Chapter 24

3.5K 139 1
                                    


TWO WEEKS LATER...

MITCH's POV

Derederetso akong pumasok sa Pad ni Jonas. Kanina ko pa siya tinatawagan pero di niya ako sinasagot. Nanggaling na din ako sa bahay nila sabi ni Xander nandito daw siya.

Pumanhik ako sa kwarto niya at hinalughog ang buong kwarto kaso wala siya dito. Nasaan kaya iyong taong iyon.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina. At sa wakas nandon nga siya. Nakapanglumbaba at nakangiti habang nakatingin sa akin. "May nakita ka bang drugs sa kwarto ko?" Natatawa niyang sambit

Inirapan ko lang siya. Anong akala niya sakin tagaRaid?

Sandali... Tama ba itong nakikita ko? Nakangiti na siya? Samantalang kahapon lang todo emote siya.

"Anyare? May sakit ka ba? Himala yatang nakangiti ka ngayon?" Sabi ko at nilapitan ko siya kinapakapa ang leeg at noo niya.

"Adik! Wala akong sakit. Bakit kailan pa ipinagbawal ang pagngiti ha? May batas na bang nagsasaad na bawal ngumiti ang emotera?" Naparoll lang ang mga mata ko dahil sa sinagot niya.

"Aysauce! Nagtanong ako. Tanong din ang isinagot. Sige tama na. Change topic. Bakit ka ba kasi nandito ha? At bakit di mo sinasagot iyong mga tawag ko?" Nakapamaywang kong tanong.

"Nagbake ako. Sira kasi yung oven sa bahay eh. Tsaka yung phone ko nandiyan nakasilent. Ayaw ko kasing maistorbo." Sagot niya. Napatingin ako sa paligid mukhang tapos na nga siyang magbake.

"Bakit mo naman naisipang magbake ng cookies? Wait... chocolate cake ba iyan?" Sabay turo sa nakasalang sa oven.

"Yup. Birthday kasi ni Tim bukas. Inanyayahan niya akong sumama sa rest house nila sa Ilocos at mamayang gabi na ang byahe. Kaya eto nagbake ako. Nga pala gusto mong sumama?" Sabi niya. Ayos ah makapag-invite siya akala mo siya ang magbi-birthday.

"Huwag na. Hindi naman ako niinvite nung celebrant. Tsaka baka wala na akong mapwestuhan pag nagkataon." Pagtanggi ko. Isa pa hindi ko naman kilala iyong tao. Mamaya maOP pa ako dun.

"Hindi yan. May sasakyan naman tayo eh. Sasama si Bj. Iyong kotse niya ang gagamitin natin. Sige na sumama ka na. Hindi ako magEenjoy dun kapag wala akong ibang kadaldalan." Pagpupumilit niya.

"Sige na nga. Daanan mo na lang ako sa bahay mamaya ah. Uuwi muna ako ng makapagpaalam ako kay Mama." Sabi ko at tinalikuran ko na siya.

BJ's POV

"Ang dami mo namang dala. Three days lang naman kayo dun ah. May balak ka pa bang bumalik ha?" Pagsermon ni Tita Emcy kay Jonas.

"Ma maglilibot libot na din kami doon noh. Ngayon lang ako pupunta ng Ilocos kaya susulitin ko na." Sagot naman ni Jonas.

"Ay bahala nga kayo. Ikaw Bj bantayan mo ito ha. Tignan mo kung iniinom ba niya yung gamot niya. At huwag kayong gumala pag tanghaling tapat ha." Baling sakin ni Tita.

"Dont worry Tita. Ako na pong bahala sa anak niyo. Tsaka kasama naman po si Mitch eh. Hindi po namin siya papabayaan." Paninigurado ko.

"Siguraduhin mo yan." Sabi pa niya. Tumango na lang ako.

"Kuya di mo ba ako isasama?" Si Xander. Nakapout pa ang mokong na tila nagpapaawa.

"Tseh! Huwag na! Sisirain mo lang lagi ang araw ko kapag sumamaka pa. Bibili na lang ako ng pasalubong." Inirapan lang ni Xander ang kuya niya.

Napapangiti lang ako dahil sa kanila. Nakakatuwa ang pamilya nila.

...

Nang masundo namin si Mitch sa kanila kaagad na kaming lumarga. Nakasunod lang kami sa Van na sinasakyan nila Tim.

"Hoy Bj matutulog muna ako ha. Ako naman magdadrive mamayang madaling araw para makapagpahinga ka naman." Si Jonas. Tumango lamang ako.

Pagkaraan ng ilang oras tinatamaan na ako ng antok. Tinignan ko ang relos ko. Alas dos na pala at nasa Panggasinan na kame. Sa tantsa ko mga pasado alas otso nasa Ilocos Norte na kame.

Hindi ko na ginising pa si Jonas. Ang sarap kasi ng tulog niya eh.

"Bj ako na muna pagdadrive. Matulog ka na." Sabi ni Mitch. Napatingin ako sakanya. Katabi ko lang kasi siya

"Sigurado ka?" Tanong ko.

"Oo nga. Itabi muna. Dalian mo at baka maiwanan tayo." Itinabi ko muna ang kotse at nagpalit kami ng pwesto.

"Sige iidlip lang ako kahit mga tatlong oras. Ako na ulit magdadrive mamaya." Tango lang ang isinagot niya.

DWAYNE's POV

"Malayo pa ba?" Inip na inip na tanong ni Luna. Nagpumilit siyang sumama kahit na may sakit siya. Sabi ng doctor niya pwede naman daw siyang sumama sa amin basta huwag lang kakaligtaan ang pag-inom niya ng gamot.

"Medyo malayo pa. Kung naiinip ka na bumaba ka na lang." Naiinis na sambit ni Tim saka tinignan si Luna ng matalim.

"Aba! Tusukin ko kaya iyang mata mo." Narinig kong bulong ni Luna. Katabi ko lang kasi siya. Ewan ko lang kung narinig iyon ni Tim.

Si Tim nasa harap lang namin nakaupo. At si Aries at Raven naman ang nagsasalitan sa pagdadrive

May nakabuntot din sa aming isang kotse. Pero hindi ko maaninag kung sino iyong nasa loob ng kotse kasi tinted iyong salamin. Siguro mga kaibigan ni Tim o mga kamag-anak niya.

...

Isang malakas at masarap na simoy ng hangin ang sumalubong sa amin pagkababa namin ng Van.

"We're here guys. Welcome to Pagudpud, Ilocos Norte." Sigaw ni Tim.

Malaki ang rest house nila. Mga dalawang palapag at malawak ang bakuran nito. Napapalibutan ng malalaking puno ng niyog ang bahay nila. At mula dito sa kinatatayuan ko amoy na amoy mo na ang dagat.

Napatingin ako sa direksyon kung saan naroon ang dagat. At ikinagulat ko ng husto ng makita si Jonas doon na nakatayo habang manghang-mangha sa ganda ng dagat.

Bakit siya nandito?

Itutuloy...

The Nerdy Intruder [boyxboy] (Completed)Where stories live. Discover now