MBP - Anghel?

5 0 0
                                    

Yen's P.O.V

Hindi ko na hinintay pa sumagot sila. Dahil narinig ko naman ang lahat eh, hindi naman ako bingi para hindi ko marining lahat ng pinag usapan nila. I'm so hopeless this time, all of a sudden yung mga tao pala na pinagkakatiwalaan mo yung siyang manloloko at magsisinungaling sayo.

Hindi ako nagagalit kung magpinsan man ung dalawa. Pero ung itago sakin un ng bestfriend ko? Sobrang sakit. Ultimo pagkakaroon ko alam niya. Lahat sa buhay ko alam niya tapos. Hindi niya manlang sinabi sakin kung ano nalaman niya.

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad palabas ng subdivision nila Shaine. Tuloy parin ang pagtulo ng luha ko.
Nagulat ako ng may biglang malakas na bumusina sa likuran ko, napalingon ako dito. Hindi pamilyar sakin yung sasakyan na 'to. Sino ba naman kase ang matinong tao na maglalakad sa gitna ng kalsada. Agad akong tumabi dahil baka tuluyan ako nito, pero hindi padin siya umandar. Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at iniluwa ang isang anghel.

Oo isang anghel. Napakurap pa ako ng mata dahil hindi ako makapaniwala na may anghel akong kaharap. Pilit kong kinukurot ang tagiliran ko pero patuloy akong nasasaktan sa kagaguhan ko. Buhay pa talaga ako pero bakit may anghel akong kaharap?

Naka all white get up ang lalaking kaharap ko. Mula sa white v-neck shirt na pinatungan ng white coat na pinartnerang ng skinny white jeans as in skinny pero bagay sakanya with matching airmax na color white din. Kumurap ulit yung mata ko, baka naman kase nagshooting ang Boys over flowers dito sa subdivision nila Shaine at baka cameo ko na 'to kasama sino ba 'to? Yung laging naka white? Eh basta! Isa siyang anghel.

"Done drooling?"

OMG! Ang manly ng boses niya kahit na parang masungit. Para akong tanga na nangingiti. Enebe! Sino ba siya?

"Hey? Miss?"

He snap his hands. Grabe ang bango niya, ang lapit niya pa sakin ngayon amoy na amoy ko ang pabango niya.
Ang gwapo niya. Cloud 9 heaven!

"Hehe ang gwapo mo, totoo kaba?"

"Huh? Are you okay miss? Nakadrugs ka ata"

Pinindot ko ung pisngi niya. Gosh! Ang lambot. Pinindot ko ulit. Totoo nga siya.

"Stop!"

Natauhan ako sa sigaw niya bigla kong naalala ung nangyari kanina kung bakit ako naglalakad ngayon papalayo sa lugar na 'to. Hinigit ko ung kamay ko na hawak niya, imperness ang lambot ng palad niya. Hindi ko nanaman napigilan yung pagtulo ng luha ko. Tinignan ko siya bago ko siya iniwan at nagsimula na agad maglakad, nagulat ako ng may humawak sa braso ko.

"Umm, miss I'm sorry. I didn't mean to shout"

Tinaasan ko siya ng kilay. Kaya binitawan niya ung braso ko na hawak niya. Parang napahiya ata siya kaya nilagay niya yung kamay niya sa batok niya and I found it cute.

"Do i know you? Please hayaan mo nalang ako"

"Umm, sorry talaga ako. Nag alala lang kasi ako sayo naglakad ka ba naman sa gitna ng kalsada ng walang sapin sa paa"

Agad kong tinignan ung paa ko. Wtf? Wala nga akong suot na tsinelas kaya pala sobrang init na ng paa ko.

"Hindi ako pulubi, tumakas kase ako"

Nagulat ata siya sa sinabi ko kase parang umatras siya. Problema niya?

"San ka tumakas?"

I sighed. Tinignan ko siyang maigi bago ako nakaisip ng isang kalokohan.

"Sa mental, kailangan ko kase makakain ng fresh na dugo.. dugo ng tao"

Saka ako ngumiti ng nakakaloko. Pansin ko anh tensyon sa mukha niya para siyang pinagpapawisan at panay ang taas baba ng adams apple niya.

"Hehe, sige mauna na ako"

Pagtalikod niya agad akong tumawa yung sobranh tawa, hindi ko muna inisip ung nangyari kanina. Priceless talaga yung mukha niya grabe.

"Nagjojoke lang ako, ikaw naman naniwala agad kaya maraming nasasaktan eh kase ang bilis maniwala"

Lumingon siya sakin parang nagtataka, ngitian ko naman siya isang sobrang tamis na ngiti na pwede na akong langgamin.

"Phew! Akala ko totoo ung sinabi mo. You know, takot ako sa mga baliw. They're creeping me out as hell"

Saka siya tumawa. Parehas pala kaming takot sa baliw,tumawa din ako. May inabot siya sakin tinignan ko mula siya ng may pagtataka.

"Itali mo yung buhok mo, mukha ka kasing baliw natatakot ako"

Tumawa ako, saka inabot ung tali. San kaya nanggaling yun?

"Alam mo nakakahawa yung tawa mo"

Saka siya tumawa, para tuloy akong nagkaroon ng new friend. Itinabi niya yung kotse niya saka niyaya niya akong umakyat sa bubong. Una naghesitate pa ako, hindi ko naman kasi siya kilala pero napapayag niya din ako. Nagsimula na siyang magkwento.

Siya pala si Jasper, nakatira din siya sa subdivision nila Shaine. Dapat daw pupunta siya ng bar para mag unwined pero nakita niya ko, mas nagenjoy daw siya sa company ko, kaya ayon napakwento nadin ako. Nakinig lang siya tapos nag advice ng konti, hanggang sa parang naeenjoy ko na din ang company niya, masarap siyang kausap punong puno siya ng sense of humor plus the fact na gwapo siya nakakadagdag points.

"So, dito pala bahay mo?"

Tumango ako, bumaba din kase siya ng kotse. Nagvolunteer kase siya na ihatid ako kaya wala na akong nagawa, sobrang kulit niya kase para siyang bata.

"Ikaw lang magisa dito?"

Binuksan ko kase yung gate saka pinapasok siya sa may mini garden namin. Sabi niya kase dito nalang daw, wag daw akong basta magpapasok sa loob ng bahay namin lalo na daw kakakilala ko palang. Napatawa naman ako sakanya.

"Oo, nasa Tagaytay kase parents ko"

Sabi ko saka binuksan yung binili namin na Chuckie kanina sa convinient store. Ininom niya naman yung gatas niya. I can't believe this guy.

"Sabi mo kanina, hindi ka naman dito nagiistay diba? Bakit dito ka nagpahatid?"

Tumingala ako sa langit, ang daming stars pero hindi ko makita si Orion.

"Kase gusto ko makalayo, you know"

Naikwento ko nga kase sakanya yung tungkol kanina. Tumango lang siya, saka tinignan ung wrist watch niya saka tinungga ung gatas niya.

"Una nako L, salamat sa oras"

Oo L as in letter L ang tawag niya sakin ang haba daw kasi ng Marielle at ayaw niya naman ng Yen dahil parang mukha daw akong pera. Napatawa nalang ako sa dahilan niya.

"Salamat din Jas, see you when i see you"

Sabi ko sakanya, inihatid ko kase siya sa may gate.

"Sige na bye L"

Kumaway pa siya saka pinaharurot ang sasakyan niya. Nakangiti kong binuksan yung pinto ng bahay namin ng bigla akong nanlamig bakit hindi nakalock yung pinto?

Agad kong kinapa yung switch ng ilaw. And the light amazed me. May nakasabit na banner sa may hagdan isang malaking "SORRY" at sa dulo ng hagdan ay may lalaking nakaupo na nakatingin sakin na may lungkot sa mata.

Kanina paba siya dito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Boy-Prince (EDITING)Where stories live. Discover now