Love Fellowship

217 2 0
                                    

  Naglalakad ako sa corridor ng school, papunta sa room ko. Bigla akong nagulat nung binati ako ni Yael.

     "Hi..."

     "O.. Nakaka-gulat ka naman.. Magandang umaga din. ", sabi ko naman sakanya.

     "Lagi ka namang nagugulat sakin.. Bumati lang ako pero papasok na din ako sa klase.. Babay.."

Iyun lang iyun, at umalis na si Yael the great. Napa-kunot iyung noo ko, at seriously, nakaka "blanko" ang pinaggagawa niya. Hindi ko mahulaan ang pinaplano niya.

    ...Ano bang plano ng alien na 'to.??

 Nung nasa classroom na ko, dumating na din iyung teacher. Bumati kami ng "godmorning", then inanunsyo niya iyung magaganap na "Love Fellowship" nitong biyernes. Actually, inannounce na iyun dati, pero ngayon lang sinabi ang buong detalye.

       "Puti sana ang pantaas ng babae, at pula sa lalaki. Gaganapin iyun mula 8 ng gabi hanggang 11, at baka may midnight swimming tayo. Inaanyayahan ang lahat na sumama this time, dahil sa mga nakaraang taon, may mga estudyante na ni-isang beses man lang ay hindi sinubukang dumalo. Pwersahan na po ngayon, okay?"

Nagtinginan iyung mga classmates ko. Iisang tao lang naman kasi ang nasa isip nila. Non-other than Yael.

Pagsapit ng pinakaiintay na break time, muling sumulpot si Yael, at sabay kaming kakain. Naks naman.. Kala mo may something eh.. (XD)

     "Too bad.. pwersahan ang love fellowship ngayon. Sana pala hindi nalang ako lumipat dito.", pabiro kong sinabi kay Yael. Naku, eh ang boring kung hindi ako magsasalita no..

     "...ha..? Anong sabi mo..??"

Nagulantang ako. Ang ganda ng mood ko eh hindi niya alam ang tungkol sa love fellowship??? -_-

     "Di ba inanunsyo iyun sainyo? May Love Fellowship sa friday. At pwersahan ang lahat na sumama."

      "..Para saan ba ang Fellowship na iyan?"

O_o.....>.<... Okay fine, tanggap ko naman kung sadyang tengang-kawali siya. Pero sa tagal niyang nagaaral dito, at hindi niya man lang alam ang ginagawa sa Love Fellowship,,, --___-- Ewan. Di ko alam ang iisipin.

       "Napaka ignorante mo pala. Siguro ikaw iyung sinasabi ng teacher na hindi man lang nasubukang dumalo dun? "

       "..Love Fellowship huh..? Exciting kaya iyun..?", sinasabi ni Yael habang nagsusulat sa parang memo pad niya.

Napa-tingin ako sa pad niya. At sa isip-isip ko, baka dun niya sinusulat ang plano niya. Baka nakalagay dun kung sino ang next victim niya, at kung kailan niya ito bibiktimahin. Tama, kailangan kong makuha ang pad na iyun.

  What I hate the most sa pagiging undercover, e  iyung wala akong makitang kahinahinala sa target. Pero sige okay lang, exciting iyan. Pero, paano ko nga ba makukuha ang memo pad? Lagi niyang dala iyun e. Alanganin namang para akong pa-cute na bigla nalang hihingin iyun sakanya: "Pwede pahiram??". Naku, nakakahiya. Baka ako ang i-terminate ng S.I.A.

Dumating na ang araw ng Love Fellowship. Nauna nga akong dumating sa venue sa aking best casual, kasama ang mga friends ko. Maganda iyung venue at malawak. Dumating iyung iba, pero hindi ko man lang nahagilap ang aking target. Nasaan na kaya iyun?

 So, may partner partner na magaganap. Blind-fold style daw para hindi naman unfair para sa mga taong hindi kapansin-pansin. So bawal magsalita, after 20 seconds, hawakan mo na ang kamay ng kung sinoman na masalubong mo. So ayun, hindi nalang ako umalis sa pwesto ko, tapos si Yael naman, naglalakad pa-diretso lang.  Mayamaya lang, may bumunggo sa likod ko, tapos natakot ako kasi baka hindi ko gusto iyung tao, so naglakad akong konti, kaso ako naman iyung may nabangga. That's kind of weird, kasi ramdam kong matangkad iyung nabunggo ko. Inabot ko iyung balikat nung nabunggo ko, hanggang sa buhok-just to make sure na lalaki ito at hindi babae. Malapit na matapos iyung 20 seconds, hinawakan nung nabunggo ko iyung braso ko, declaring na siya na ang partner ko. 

       "Okay! You may now remove your blind folds!"

  BADTRIP. Hindi ko matanggal iyung blind fold ko. The hell ha, nakakahiya nakikita na ako ng partner ko tapos ako, mukang tanga lang...??  ------_________------

And what's worse, si partner ang nagtanggal ng fold ko. Stupid me.  Pagtingin ko sakanya, natawa ako. Akalain mo ba namang si Yael ang nabunggo ko?

     "Anong nakakatawa..?", tanong niya.

     "Ang galing ko! Sabi ko na nga ba ikaw iyung nabunggo ko eh!"

Ang swerte namin, ang dami kasing nagreklamo dahil hindi nila nagustuhan ang partner nila. Nagkasama-sama sa table ang partners, tapos nagkaroon ng games. Parang birthday party lang ah. Mga lalaki muna, tapos question and answer iyung game nila. Ayun na ang pagkakataon ko para kunin ang memo niya. Nakita ko agad iyung memo niya at tinago ko sa pocket ko.

     "Yael, kung ikaw ay may girlfriend, pero parang may worries ka na may hindi ka pa alam sakanya, at may mga kasinungalingan siya, ano ang gagawin mo?", tanong ng teacher.

      "..Di ko pa alam ang magiging reaksyon ko kasi di pa ko nagkaka-girlfriend. Pero.. bakit kasinungalingan niya ang hahanapin mo kung pwede namang iyung totoo nalang sakanya ang tignan mo..?"

Sumangayon iyung teacher. Ako naman, no comment? Pero napa-isip ako sa sagot niya. Kung iisipin kasi, kaya ko siya iniimbestigahan, para hanapin iyung mga kasinungalingan niya. Oh well..

Maya maya lang nagkainan na ang lahat. Nagexcuse ako at pumunta sa labas ng hotel, at tinignan ko iyung laman nung pad.

     First page: January 16- Jaymee Cross;  17 years old.

     Second Page: Library; January 24 - (note: naging friends kami ni Yael)

Sino bang hindi magtataka, na puro ako ang laman ng pad niya? Iyung date na naging friends kami, na naging kaibigan ko si Arian, at marami pang ibang bagay. Ano 'to? Ako ang next victim niya? Pero bakit parang diary? Sa middle part, nakalagay, kailangan daw niya pumunta sa Love Fellowship kasi nandito daw ako. Sa inis ko, pati back pages kinalikot ko. At ano ang bumulaga sakin??

      Last page: "I love Jaymee Cross.."

Nagulat ako, siyempre. Nabitawan ko iyung memo pad, nung narinig ko pa iyung boses ni Yael mula sa likuran.

      "Marunong ka rin palang mangialam ng gamit ng may gamit.."

Nangangatog na iyung tuhod ko nun; speechless ako. Pinulot niya iyung pad niya.

       "Alam mo na.. Binasa mo lahat.. diba..?"

Umatras ako, parang gusto ko nang tumakbo.

      "H-hindi! A-ano... aalis na ako.."

      "Sandali lang.. Bakit ka tumatakas..? Kung talagang hindi mo nabasa.. bakit kinakabahan ka..?"

      "Sabihin mo nga.. Ano bang pina-plano mo?! Sabihin mo ngang trip lang iyun dahil alam mong mababasa ko ang pad mo!"

      "Mali ka... Totoo iyun.. Interesado ako sayo nung una palang. Nakakahiya man, pero.. pwede bang hayaan mo akong gawin 'to?"

Ayan na ang mainit na hangin na nakapaninigas ng katawan. Hinga ng malalim, think..think... Ano ba, Jaymee? Eh trap lang ito. Sige, pagbigyan. Laro lang ito. Besides, ako parin naman ang mananalo sa katapusan.

       "Manliligaw ka, hindi ba? Sige.. Walang problema..  Sorry sa ikinilos ko, nagulat lang ako talaga.."

Truth or LiesWhere stories live. Discover now