Reincarnation 1

36.1K 929 322
                                    

(A/N:) This story has a super slow update because I am typing whatever’s on my mind lang whenever I feel like it and I am not a writer in profession, my degree program isn’t even related to free writing. Pero, geh, ipu-push ko pa to hanggang kaya ko. Lels! I am a person kasi na sa una, ang ayos ayos but then, tatamadin na as time goes by, in short, madali ako magsawa. Hahahaha! So before matapos tong buong chapter na puro katulad lang nitong walang kwentang author’s note ko, dahil super feeling author ako, here’s the first chapter na of Re-Ae. Hope you’ll like it!

PS. Ang timeline po nito ay yearssssss after ng MHIAMB (My Husband Is A Mafia Boss) but this is somewhat a side story of it. There will be scenes kasi na connected to MHIAMB eh. Also, Ae here doesn’t have the same characteristics and attitudes as the Aemie in MHIAMB. I’m giving you a heads up na para di kayo mag-expect. He-he. Enjoy!

PPS. Ae's fictional portrayer on the side >>>

- Mio

*****

First day of school. Eto na naman! Third year college na ako. Another year of being a human being. Nakakatuwa! Pero honestly, hindi ito ang pinakamasayang naging buhay ko. Nagbihis na ako at ginawa ang morning rituals ko bago ako magbihis. Alam nyo ba, ang ganda ng uniform ko. Pero alam ko naman na wala kayong pakielam kasi hindi nyo naman nakikita.

7:00 am na, nakalagay sa Hello Kitty na wall clock ko. 7:30 am ng klase ko. Chemistry. Mahirap! Hindi ko nga gusto yun eh. Pinagtya-tyagaan ko nalang kahit ayoko sa subject ko na yun dahil hindi pwedeng hindi ko sya i-take ngayong semester.

Maglalakad lang ako papuntang school, malapit lang kasi sa bahay namin. Nakakatuwa na pinagpala ako magkaroon ng mabuting mga magulang. I mean, my soul is blessed na mapunta sa katawan ng isang tao na may mga magulang na busilak ang puso.

I kissed my mom on the cheek and waved my dad goodbye bago ako lumabas ng pinto. Habang naglalakad ako, napadaan ako sa isang flower garden. Nakakita ako ng maraming paru-paro na nakadapo sa mga Gumamela. Ang dami nila. Sama-sama, mukha silang masasaya. Butterflies are beautiful. Actually, I am amazed on how a caterpillar turned into a cocoon and came out as a butterfly. Nakakatuwa din dahil naaalala ko pa lahat.

Minsan, naging paru-paro din ako. Dumaan din ako sa pagiging uod. Naranasan ko na din pangdirihan ng mga maaarteng babae at mga tatanga-tanga na pinagkakamalan akong bulate. Mayroon din naman mga natakot dahil iniisip nila na allergic ang makikinis nilang balat sa mga gaya ko at kung may pagkakataon man na madikit ako sa kanila, mangangati ang kanilang balat ant magpapantal. But seriously, di hamak naman na mas maganda at mas malinis ako sa mga bulate, no offense meant sa mga bulate ah, or kung may bulate of any specie naman na makakabasa nito. (A/N: Ehemm. Hello Sis Amber! Haha!) I have nothing against your race, pero ano pa nga ba ang purpose nila aside sa patabain ang lupa? Also, I don’t really quite get how the soil is considered “mataba” if it’s fertile. Makakuha nga ng tape measure at masukat ang waist line nun.

As I was narrating, yun nga. Masaya naman ang naging buhay ko bilang isang paru-paro dati eh. Syempre may nanay ako. Yung pinakamagandang paru-paro. Malaki sya atsaka colorful. Pinanganak nya ako sa mundo bilang isang iglot, ay este, itlog pala. (A/N: Hi Kaye! I know you’re reading this! Namimiss na kita, Iglot <3) Tapos, ahh, nakalimutan ko na tuloy. Ano nga ba yun? Next time, remind the author not to interrupt me when I was telling my story. Nakakalimutan ko kasi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Re-Ae-ncarnationWhere stories live. Discover now