CHAPTER 24.2

24 0 0
                                    

CHAPTER 24.2

Nanlaki naman mata ko sa nakita ko.

.

.

.

Si Weird, nakaposisyon na parang makikipag-karate. Yun bang parang si Jackie Chan sa movie? O_o Nagpapatawa ba sya? Tatawa na talaga ako. Hinding-hindi matatakot sila Ace sa trip nyang yan, at ayun na nga, tumawa na sila.

Weird: If you want me, then make me look like a loser.

Tama ba tong naririnig ko? Si Weird, na classmate ko, na weird talaga, ay hinahamon si Ace? She’s crazy and we are so much in trouble. Hayst, kainis. Hindi pa rin ako nakakawala dito sa mga ugok na hinahawakan ako.

Ace: Are you challenging me pret—

*TOOGSH

*PAK

*KABLAGSH

The next thing I knew, Ace was lying on the floor, nagulat ang tropa ni Ace, kinarga kaagad sya at tumakbo papalayo. Pinagpag ni Weird ang uniform nya, at humarap saken na nakangiti.

AKO? Eh di nganga. Wala eh, I have no idea where she learned karate and all that moves.

Weird: Mike, galaw-galaw baka maheat stroke. Hihihihihi

Ako: P-paano mo n-nagawa y-yun? Alam mo p-palang magk-karate?

I am dumbfounded, nauutal akong makipag-usap sa kanya. Isa kaya syang mutant?

Weird: Taekwondo yun Mike. Hihiihi. Natutunan ko last year, self-defense, first time ko ngang nagamit mga natutunan ko eh, wow. Akalain mo kaya ko yun? *tawa* Teka, ok ka lang Mike?

Tumatawa pa talaga sya? Halimaw ka ba Weird?

Weird: MIKE!!

Ako: Ah-eh, o-okay lang ako. Konting pasa lang to, ice lang katapat neto.

Weird: Sure ka? Hayaan mo, ako maglalagay ng ice nyan. Tara na, punta na tayo sa bahay nyo. Naghihintay na si Laine dun, at nagutom din kasi ako dun eh, hehehehe.

Ako: Ah- sige.

Weird: Mike, sanay na ako sa mga katulad ni Ace. Kaya sana wag mo ng ikagulat yung kanina, kasi ano, walangya kasi yung mga yun, sinasaktan ka. Ano ba kasi sinabi nila at sinuntok mo kagad si Ace?

Better keep it to myself. Reresbak talaga ako sa mga yun.

Ako: Ah, wala. Uy, andito na tayo oh, pasok ka.

Weird: ay, oo!! Na-miss ko bahay nyo!

Haaay naku, parang walang nagyari. Binuksan kagad kami ng Yaya namen at halata namang nagulat eto sa pasa sa mukha ko.

Yaya: Sir, ano pong nangyari senyo?

Ako: Wala to Yaya.

Weird: Hi ate Fely!! Nakakita kasi si Mike ng away dun sa may kanto, ang tapang nga nya eh, teka, nasan yung ice nyo dito?

Tapang ba tawag dun na hindi man lang sya naipagtanggol? Nagi-guilty ako.

Yaya: Hannah! Andito ka pala bata! Sige, sama ka saken.

Weird: Ah, Mike, upo ka muna jan ha? Relax lang, kukuha lang ako ng icepack.

Tingnan nyo nga naman, bahay nya to? Kakaiba nga talaga to. Haaay, kumusta na kaya si Monster, sigurado akong OA na naman yun pag nakita tong pasa ko.

Weird: MIKE!! Eto na oh! Ilagay mo na lang lang jan sa pasa mo, sabihin mo lang pag nag-melt na yung ice ha?

Ako: Salamat. :) Baket hindi mo gamitin ang taekwondo mo sa mga nambubully sayo?

Meeting the Perfect WeirdoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon