Monokini

5.1K 144 190
                                    

@anniepedron, heto na yun ganda. Pero hindi sila naka-
C-kini. Lol

ONCE AGAIN, I wanna THANK EVERYONE FOR READING STROKE OF LUCK!!!

I HOPE YOU ENJOY THIS CHAPTER



CHEQUI'S POV

"Oh my God!"
Sabay-sabay naming bulalas.

"Si Danreb ko!"
Naalarmang sabi ni Crystal at agad na tumakbo papunta sa likod ni Mei.

"Patay ako kay Manjoe nito!"
Halata ang kaba sa boses ni Feliza at nagkubli sa likod ni Crystal.

Pinanginigan ako ng binti nang magtama ang mata namin ni Dan. Nanlilisik sa galit ang mga mata niya kaya naman nakipila na rin ako sa mga kasamahan ko.
Nagkubli ako sa likod ni Feliza.

"Hahaha! Ang suwerte ko naman! Katawan ko na ngayon ang tinititigan ng apat na lalaki.!"
Humahalakhak na sabi ni Mei.

"Oo nga! Hindi puwede!"
Sabi ni Feliza.

"Mag-dive na tayo sa tubig, bilis! Palapit na sila!"

"Wait Crystal! Hintayin mo ako!"
Habol ni Feliza sa kaibigan.

"Ano pa ang ginagawa mo, Chequi? Mag-dive ka na rin sa dagat, bilisan mo!"

"Paano ka, Mei?"
Tanong ko.

"Gagi, single ako. Kaya huwag mo akong isipin. Rarampa ulit ako papasok ng villa ko."

Oo nga. Si Mei lang ang walang asawa.

"Ayan na si Danilo, galit na galit na!"

"T-teka Mei!"
Itinulak lang naman niya ako sa tubig!

CRYSTAL'S POV

Mabuti na lang at magaling akong
lumangoy. Kunti na lang, mararating ko na ang villa namin.

Ngunit natigil ako sa paglangoy dahil naramdaman kong may nasagi ang isa kong paa.
Hindi lang pala nasagi kundi parang may pumigil.

Shokoy?

Sabagay hindi ko masisisi kung may shokoy na mabibihag sa alindog ko.
Baka first time siguro nitong makakita ng babaeng naka-C-kini.

Paglingon ko, wala naman.
Pero hindi ko maikilos mga binti ko, parang may nakahawak.

Nakaramdam ako ng kilabot nang biglang umakyat ang kamay ng ewan kung kamay nga ba iyon o ano. Basta, hindi ko matukoy.

Papunta na ito sa hìta ko. Tapos....tapos papaakyat pa.

"H-huwag! May asawa na ako. Dalawa na ang anak namin. Si Mei na lang ang tsansingan mo. Single yon. Mas lalong magagalit si Danreb ko kapag nalaman niyang may ibang lalaking nakahawak sa akin. Seloso yun!"

Mas lalo akong natakot nang maramdaman kong nasa C-kini ko na.

"H-huwag yan! Si Danreb ko lang ang puwedeng humawak niyan!"
Pilit kong tinatanggal yong nakakapit sa ...sa ano ko....sa...C-kini na suot ko. Pero ang higpit ng pagkakahawak. Tapos...tapos ...ang sumunod na nangyari, lumubog ang ulo ko sa tubig!

Napaubo ako nang maiahon ko ang ulo ko!

"What the hell was that, Crystal Mae! Sino ang nagbigay ng permiso sayo na magsuot ng C-kini?!"

"D-Danreb?"
Nagawa kong sambitin ang pangalan niya matapos akong umubo ng sunod-sunod. Nakainom kasi ako ng tubig-dagat.

"Hindi ka nag-iisip!"

STROKE OF LUCK (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon