E-P-I-L-O-G-U-E

14.6K 290 238
                                    




Makalipas ang ilang linggo matapos maihatid sa huling hantungan si Alex naging malungkot na ang buong mansyon. Maging ang mga bata halos hindi na marunong ngumiti. Lalong lalo na ang asawa nitong si Trixie na hanggang ngayon nilalabanan pa rin nito ang kanyang karamdaman.

Nasa hapag kainan ang lahat at naghahapunan ng magsalita ang kanilang Lola Belle. Pilit niyang pinapasaya ang lahat kahit na imposibleng maibalik ang kasiyahan ng lahat gayung nawalan sila ng isang minamahal sa buhay.

"Alam niyo hindi lang kayo ang nawalan." simula ng kanilang Lola Belle.

"Ako din nawalan. Nawala na ang lahat sa akin, ang lolo niyo at ang inyong great grandma. Sumunod ang mommy Alex niyo. Pero kahit nawala silang lahat alam ko meron silang iniwan sa akin." tinignan niya isa isa ang mga kasama sa dining table. "Andiyan pa kayo. Kayo na lang ang meron ako. Magkasama pa tayo. Sigurado ako na matutuwa sila na makita tayong magkasama at pinagpatuloy ang mga buhay natin. Yung mommy Alex niyo gusto niyo bang bumangon yun at umuwi dito para pagsabihan kayong lahat?" pananakot niya sa mga kasama. Iiling iling naman ang ilan sa mga bata. "See ayaw niyo kaya hala kain na." at tahimik nilang pinagsaluhan ang masasarap na pagkain sa kanilang mesa.

Pagkatapos kumain kanya kanya na silang pasok sa loob ng kanilang kwarto. Habang naiwan sa sala ang mag byenan at seryosong nag-uusap.

"Ma, ngayong wala na si Alex, natatakot ako na any moment from now ako na naman ang susunod. It's just a matter of when. Natatakot ako at the same time naaawa sa mga bata. Kung bakit kasi nagkaron pa ako ng cancer na ito. Nakakapagod na din ma." naluluhang sambit ni Trixie sa byenan.

"Anak, wag kang panghinaan ng loob. Mas malakas pa rin ang kakayahan ng taimtim na dasal. Walang makakatalo doon. Mas naniniwala pa rin ako sa kakayahan ng poong maykapal basta ba malakas ang pananalig mo sa kanya. Huwag kang makalimot anak. Huwag mong isipin ang iyong karamdaman, siguro kaya tayo binigyan ng ganito kabigat na suliranin para timbangin kung gaano kalaki at kung meron pa bang natirang pananalig sa ating mga puso. Alam ko hindi ganun kadali ang lumimot lalong lalo na sa pagmamahal mo sa aking anak. Iha, nawalan ako ng anak, walang makakahigit sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Alam ko na alam mo iyan dahil may tatlong anak ka na. Nahihirapan din ako, pero alam ko may dahilan ang lahat ng ito. Pinapasa diyos ko na lang ang lahat ng pangyayari. Balang araw, makakasama ko din sila pero sa ngayon, gusto kong mabuhay para sayo, para sa mga apo ko. Kaya ako nandito dahil sa inyo. Huwag ka sanang bulagin ng sakit na meron ka diyan sa puso mo." ang madamdaming wika ng ina ni Alex na ngayon ay napapaluha na rin. Lumapit naman dito si Trixie at inakap ito.

"Ma, sorry po. Sobrang nasasaktan lang po ako sa mga pangyayari. Parang kilan lang na kasama natin si Alex,ngayon araw araw na hindi ko na masisilayan ang kanyang mga ngiti. (sob)Huhuhu. Araw araw na hindi ko mararamdaman ang init ng kanyang mga yakap. Gabi gabi na hindi ko siya makatabi sa pagtulog ko. Nakakamiss yung everyday ko nasisilayan yung mga ngiti niya, halakhak kapag nakikipaglaro sa mga bata. Yung panlalambing niya. Ma sobrang miss na miss ko na si Alex. Kaya hirap na hirap akong kalimutan siya.Huhuhu!" muli na namang umagos ang mga luha sa mga mata nito dahil sa pag uusap nila ng kanyang ina.

"Anak, dito... dito mo matatagpuan ang asawa mo. Dahil diyan mo siya binuo. Diyan mo siya nilagay at iningatan." turo nito sa dibdib ni Trixie. "My daughter has a big place inside your heart. Diyan mo lang siya matatagpuan araw araw. At alam ko kung nasaan man ang anak ko, sigurado ako na masaya siya dahil sa naging meaningful ang mga huling araw niya dito sa mundo. You grant her dreams. Kung pwede nga lang sanang hilingin na panaginip lang ang lahat eh. Pero wala at nangyari na ang lahat. Ang gagawin na lang natin ay ang maging matatag sa anumang darating pa na pagsubok sa ating buhay. Hawak kamay natin itong haharapin. Andito pa ako, ang parents mo, kapatid, mga malalapit na kaibigan na maaasahan mo at mas lalong andiyan pa ang mga anak niyo." pilit na pinapakalma ni Mrs. Rogers ang manugang. Napayakap naman si Trixie sa ina ni Alex.

So It's You After All(COMPLETED)Where stories live. Discover now