chapter 3: A friend and an enemy

25.6K 410 23
                                    

Elesis's POV

Hinatid ako ni kuya sieghart sa girls dorm. Ipinaliwanag na sa akin lahat ng dapat kong malaman dito sa loob ng academy. Sabi ni kuya, kaya niya daw controlin ang time at space at kaya niya gamitin ang mga anino ng kahit anong bagay upang magamit niya ito sa pakikipaglaban. Kaya niya rin gumawa ng apoy pero kulay itim ito di tulad ng mga ordiaryong apoy na kadalasang ginagawa ko. Hindi naman talaga siya as in pure black flame, may pagkaviolet kasi ito nung pinakit niya sakin.

"Wow kuya ang galing naman ng ability mo." Habang pumapalakpak ako dahil sa ginawa ni kuya.

"Hahaha... ang cute mo alam mo yun. Marami kang magagawa gamit ang apoy pero since may instructor ka na baka bigyan na lang kita ng konti guide sa paggamit mo ng ability mo." Sabi ni kuya sakin ng tumigil kami sa likod ng isang building dito sa academy. Mukha siyang garden para sakin pero di naman katulad dun sa school ground na napakalaki ng garden.

"Teka kuya, Kung guardian ka at guardian ako, paaano tayo naging guardian at ano ang guardian?" tanong ko kay kuya, simula kasi nung nagamit ko ang kapangyarihan ko, hindi ko ito naitanong sa kanya kasi sabi niya magtiwala lang ako sa kanya, ngayong nalaman ko na isa rin akong guardian, medyo nacurious ako kaya naitanong ko na sa kanya.

"Hmmmm..... Pano ko ba sisimulan, mamaya na lang siguro pagkatapos kitang ihatid sa kwarto mo.HAHAHAHA!" Sabi ni kuya sakin.

"Haay may magagawa pa ba ako? Sige kuya hatid mo na ko pero mamaya ah." Sabi ko kay kuya. Tumango lang ito at ngumiti.

Naglakad na kami papunta sa dorm ko. Medyo malayo pa naman kaya ng kwentuhan muna kami ni kuya.

Sieghart's POV

Habang nagkwekwentuhan kami. Hindi ko namalayan na mapadaan ako sa lugar kung saan ko siya laging nakikita. Asul din ang buhok niya katulad dun sa humalik sa kapatid ko pero maikli, maganda ang pangangatawan nito at ang pinaka-unique sa kanya ay yung mata nito na parang pusa. Kulay asul at pula kasi ang mga mata nito at laging nakasalamin. Napatigil ako ng makita ko siya sa dati niyang pwesto kapag ngpapahinga siya at may ginagawang kung anu-ano. Magaling siya sa technology at nagiging makapangyarihan ito pag ginamit niya or bigyan niya ng blessing. Reinforcement at Ice manipulation ang ability niya, kaya niyang ayusin ulit ang mga nasisira niyang gamit. Nang mapansin niya ako ay tumingin siya sa direksyon kung saan naroroon ako at nagulat ako sa huling ginawa niya.

"Hi." For the first time, ngayon niya lang ako binati kaya nagulat ako. Bigla naman napatingin sakin si Red at nilipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. tsk anong prolema nito?

"Kilala mo kuya?" Tanong niya sakin pero di ko siya sinagot. Nang napansin niyang hindi ako sumagot ay bigla itong lumapit at kinausap ang babaeng yun. Dahil sa gulat ko ay sumunod naman ako sa kanya para pigilan siya.

The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon