Beki 9 na teh!

26.4K 461 27
                                    

Kellan's POV

Saturday,maaga na naman akong nagising,matapos gawin ang mga ritual ko tuwing umaga ay bumaba na ako para mag almusal,ewan ko ba,magaan pakiramdam ko,good vibe ako ngayon at wala sanang sumira. Naabutan ko sa dining hall sina Mom and Dad,at mukhang papasok pa lang sa work.

"Good morning Mom,Dad" sabay halik sa mga pisngi nila at naupo na din sa harap nila,kumuha na ako ng bread at nilagyan ng palaman at nagsimulang kumain.

"Mukhang good mood ka ngayon anak ah" ani Dad at ibinaba sa mesa ang binabasang newspaper then humigop ng kape nya.

"Ganun na nga po Dad" nakangiti kong sagot at kumagat ulit sa tinapay.

"Wow! At sa anong rason? Nga pala how's school at yung event nyo kagabi?" pagsingit naman ni Mom sa usapan habang hinahalo halo yung tea nya.

"School was great and so the event,sobrang saya,diba po may raffle at isa ako sa prize boy? Kilala nyo nakapanalo sa akin,dun din pala sya nag aaral" masaya kong sagot,tiningnan naman nila akong dalawa na parang nagtataka.

"Sino?" sabay nilang tanong. Uminom muna ako ng juice bago sumagot.

"Si Lyle,yung baklang pina date nyo sa akin noon" masaya kong tugon.

"Siya? Oh.." speechless na sabi ni Mom kaya nagtaka ako. Diba gusto nilang maging kaibigan ko si Lyle? Ang labo naman ng mga to.

"Anong gagawin mo bilang prize boy?" curious na tanong ni Dad at humigop ulit sa kape nya.

"I will be his slave for 365 hours" nakangiti kong sagot pa.

"Ganon? Anak pinalaki ka namin hindi para maging alila" ani Dad.

"Mabaet naman po si Lyle,at sainyo na din nanggaling noon na mabait sya,at saka marami kaming prize boy and prize girl,pati nga sina Amiel,Kyroo at Oli kasali eh,saka ang pagsisilbi namin eh may kapalit,natutulungan namin ang mga scholars and underpreveleged at the same time" mahaba pero nakangiti kong sabi,gusto kong ipakita at iparamdam sa kanila ang unti unti kong pagbabago,na hindi na ako yung dating Kellan na madaming babae,madaming nakakasex,tarantado at happy go lucky,gusto kong ipakita na nagiging responsable na ako,besides,iisang tao lang naman ang gusto ko laging maka sex.

"Okay ka lang anak? Bakit namumula ka?" pagkuway tanong ni Mom.

Ha? Ako namumula? Damn! Bakit kasi hindi maalis sa isip ko yon eh.

"O-okay lang po ako,medyo mainit lang siguro" taranta kong pagdadahilan. Ngumiti si Mom na pinagtaka ko na naman.

"B-bakit po?"

"Wala lang anak,masaya at proud lang kami ng Dad mo sa pagbabago mo,alam naming dadating ang araw na to,at talagang ang sarap sa pakiramdam" nakangiting sagot ni Mom.

"Kung kailangan ng school nyo ng dagdag sponsors para sa mga scholars,sabihin mo lang sa amin anak,magbibigay kami, anyway kelan ang simula ng pagiging slave mo?" naka ngiti ding dagdag ni Dad. Napangiti na din ako,alam ko naman nung una pa lang na swerte ako for having them as my parents,napaka intindihin,sumasabay sa biruan,para kaming tropa,at higit sa lahat,mahal ako.

"Thanks po Dad,ipapaalam ko yan kay school President,uhm yung pagiging slave ko po kay Lyle eh MWF,4hrs po palagi" tugon ko.

"Nako anak,baka pagbalik mo payat ka na! Saidin ni Lyle ang lakas mo" biro ni Dad na ikinalaki ng mga mata ko.

"Dad! Hindi ganon si Lyle! Iba sya sa ibang bakla!" agad kong depensa na tinawanan nilang dalawa,pero maya maya ay nagseryoso sila.

"Bakit? Gusto mo ba sya?" ani Mom na umiling naman ako ng sunod sunod.

He's Dating A Beki! (BoyXboy) #COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon