Kabanata 2

430K 10.7K 2K
                                    


Yukan'na.

Nagmadali akong maglakad papalayo. Matindi ang kaba ko doon sa nakita ko kanina. Hindi ko naman nakita lahat, pero tiyak kong hindi maganda ang ginagawa nilang dalawa.

Ano yun?

Una, bata pa si Gaelan.. Mas matanda sa kanya si Miss Farrah!

Isa pa, teacher namin si Miss Farrah, estudyante si Gaelan!

Isa pa ulit, nandito sila sa loob ng school at maling mali ang ginagawa nilang paglalampungan...

At isa pa, okay last na, mali ang sex outside marriage!

Di ba tinuturo sa highschool ang Chastity Covenant?! Last year, tandang tanda ko pa ang kontratang pinapirma sa amin ni Father Kit at ibinaon sa lupa ng simbahan na mananatili kaming busilak hanggang sa araw ng kasal namin, mapalalaki man o mapababae.

Haliparot pala ang Gaelan na yon. Grabe..

Napasign of the cross ako at huminga ng malalim bago tumingala muli sa langit.

"Please forgive their souls. Amen."

Halos magkanda-dapa dapa ako sa mabilisang paglalakad. Susmayosep! Hindi ko kasi akalaing makakakita ako ng ganoong klaseng bagay.

That is---

That is so wrong and so-----

"Ouch!" Sa pangalawang pagkakataon, napaupo ako muli sa lupa ng Keio. Tulog ba ang guardian angel ko ngayon? Rest Day? Mukhang pinabayaan nya ako today. Napakamot ako sa aking ulo at nanalangin muli ng pasensya.

"Miss, are you okay?"

Hindi ako nakasagot dahil sa inindang sakit sa pang-upo.

"St. Guiseppe, please heal me again.. Amen." Tumingala ako muli at nanalangin.

"Miss?" Ulit ng boses ng isang babae na nakabungguan ko.

Umangat ang aking noo at sinapat ang nakatayo sa harapan ko. Her voice is too soft and sweet, parang candy. Masarap sa tenga.

My eyes darted to a beautiful face. Hindi lang pala boses ang maganda kundi ang mukha din nya. Mahaba ang kanyang buhok na kulay brown at ang kanyang mata? Kulay blue. Nakakamangha!

"Hi?" Nagtataka nya din akong tiningnan. "Hellooooo? Are you there?" Pinaikot ikot nya ang kanyang palad sa aking mukha.

"O-okay lang." Sagot ko kahit ang totoo ay hindi.

"Selene." Nakangiti nyang inabot ang kanyang kamay sa akin.

"Ria." Kinuha ko ang kamay nya but she locked in her hands at hinila ako papatayo.

"Ikaw yung binu-bully kanina nila Charm di ba?"

"Charm? Sinong Charm?" Nagtatakang tanong ko.

"Yung btch!" Sagot nya. Napatakip ako ng ng aking bibig.

"Don't say bad words, Selene.." Wika ko sa kanya but she just smirked.

"Sabi ng Mommy ko, di bale nang masama ang lumalabas sa bibig ko basta may mabuti akong puso. Anyway, kumain ka na?"

Nanatili ang mata ko kay Selene. Sobrang amo ng mukha nya, mapagkakamalan mo syang iginuhit na anime character, yung kutis nya parang bulak at para syang kumikinang, pero napakabrusko nya magsalita.

"Hindi pa.. Kulang ang pera ko--" Sagot ko pero hindi nya ako pinatapos magsalita.

"Tamang tama, wala akong kasabay." Kinuha ni Selene ang kamay ko at kinaladkad ako pabalik ng Food Alley.

THE BAD BOY'S  SLAVEOnde as histórias ganham vida. Descobre agora