya at nag-dial habang umuuling na sinasara ang pinto leaving them in the hallway of the hotel.

"Hello, Tom. Ano ba naman. Bakit niyo pinababa si Lenard dito. What is wrong with you guys?! If this is some dare, sumosobra na kayo!"

Napailing na lang si Lenard at halos hindi maintindihan ang pinagaawayan nila Tom at Jane dahil ang naiisip niya na lang ang nangyari kanina at ang pagtugtog ng kantang 'yun.

He knows what effect it has on Miala. They're never seen each other after that "incident" pero alam niyang magmamarka ang kantang 'yun sa exgirlfriend.

Sobrang nakakasisi lang na sa unang pagkikita nila nasa ganung sitwasyon pa sila.

Maya-maya, dumating na lang din si Tom, and Lenard finds out na nasa room 405 pala ang stag party at hindi room 505.

Hindi lang nagsasalita si Tom, pero alam ni Lenard na katulad nang pagkasira ng bachelorette party, he also has spoilt the stag party. Even the mood of the other guys, sobrang baba na rin.

Na kahit nagexplain siya na 505 talaga ang sinabi ng lola niya according sa tumawag na wedding planner, what kind of fateful incident it is kung namali lang talaga ito.

"I'm really sorry pare."

"Ang hindi ko lang maintindihan, kung namali talaga si Katie eh. Kasi I'm sure, group text 'yung sinned niya sa lahat kaya imposibleng mabago 'yung room na nakalagay sa stag party GM." Pinakita pa ng ibang invited ang mga text sa kanila.

Doon na nagtaka si Lenard. Wala daw siyang nareceive na text.

Until it hits him.

"Si Lola." He whispers.

"Ano, pare?"

"Ah. Nothing. Kasalanan ko siguro talaga 'to. Nagkamali lang siguro talaga ako. Baka namali ako ng dinig kay lola."

I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon