Ikaw, oo ikaw nga at wala ng iba
Maaari bang basahin mo itong munting tula?
Tula ito para sa mga taong may amnesia
Sana'y maiparating ang aking nadaramaUmpisa na ng bagong grading
Nang siya ay muling dumating
Oo muli, dahil siya ay umalis
At ngayon lang ulit bumalikMasaya ang lahat kagit plastik yung iba
Akala mo super close sila para matuwa
Pero sa isang subject, nakausap ko siya
At sa isang iglap, nagkasundo kaming dalawaHanggang sa dumalas ang aming daldalan
Marahil ay tanda ito ng pagkakaibigan
Pero siguro nga'y lahat ay may katapusan
Kase nilimot niya ang aming samahanNapansin ko'to mula ng makilala niya
Ang isang babae, kaibigan ko pa
Nagselos ako bilang kaibigan pero hinayaan ko na
Sino ba naman ako para pagbawalan siya?Ngunit siguro nga'y yun ang kasalanan ko
Dahil sadyang boring akong tao
Kaya siya yung ipinalit sa aking pwesto
Yung tinuring kong kaibigan, biglang naglahoHindi ako galit sa kaibigan kong babae, totoo iyon
Dahil wala naman siyang kasalanan kung bakit nagkaganon
Pero dun sa isa, hay nako, nakakainis talaga
Masakit yung iwanan ka sa ere 'pag nakahanap ng ibaAt mas lalo akong nagagalit sa kanya
Dahil pagkatapos ng pagkalimot niya
Babalik siya sa akin kapag may kelangan
O di kaya kapag galit siya sa tao o nasasaktan langNgayon sa kanya ang masasabi ko:
"Ang kapal ng mukha mo, ang lala ng amnesia mo!!
Nagagalit ka sa iba dahil napaka-insensitive nilang tao
Pero ang totoo, wala silang pinagkaiba sa'yo!!!"Pasensya na at ito'y naging mahaba
Nakakainis lang kasi talaga yung taong may amnesia
Kaya kung may nakakakilala man sa kanya
Pakisabi na lang po na magpagamot na siya