Chapter 1: Breaking the Time Rule!

44K 883 30
                                    


*** SHERO'S POINT OF VIEW ***



Malakas ang tibok ng aking puso habang binabagtas ko ang madilim na pathwalk sa likod ng school building namin. Alas siete na ng gabi at nandito ako sa loob ng campus para balikan ang naiwan kong notebook at libro sa algebra, naiwan ko ang mga iyon sa locker room. Meron kaming long test bukas ng umaga kaya kelangan ko iyong makuha para makapag-aral ako. Isang direktang paglabag sa school rule ang ginagawa kong ito, pwede akong patawan ng suspension o ang malala expulsion dahil dito. Siguradong patay ako kapag may nakakita sa akin na crimson, sana walang may makakita sakin. Sana wala ...?

"Tigil!!!"

Naku lagot na. Napahinto ako sa paglakad. Ang narinig ko ay boses ng lalaki at kahit hindi ako lumingon ay alam kong nakasuot siya ng ternong kulay crimson na pants at blazer na isa lang ang ibig sabihin, kabilang siya sa crimson class. Ako nama'y nakasuot ng ternong kulay grey na pants at blazer na ang ibig sabihin ay kabilang sa grey class at hindi dapat narito sa loob ng campus sa oras na 'to. Lagot na, ano nang gagawin ko ngayon? Haharap ba 'ko sa kanya at magmamakaawa na huwag akong isumbong at magpaliwanag na nandito ako dahil kukunin ko ang mga naiwan kong gamit? O, huwag nang humarap at tumakbo na lang dahil baka dalhin niya 'ko sa office ng student council? 

Tatakbo na lang ako at magtatago, hindi niya naman nakita ang mukha ko kaya hindi niya 'ko makikilala at masusumbong. Sana lang hindi siya mabilis tumakbo para hindi niya ako maabutan.

"Kung iniisip mong tumakbo, iyon ang huwag mong gagawin dahil mabilis akong tumakbo at sigurado akong maaabutan kita."

Napalunok ako ng laway dahil sa narinig ko mula sa lalaki sa likuran ko. Ano siya manghuhula at nahulaan niya ang gagawin ko? P'wes kung iniisip niyang maabutan niya 'ko iyon ang hindi mangyayari dahil hindi ako magpapahuli sa kanya nang buhay o kahit sa sino mang crimson.

"Kung gano'n eh 'di habulin mo 'ko!" hamon ko sa kanya at walang lingon-likod na tumakbo ako nang mabilis sa abot ng aking makakaya. Hindi niya 'ko dapat maabutan, hind ako magpapahuli.

Tumakbo ako nang mabilis palayo sa lalaking iyon. Ito na yata ang pinakamabilis na takbo na ginawa ko sa buong buhay ko. Nilampasan ko ang lecture building at pagkatapos ay kumanan ako kung saan nadaanan ko ang likod ng library at ang arts and sciences building. Dederetso na sana ako sa gym kung nasaan ang locker ko nang bigla kong makasalubong sa path walk ang isang grupo ng mga crimson. Lima sila, tatlong babae at dalawang lalaki.  Napahinto ako sa kanilang harapan at nakita ko ang iba't-ibang reaksiyon ng kanilang mga mukha. Merong nakakunot ang noo, may magkasalubong ang mga kilay, may nasurpresa at meron ding parang walang pakialam.

"Isang kang grey class! Anong ginagawa mo dito?" gulat at may pagkabahalang tanong ng cute na babae na merong kulot at kulay brown na buhok.

"You are not supposed to be here, gusto mo bang maexpel?" sabi naman ng maganda at matankad na babae na merong mahaba at itim na buhok.

Walang may lumabas na salita sa aking bibig at umiling lang ako sa kanila bilang tugon.

"Umuwi ka na habang wala pang may nakakakita sa 'yong ibang crimson," payo ng lalaking nakasalamin habang nakatitig sakin, parang sina-psycho niya 'ko. Siya ang pinakamaliit sa kanilang lima, kung hindi ako nagkakamali nasa 11-12 years old lang siya. Dahil nga isa siyang crimson kaya hindi na ako nasurpresa na college na siya. Dito kasi sa Yin-Yang kapag sinabing crimson class ibig sabihin n'on ay advance, matatalino at multi-talented. Pero kakambal rin ng salitang crimson ang mga salitang, masusungit, abusado, matatapang at mga sira ulo, kaya nakakatakot talaga sila.

[THS Book I] Yinyang University - The Aquaist Tale (Completed) *BoysLove*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon