Chapter Four

50.7K 1.2K 53
                                    

"I can't believe it." Ang nasabi ng lalaki. Binitawan nito ang braso nya.  Hindi makapaniwalang ganon talaga siya kaseryosong maiwala ang virginity niya.

"Hindi ko rin maintindihan kung bakit ayaw mo." Sagot niya na itinaas ang mukha. "Ano bang wala ako na hinahanap mo sa babaeng gusto mong.." lumunok siya. Nailang siya na ituloy ang sasabihin. "Hindi ba ako maganda?"

"Jesus." Naiiling na anas ng lalaki. Namaywang ito at tumingala sa kisame na parang naghahanap roon ng tamang isasagot sa kanya. "You are adorable, alright?" Ang sabi, ibinalik ang mga mata sa kanya. "Pero ginagawa lang ng mag asawa ang gusto mong gawin, Miss. Hindi gini give up ang virginity dahil lang sa curiousity."

"Love kung ganon? Huwag mong sabihin sa akin na virgin ka pa hanggang ngayon dahil dyan sa paniniwala mong mag asawa lang ang pwedeng magsex. For sure wala ka pang asawa, wala kang suot na singsing." Gagad nya sa iritadong tinig. "Ano ka ba, pastor o pari?"

Hindi naman ito mukhang pastor o pari. Pero nasobrahan yata sa pagiging righteous ang lalaki. Palay na ang lumalapit, tinatanggihan pa.

Ang isa pang nakakainis, tumitindi ang kahihiyan niya sa bawat lumilipas na sandali. Wala naman itong balak tanggapin ang alok niya pero con todo naman ang pigil sa kanya na maghanap ng ibang lalaking papayag sa gusto niya.

"Ngayon ka lang ba nakatanggap ng ganitong proposal sa buong buhay mo?" Tanong nya "Kung sasabihin mong oo, hindi ako maniniwala. How old are you? Twenty eight? Twenty nine? And what else do you need me to do para mapapayag ka lang?" Sunod sunod na tanong niya.

Nasa tinig na niya ng determinasyon this time. Habang sinasabi niya iyon, hindi niya mapigilang pag aralan ang anyo ng kaharap. He really look likes Theo James lalo kapag nagtatagis ang mga bagang. And oh, his lips was a knockout!

But his physical appearance and charm were not the reason why she chose him to be her bed partner tonight. It was crazy, but it felt right. Hindi pa man siya nito nahahawakan, she knew she'd be comfortable with his touch.. and everything that comes after that.

Bumuntong hininga ang lalaki. "I'm sorry then, Miss. All I can offer you tonight is to be someone you can talk to, a friend perhaps. Nothing more."

Lumunok siya pero pinatigas ang maamong mukha. Maybe the reason why he is holding back ay dahil iniisip nitong mura pa rin ang edad niya para i involve sa pre marital sex. Oh damn, hindi niya dapat sinabing first time niya. Baka mas mabilis niya pa itong napapayag.

"Kung worried ka na maghabol ako pagkatapos nagkakamali ka." Aniya. Hindi niya na babawiin ang sinabi tungkol sa pagiging virgin niya. Baka hindi siya nito lalo paniwalaan at gusto nyang maging consistent sa rason niya.

Hindi sumagot ang lalaki. Mukha namang hindi iyon ang bagay na ipinag aalala nito. Pero kailangan niyang gumawa ng paraan bago pa siya nito ihatid sa pinto at utusang bumalik sa silid niya.

Maganda sya, she was aware of that. May alindog siya na kinaiinggitan ng mga babae at hinahangaan ng mga lalaki. But the man in front of her makes her feel insecure and ugly. Kung ibang lalaki lang, kanina pa nasulusyonan ang problema niya. Wala ng mahabang usap.

Pero dahil mahirap mapapayag ang lalaki, kailangan niya sigurong ibahin ang taktika kahit magmuka pa siya lalo na cheap na desperada.

Kumunot ang noo ng lalaki nang mag umpisa siyang kalasin ulit ang butones ng suot niyang blusa.

"What are you doing?"

Ngumisi siya. "Naghuhubad, obviously.." 

========================
Ebook now available on kobo

https://www.kobo.com/ph/en/ebook/one-night-with-mr-gorgeous

❗❗

Puwede po kayong mag subscribe para mabasa ang lahat ng stories ko sa aking VIP EXCLUSIVE GROUP nang buo at walang cut!

Subscription Plan:
Php 380 - 2 months
Php 1000 - 6 months

Follow my official facebook page: La Tigresa's Stories and send us a message to join!

Follow my official facebook page: La Tigresa's Stories and send us a message to join!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
One Night With Mr Gorgeous_CompleteWhere stories live. Discover now