Chapter 12

31.1K 951 142
                                    

Chapter 12

Napabuntong hininga muna ako habang nakatayo dito sa harap ng gate. Humuhugot ng lakas ng loob para sakaling pag nagkita kami ni Michael ngayong araw, makakausap ko sya ng normal at parang walang nangyari.

Kaya ko 'to!

Sabi ko sa isipan ko bago tuluyang pumasok ng gate.

Habang naglalakad biglang may tumapik sa balikat ko. Agad ko naman tiningnan kung sino iyon.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong agad ni Dark sa'kin pagkatagpo ng mata namin. Binigyan ko naman sya ng isang tunay na ngiti.

"Ayos na ako. Salamat nga pala kahapon. Pasensya narin sa inasal ko." Sabi ko sa kanya habang nakahawak sa batok ko.

Sobra kasi akong nahihiya sa kanya. Halos kakikilala palang namin pero nakita na nya agad ang mga ganung sides ko. Pero labis naman ang pasasalamat ko dahil sya iyong kasama ko kahapon at hindi kung sino-sino lamang. Meron kasi parte sa puso ko na nagsasabing mapagkakatiwalaan sya.

Umiling ng marahan si Dark. "Don't worry about it. How's your arm?" Sabi nya at iniaangat ang braso kong may benda para obserbahan.

"H-Haha! Ayos na! Medyo masakit kanina nung nilinis ko pero ayos na naman." Nahihiyang sagot ko sa kanya. Tiningnan naman nya ako ng sersyoso sa mata ko.

"Pasalamat ka at di nainfection." Sabi nya at dahan-dahang binitiwan ang braso. "Ano ba kasing pumasok sa isip mo at kinagat mo ang sarili mo?"

Napalunok naman ako dahil sa itinanong nya. Komportable man ako sa kanya pero di kayang sabihin sa kanya ang mga pinagdadaanan ko. Mabuti nang ako lang ang nakakaalam. Ayoko nang makapuwisyo pa ng mga taong malalapit sa'kin.

"Para pigilan ang pag-iyak ko." Mahinang sabi ko. Di ko alam kung narinig nya iyon o hindi pero nang napansin kong magsasalita sya, agad kong pinutol iyon sa pamamagitan ng pagtawa ng malakas, "Kakahiya talaga sayo. Wag ka mag-alala di na mauulit. By the way, I need to go. My first class is about to start. See you around."

Mabilis akong tumalikod at lumakad palayo kay Dark pero muling napatingin sa kanya nang tinawag nya ako, "Carlo!" Nakangiti sya sa'kin na palagi nyang ginagawa. Di naman ako sumagot at hinintay na lang ang mga susunod pa nyang sasabihin. "If you like, I could teach you how to play Canon in D. I'll wait for you in the music room later?"

Napangiti ako sa sinabi nya at mabilis na tumango. "Mamayang lunch." Sabi ko nalang at tumango naman sya.

Looks like I won't be able to have lunch with Michael later. Lucky me. Di ko na kailangan mag-acting mamaya. Baka manalo pa ako sa Oscar. Kawawa naman si Leonardo Di Carpio. (apir sa mga relate XD)

Tumalikod ulit ako at tuluyan nang lumakad papunta sa locker ko.

Nagulat naman ako nang bumukas ang locker ni Michael na nasa tabi ko. Nakita ko ang girlfriend ni Michael na may kinakalikot sa loob at mukhang di ako napansin.

"Hey." Bati ko sa kanya.

Nanlalaking mata naman syang tumingin sa'kin at ngumiti ng malaki habang nginunguya 'yung bubble gum na subo nya. "Hey, Carlo. Looking as beautiful as always, are we?" Sabi nya at humarap sa'kin.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Där berättelser lever. Upptäck nu