Chapter 8 - Parang Sila Pero Hindi

10.4K 286 3
                                    

"ANO'NG nangyari sa 'yo? Ilang araw kaming walang balita sa 'yo, ah. Bakit ka pinatawag ng lolo mo?"

Napangiwi ako sa pambungad na mga tanong ni Jasper nang dumating ako sa Strawberry Kiss kung saan kami nag-be-breakfast kapag ganoong araw. Pabagsak akong umupo sa nag-iisang bakanteng silya. "Family matters lang." Kasi kagabi pa ako nakapag-decide na hindi ko sasabihin kahit kanino sa campus ang tungkol sa pagpapakasal namin ni Danica. Lalo na ang tungkol sa bata. I do plan to tell my friends about it but not now. May one week pa naman ako na wala si Danica sa campus. One week na katahimikan at pagiging "normal" na estudyante ng Richdale University.

Kumakain na ako nang biglang magsalita si Armi. "Oo nga pala, Thorne. Foundation week na uli next month. Ano'ng plano mo sa dance party? Sino ang aayain mong maging date?"

Natigilan ako. It's as if fate is making fun of me. Ipaalala raw ba ang dance party? Mabanggit nga lang 'yon si Danica agad ang naaalala ko. Lalo na ang nangyari nang gabing 'yon. "I don't have any plans. Baka hindi ako pumunta."

"What? 'Pre, kapag hindi ka nagpunta na walang date maaalala ng mga estudyante ang nangyari last year. Gusto mo ba 'yon?" sabi ni Jasper.

Sumama ang mood ko at nawalan na ng ganang kumain. "I think mas maaalala nila ang nangyari kung magpapakita ako."

"Well, I think you are underestimating your fame, Thorne. Kung 'yan talaga ang opinyon mo," sabi naman ni William.

I closed my mouth and clenched my fists. At parang ang goal talaga ng tadhana since Friday ay ang inisin ako, biglang bumukas ang glass door ng restaurant at pumasok si Eugine kasama ang ilang estudyante na pamilyar sa akin. Pare-pareho naman kasi kaming Business Management ang course. Napaderetso ako ng upo nang mapatingin sa mesa namin ang pinsan ko. Medyo na-tense ako nang maisip ko na baka nasabi na ni Lolo kay Uncle ang tungkol sa amin ni Danica. Kasi kung oo, ibig sabihin alam na rin ni Eugine ang tungkol 'don. At siya ang huling taong gusto kong makaalam ng gusto kong isekreto sa buong campus. Kasi pagkatapos ng nangyari last year lalong sumama ang relasyon namin ng pinsan ko.

"Gin, let's go," sabi ng isang babaeng estudyante na mukhang napansin na rin kami ng barkada ko. Inalis ni Eugine ang tingin sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi ba talaga kayo magkakasundo ni Eugine kahit bago tayo magtapos ng college? Hanggang sa trabaho siguradong magkakasama kayo kasi iisa lang naman ang kompanya na papasukan n'yo," sabi ni Armi.

"Hindi kami magkakasundo. Period." Inubos ko na ang kape ko at saka tumingin sa wristwatch. "Pumunta na tayo sa classroom." Nauna na akong tumayo. Napansin ko ang palitan ng tingin ng mga kaibigan ko pero binalewala ko 'yon. I don't want to stay at the same place with Eugine. Naaalala ko lang ang nakaraan.

Pero kahit nang naglalakad na kami sa labas papunta sa school building kung saan ang first class namin bumalik rin sa isip ko ang nakaraan. Hindi ko na napigilan pa.

TATLONG linggo mula nang una kaming magkakilala ni Danica isang taon ang nakararaan nang mapansin kong hindi sa ayaw niya sa maraming tao kaya palagi kaming sa library o sa tagong bahagi ng campus nagkikita. Napansin ko na ayaw niyang nakikita siya ng iba na ako ang kasama.

Naglalakad kami sa campus noon, kalalabas lang sa library kung saan kami tumambay. Hindi ko na matandaan kung ano eksakto ang pinag-uusapan namin noon pero natatandaan ko na napapangiti at napapatawa ko siya noon. That day I'm planning to invite her to be my partner for the dance party.

Hanggang sa may makasalubong kaming grupo ng mga estudyante. Nawala ang ngiti niya, na-tense at mabilis na dumistansya sa akin. Nawala rin ang ngiti ko noon at nagtatakang napatingin sa grupo ng mga estudyante na sa akin naman nakatingin. Nag-hi pa nga sa akin kaya gumanti rin ako ng bati kahit hindi ko naman sila kilala. Habit ko lang talaga kapag nasa campus ako. Lalo na nang maging member ako ng student government mula pa noong second year college ako. Iyon ang ganti ko sa mga estudyanteng dalawang magkasunod na taon na akong binoboto.

CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSIONWhere stories live. Discover now