Akala ko kasi...

38 1 0
                                    

"Akala mo lang"

---
'Yan yung mga katagang sinabi niya na hinding hindi ko makakalimutan. Ang sakit eh. Akala ko kasi nagbago na. Akala ko nagtino na siya. Akala ko totoo.

Maaaring mali ako pero mas mali siya.
Sabihin niyo nga sa akin, mali ba kung umasa ako dahil ang clingy nya sakin, lagi niya akong sinasabihan na crush kita, na joke lang yung sa kanila ni Krystal. Na palagi siya ang kasama ko. Dati na iinis ako sa kanya dahil ang harot harot niya. Pero di ko aakalain na nahuhulog na pala ako sa kanya. Ang saklap lang kasi dun pa sa taong 'di naman pala seryoso.

Tanda ko pa yung mga panahon na aso't pusa ang turingan namin eh....

"Ano ba James! Huwag ako, iba na lang." Nakaka inis kasi siya. Hinawakan ba naman yung kamay ko? Paano kung mag selos sakin si Krystal? Edi ako ang naging masama?
Alam ko naman na may gusto sa kanya si Krystal eh.

"Bakit ba? Hinahawakan lang eh. Sensitive mo naman Jenny."

"Hindi ako sensitive, okay? Alam mo ang harot mo. Diba nililigawan mo si Krystal? Huwag ka ngang ano dyan."
Yun talaga ang alam ko. Naririnig ko kasi sa iba na nanliligaw si James kay Krystal atska halata sa mga kilos nila eh. Ang harot lang talaga niya. Buti nga 'di nagagalit si Krystal sa kanya.

Ito pa....

Online ako tuwing gabi hanggang 2am. Si James nag o-OL din pero bihira lang. One time, pareho kaming OL. Chinat niya ako.

James: Hi crush
Me: seen
James: aww. Seen :(
Me: bakit?
James: Hi wifey ^_^
Me: yuck! Di bagay -.-
James: bagay kaya. Ka-pangalan ko pa nga yung idol mo eh.
Me: .....
James: uyyy.
          Jenny.
Me: seen
       Ano?
James: crush kita
Me: huwag ako. Itulog mo na yan :)
James: May tanong ako sayo. Sagutin mo please?
Me: ???
James: Kung sakaling liligawan kita, payag ka?
Me: Hindi. Kasi 'di ba iba naman talaga gusto mo? Atska di rin naman kita gusto eh.
James: seen

After 'nun nag offline na siya.

*End of flashback*

Akala ko titigil na siya sa pangungulit sakin, pero hindi. Lalo siya naging clingy at cheesy. Na isip ko tuloy, Baka naman kasi totoo yung sinasabi niya?  Baka binusted na siya ni Krystal kaya ako naman?
Tumagal yun ng dalawang buwan. Syempre, nag assume na ako. Umaasa na ako ng mga panahon na iyon. Kaya medyo bumait ako sa kanya na kahit akbayan niya ako, okay lang. Pero syempre di ko pinapahalata na kinikilig ako. Kunyare masungit.

Pero isang araw nag bago ang lahat. Na durog yung puso ko.
Kasi Akala ko okay na. Na Pareho kami ng nararamdaman. Umasa na kasi ako. Ready na akong umamin. Pero lahat ng iyon nasira, nawala at gumuho. Dahil sa kanya kaya miserable ako. Nang dahil sa mga classmates ko na ang lakas mantrip kaya heto ako ngayon, umiiyak at Na Paasa.

Ano nga ba kasi nangyari?

One time nagkayayahan kaming mag kakaklase na mag mall. Sumama naman ang lahat. Ang ganda nga ng porma ni James. Kaya lang may napansin ako. Mas dikit siya kay Krystal.

Inis ako nun kasi.... di ko alam. Pero nung bandang hapon, saakin na naman siya naging clingy. Kaya nag bago yung mood ko.

Nag paalam ako na mag c-cr lang sandali. 'Di ko namalayan na sumunod yung classmate ko na si Jane. Mula sa labas ng cubicle tinawag niya ako.

