Chapter 3

49 15 11
                                    

Naging mabilis ang pagdaan ng mga araw. Sa nakalipas na tatlong linggo ay hindi naman ako nahirapang makisalamuha sa kanila. Sayang mababait at magaling sila makisama kaya mabilis akong naging kampante.

" Oy Raged ano na? May balak ka ba kumain? Takte gutom na kaming lahat tagal mo kumilos " reklamo ni Gab. Nagkayayaan kasi kami na maglunch sa malapit na fast food chain.

" Gago ka e kung tinutulungan mo ako? E di bumilis ako, nabawasan pa iyang taba mo! " sagot ni Raged habang isinasalansang ang mga props na ginamit namin kanina sa practice. " O tara na! Saan ba tayo kakain? " tanong nya nang matapos na sya sa kanyang ginagawa.

" Saan ba napagusapan? Paulit ulit Raged? " mapang-asar na sagot ni Gab

" Ay naku, tara na nga! Pag-untugin ko kayong dalawa eh. " singit ni Yasmin sa dalawa.

Dumiretso kami sa Chowking at humanap ng mapupwestuhan. Mabuti na lamang at hindi gaanong matao ngayon. Sina Raged at Gab naman ay dumiretso sa counter para omorder.

Nang makaupo kami ay napansin ko naman ang pagpasok ng isang maputing babae na tila may hinahanap.

Matangkad sya at may balingkinitang pangangatawan. Lumingon sya sa aming direksyon ngunit hindi ko masiguro kung sa amin nga sya nakatingin dahil sa suot nitong shades. Sunod ay bumaling naman sya sa counter kung saan nakatayo si Gab at Raged habang nagoorder. Pati sa pagorder ay mukhang nagtatalo ang dalawa.

Ibinalik ko ang aking paningin sa babae. Hinawi niya ang kulotkulot at hanggang bewang niyang buhok. Humakbang siya patungo sa kinatatayuan ng dalawa at huminto sa tapat ni Raged na abala pa din sa pakikipagusap sa cashier. Si Gab naman ay nagbibilang ng pera.

" Yasmin... " tawag ko sa katabi ko na nakatuon ang atensyon sa kanyang cellphone.

" Oh?" sagot niya.

" Sino yun? " sabay nguso ko dun sa babae na kausap na ngayon si Raged.

" Saan? " tanong nya habang nakayuko pa din sa hawak nyang cellphone.

" Subukan mo kaya tumingin sa tinutukoy ko? " mataray kong sagot.

" Sino ba 'yun? " tanong nya sakin habang hinahanap nya ang tinutukoy ko.

" Itatanong ko ba sayo kung kilala ko? " Muling pagtataray ko.

" Ah sus! Si Yana 'yan. Girlfriend ni Raged. "

Bago pa ako makasagot ay dumating na si Gab bitbit ang isang tray na puno ng pagkain.

" Uy Gab! Ano ginagawa ni Yana dito? " tanong ni Yasmin sabay abot ng pagkain sa mula sa tray na hawak ni Gab.

" Malamang andito ang boyfriend nya. Alangan naman na pinuntahan ka diba? " sagot ni Gab.

" Ang tino mo kausap. " sabay irap niya kay Gab.

" Ikaw din." ganting sagot ni Gab habang inaayos niya ang mga pagkain sa mesa.

" Kasi naman diba last time na andito sya e gumawa lang naman sya ng eksena at nakipaghiwalay sya kay Raged. "

" Para kang bago ng bago. Kumain ka na nga lang oh! Ikaw din Chloe kain ka na. Huwag na natin sila antayin baka maumay pa tayo."

Kinuha ko ang pagkaing iniabot ni Gab. Hindi ko alam pero parang bumigat ang pakiramdam ko. Siguro ay gutom na din talaga ako. Mayamaya lang ay dumating na si Raged kasama si Yana.

" Hi guys! " bati ni Yana nang makalapit sya sa kinauupuan namin.

" Hi Yana. Kain tayo. " alok ni Gab sa kanya. " Si Chloe pala. " pagpapakilala din nya sa akin.

Theatre Arts Presents : Unexpected RomanceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin