MGA TAUHAN

46.2K 178 4
                                    

Mga Tauhan:

Simoun – Mayamang mag-aalahas, pinagkakamalang Indiyong Ingles, Amerikano, Mulato, Portuges at Cardenal.
               - Nakasalaming may kulay, na umano’y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.

Moreno Isagani – Isang binatang may matayog na isipan, makata at katipan ni Paulita Gomez.

Paulita Gomez – Katipan ni Isagani, mayaman, maganda, pamangkin ni Donya Victorina.

Basilio – Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa sariling sikap.

Juli – Katipan ni Basilio, anak ni Kabesang Tales, nagpaalila upang matubos ang ama.

Pari Camorra – Paring mukhang artilyero.

Pari Salvi – Tinatawag na moscamuerta o patay na langaw.

Pari Sibyla – Vice Rector ng Unibersidad.

Pari Irene – Kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiyago, namamahala sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.

Pari Fernandez – May kakaibang pangangatwiran, kaiba sa kapwa Pari.

Pari Florentino – Amain ni Isagani.

Kabesang Tales – Naging Cabeza de Barangay, dati’y isang tahimik na tao, ngunit nang angkinin ng korporasyon ng mga prayle ang lupang sinasaka ay sumama sa mga tulisan.

Don Custodio – Pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay, kilala rin sa tawag na Buena Tinta.

Ginoong Pasta – Isang abogadong sanggunian ng mga prayle kung may suliranin, pinagsanggunian din ng mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng Akademya.

Ben Zayb – Manunulat at mamamahayag.

Donya Victorina – Pilipinang kumikilos at umaasal na tulad ng isang tunay na Espanyola at itinuturing na mapait na dalandan ang kaniyang asawa.

Quiroga – Kaibigan ng mga prayle, naghahangad na magkaroon ng konsulado ng mga Intsik.

Don Timoteo Pelaez – Isang negosyante, masuwerteng nakabili ng bahay ni Kapitan Tiyago, ama ni Juanito.

Mataas na Kawani – Ang nagmamalasakit sa mga Pilipino na kawani ng pamahalaang Kastila, katunggali ng Kapitang Heneral sa pagpapalaya kay Basilio.

Kapitan Heneral – Ang pinakamataas na pinuno ng bayab, sugo ng Espanya, malapit na kaibigan ni Simoun.

Hermana Penchang –Ang manang na umampon kay Juli na ginawang katulong ang dalaga, mahilig sa pagpaparami ng indulgencia.

Placido Penitente – Nag-aaral ng pagkamanananggol, magaling sa Latin, pinakamatlino sa bayan ng Batangas, hindi nakagiliwan ng mga propesor kaya binalak nang huminto sa pag-aaral.

Makaraig – Mayaman at isa sa pinakamasigasig na magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila.

Juanito Pelaez – Mapaglangis at kinagigiliwan ng mga propesor, mapanukso, kuba at umaasa sa katalinuhan ng iba.

Sandoval – Isang Kastilang kawani na salungat sa mga ginagawa ng kanyang mga kababayan, nagpatuloy ng pag-aaral sa Pilipinas.

Pecson – Isang mag-aaral na palaisip subalit pesimistiko o laging may kabiguang laging natatanaw sa hinaharap.

---

El Filibusterismo (Buod/Pahiwatig ng Bawat Kabanata)Where stories live. Discover now