"Jen, san ka banda?"
"Wait lang. Palabas na din ako." Nung lumabas ako, pumunta ako sa salamin para mag ayos at ganun rin ang ginawa ni Jane.

"Jen, may gusto ka na ba sakanya?" 
Nagulat ako. Di ko alam sasabihin ko, wala kasing pumasok sa utak ko. Kaya medyo matagal akong nakasagot.

"Ha? Sino ba?"
"Si James. Kasi, iba na yung mga titig mo sa kanya eh. Tapos kanina
yung kasama niya si Krystal naka busangot ka."

"Timang, hindi noh. Syempre ang harot harot nila nakaka suka silang tignan."
"Sus, deny pa. Amin-amin din kasi. Di ko naman sasabihin eh."

"oo na" shocks! Kinakabahan ako...
"Anong oo na? Oo na sasabihin mo na sakin o Oo na may gusto ka sa kanya?

"Both. 'Wag ka maingay ha? Sasabihin ko na sa kanya mamaya."
"Yeah. I will shut my mouth. Pero payong kaibigan lang beh, ingat ka ha? Haha char."

Dahil sa sinabi niyang yun, medyo kinabahan ako. Bakit pa kasi may ingat sa sinabi niya? Hayys 😌

---

"Jam--, Q_Q"
Nagulat ako sa nakita ko. Yuck! Nakikipag make out si James kay Krystal? Wtf??! Bwisit. Naiinis ako!!!

Nakinig pa ako sa pinag uusapan nila. Shonga ko lang. Dapat umalis na ako eh. Lalo lang akong nasasaktan. Biruin nyo, sila pala. Sila pala 3 months ago na. Dyahe. Pinaglaruan nila ako. Kasabwat pala silang lahat. Naiiyak ako, shocks.

Naiinis ako sa kanya pero mas naiinis ako sa sarili ko. Sabi ko na nga ba. Walang matinong nagagawa ang love na yan eh. Puro pasakit.

---
Kinabukasan.

"James!" Tinawag ko siya. Nasa hallway pa lang kasi ako at siya nman ay papasok na nang room.
"Bakit crush?"
"Usap muna tayo saglit."

"Ano ba pag uusapan natin?"
"Ano yung nakita ko kahapon? Yung mga narinig ko ha?!"
"Ano bang pinagsasasabi mo? 'Kaw crush ha, ang drama mo."
"T*ng*na! Seryoso ako. All this time kayo pala tapos nilalandi mo ako. Bwisit kang lalaki ka! G*go.." Putek! Naiiyak ako.

"Sino ba kasing nagsabi na umasa ka na magiging tayo? Ang saya mo pa lang pag trip-an? Akala ko tomboy ka na eh."
"Alam mo James, umasa ako eh. Akala ko nag bago ka na. Cassanova ka parin pala. Akala ko seryoso ka na eh. Pero lahat nang yon trip lang.?"

"Sorry. 'Di ko rin naman inexpect na mahuhulog ka."
"Sinong hindi mahuhulog kung ang sweet mo sakin? Lagi mo akong tinetext at chinachat. Tapos palagi kitang kasama. Anong akala mo sakin, manhid? Walang feelings? Bwisit kayo. Akala ko totoo lahat ng pinapakita mo"

Grabe na yung iyak ko. First time eh. Bwisit, wala silang kwenta.

"Akala mo lang."
---

That day, I promised to myself na 'di na ako magtitiwala agad at hinihiling ko na sana wala na lang akong maramdaman. It's been 3 years but I still feel the pain. I hate it. I hate them especially him.


-END-

***
A/N: Thank you sa pag tyagang basahin kahit walang sense. Wala,  trip ko lang siya isulat. Sana magustuhan nyo kasi kung di nyo gusto, baka 'di ko na isulat yung kadugtong nitong story w/c is yung side naman ni James. The title is: Slowpoke girl. BUT tentative muna. Di pa sure. basta pa VOTE-COMMENT-SHARE na lang po itong story. THANKS! (*´∀`*)

Akala Ko Kasi....Where stories live. Discover now