Capitulo Dos (Unedited)

17K 462 11
                                    


ISANG katok lang ni Rachell ay kaagad bumukas ang pinto. Nagulat siya nang agad na sinugod ng mama niya si Renzo at pinagsasampal. In-lock niya ang pinto para siguradong walang makakakita sa pangyayari.

"Mama, tama na!" Inawat niya ang mama niya.

Napansin niya ang pigil nag alit ni Renzo, pero nanatili itong kalmado. Kinabahan siya nang ibaling nito ang matalim na tingin.

Ayaw namang maupo ng mama niya. Hindi na mapigil ang pagpalatak nito. "Paano mo nagawa ito sa anak ko, Renzo? Ganito ba ang ginagawa mo sa bagong hired na secretary mo? Anong klase kang lalaki? Huwag mo sabihing may galit ka pa rin sa asawa ko at gusto mong maghiganti? Walang kasalanan ang anak ko!" ani Amanda.

"'Ma—"

"Tumahimik ka, Rachell!" singhal nito sa kanya.

"Excuse me, Mrs. Aguillon, una, wala akong balak maghiganti sa asawa n'yo. I already claimed my revenge. At tungkol naman sa nangyari sa amin ni Rachell, hindi ko siya pinuwersa," mahinahong paliwanag naman ni Renzo.

"Sinungaling ka! Paanong hindi mo siya pinuwersa e, may pasa ang anak ko!" ani Amanda.

"Hindi ko siya sinaktan. Nawala ako sa sarili ko ng ilang sandali. Pati sarili ko nasaktan ko na. Hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na inaangkin si Rachell. Pero hindi ko ginusto 'yon," paliwanag pa ni Renzo.

Bahagyang kumirot ang puso ni Rachell buhat sa sinabi ni Renzo na hindi nito ginusto ang pag-angkin sa kanya.

"Ano ako, tanga para maniwala sa iyo? I have evidence to file you a rape case, Mr. Del Carmen. Hindi ko pinalaki ang anak ko para lang sirain mo ang reputasyon niya! I take care of her like gold!" asik pa rin ni Amanda.

Inalipin na ng takot si Rachell, ngunit hindi naman niya magawang pigilin ang mama niya. Nang sipatin niya si Renzo ay bigla itong namutla.

"Mrs. Aguillon, I apologize. Please, huwag na natin itong iparating sa korte. Papakasalan ko ang anak n'yo," bigla'y nasabi ni Renzo.

Napamata si Amanda. Ganoon din ang gilalas ni Rachell sa biglaang desisyon ni Renzo. Nasa tinig nito ang takot.

"I won't trust you, Mr. Del Carmen. Baka pagkatapos mong pakasalan ang anak ko ay sasaktan mo lang siya," pagmamatigas ni Amanda.

"Fine. Kapag nasaktan ko siya, you can file me a case," ani Renzo.

"Bakit bigla kang natakot sa kaso? Dahil ba ayaw mong madungisan ang pangalan mo'ng nakilala na pinakamahusay na agent at task force owner na minsan ay ginagamit ng gobyerno?" matapang na wika ni Amanda.

Namangha si Rachell. Hindi niya inaasahan na marami palang alam ang mama niya kay Renzo.

Hindi nakaimik si Renzo. Nasa mga mata pa rin nito ang takot sa mama niya.

"O sige, pagbibigyan ko ang sinabi mo. Pero mangako ka sa akin na huwag mong sasaktan ang anak ko," mamaya'y sabi ni Amanda.

Hindi nakatiis si Rachell. "Mama, hindi n'yo naman kailangang gawin 'to, eh. Hindi naman sinasadya ni Renzo ang nangyari," samo niya sa ina.

"Shut up, Rachell! Huwag mo akong bigyan ng kahihiyan! Mas mabuti nang maikasal ka kaysa matuloy ang pagreto sa iyo ng papa mo sa anak ng kaibigan niya. Mapapahiya lang tayo kapag nalaman niya na hindi ka na birhen! Baka isipin ng lola mo hindi kita napalaki ng maayos!"

Kumirot ang puso ni Rachell matapos mag-sink in sa utak niya ang mga sinabi ng mama niya. Hindi niya alam na itinatadhana pala siya ng mga magulang niya sa lalaking hindi pa niya nakilala ng personal. Hindi niya napigil ang paglaya ng mabibigat na luha. Nang sipatin niya si Renzo ay manghang nakatitig ito sa kanya. Pakiramdam niya'y napahiya siya sa harapan nito. Pero isang bagay lang ang alam niya na magpapaligaya sa kanya, iyon ay ang nakatakdang maikasal siya sa lalaking kay laon na niyang iniibig.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon