fourteen - market place

1.5K 70 33
                                    

          Simula kagabi eye to eye pa rin kami ng digital clock ko. Pasado alas syete na ng umaga pero hindi pa rin ako bumabangon. May klase pa ako ng Leadership mamayang alas otso.

          Buong gabi akong hindi nakatulog. Paano ko ba naman maaatim ipikit man lang kahit saglit 'yung mga mata ko matapos nung nangyari kagabi. Sabi nila kapag iniiyak mo kusa ka na lang makakatulog tapos kahit sandali makakalimutan mo 'yung sakit. Pero wala eh. Lahat ng nararamdaman kong sakit at takot sabay-sabay na dumalaw sa'kin kagabi. 'Yung kay Ark, 'yung pagkawala ng nanay ko, 'yung bigat ng responsibilidad ko sa Haegl, 'yung mga banished Haeglics na gustong angkinin 'yung lupa namin, si Tita Elvir... lahat 'yun parang nag-domino effect sa utak ko.

          Kasabay ng pagpapalit ng minuto ang pagbukas ng pinto sa kwarto ko. Kung kumatok man 'yung pumasok malamang hindi ko napansin dahil sa pagzo-zone out ko. Narinig ko ang footsteps niya papalapit sa kama ko pero hindi ko pa rin maalis ang mga mata ko sa orasan. Siguro kung may balak sa'king masama 'yung tao madali niya na 'yung maisasakatuparan dahil sa pagwawalang bahala ko.

          "Anak," tawag sa'kin ni Daddy. Naramdaman ko ang paggalaw ng kama ko kasabay ng pag-upo niya sa gilid 'nun. "May pasok ka pa. Hindi ka pa ba babangon?"

          Hindi rin naman babangon 'yung magtuturo sa'kin. Kilala kasing antukin si Mr. Berges Fell. Eighty years old na siya kaya hindi ko rin siya masisisi kung palagi na lang siyang nakakatulog sa kung saan-saan.

          Ibinaba ko na 'yung digital clock at humarap kay Daddy. Mas lalong umigting 'yung pag-aalala niya sa'kin nung makita niya ang mga luha ko. Agad niya 'yung pinahid gamit ang kamay niya at dinama ang noo ko kung may lagnat ako.

          "Anong problema?" Tanong niya.

          Pinilit kong umupo at isinandal ang ulo ko sa pader. Alam kong hindi siya maniniwala kapag sinabi kong wala kaya mas pinili ko na lang mag-open up.

          "Ngayon lang nag-sink in sa'kin na wala na talaga ang reyna. Noon akala ko ayos lang kasi hindi naman talaga kami naging close pero pagkatapos kong maging busy, kapag oras na ng pahinga, nararamdaman kong may kulang dito," saad ko sabay turo sa puso ko.

          Hindi ganon ka-grabe sa pagdadamdam ni Daddy 'yung ginawa ko nung nawala ang queen. Nakokonsensya ako kasi 'di ba dapat sobra akong malungkot pero hindi ko rin naman masisisi 'yung sarili ko kasi hindi naman talaga kami nag-bonding sa buong buhay ko. Kung matatawag na bonding 'yung mga paunti-unting lessons na binibigay niya sa'kin tuwing magkasabay kaming mag-dinner, 'yun na 'yun. Pero kahit anong ilap niya sa'kin noon, sa huli't huli nanay ko pa rin siya. May maiiwan at maiiwan pa rin siyang napakalaking crater sa buhay ko.

          "Kung nasaan man siya ngayon sigurado akong ipinagmamalaki ka niya. Hinaharap mo na 'yung mga responsibilidad mo at ipinagpapatuloy mo na 'yung mga nasimulan niya," pahayag ni Daddy.

          "I don't think so, Dad. Hindi pa nga ako nakakaupo sa dati niyang upuan may problema na kaagad. Pilit ko ngang iniisip kung ako si Queen Genima ano bang gagawin ko kung may mga banished Haeglics na nagbabantang kunin 'yung nasasakupan ko pero wala. Kailangan ko na talagang tanggapin na kahit kailan hindi ako magiging kasing galing niya," pagvi-vent out ko ng frustrations ko.

          "Hayaan mo munang si Sir Audun ang mag-alala sa mga rebeldeng 'yun. Tapusin mo muna 'yung training mo. Sigurado akong magiging magaling ka ring reyna katulad ni Gen."

          Kahit anong sabihin ni Daddy hindi pa rin maalis 'yung mga pangamba ko. Nandito na naman ako sa stage na gusto kong maglayas na umalis na lang at iwanan ang lahat-lahat. Gusto kong tumakas. Gusto kong tumalon ng dagat para mawala na lahat-lahat. Alam ko, alam kong mali pero sobra-sobrang pressure at sobra-sobrang lungkot na 'yung nararamdaman ko pakiramdam ko sasabog na ako.

IcedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora