Chapter 3

17.4K 538 1
                                    


Chapter three
~*~
Herxhiene

Naglalakad ako papasok sa school. Wala parin ako sa katinuan. Iniisip ko parin kung paano ko nagawa 'yon.

Napahinto at napa gana ko yung oras.
Nagawa kong palutangin ang bag ko.
Nagawa kong palapitin ito sakin at ang matindi nababasa ko ang iniisip ng iba.

Pinagdududahan ko na ang katinuan ko. Hindi kaya nababaliw na ako? O baka sinasapian ako?

Pero what if, totoo talaga itong nangyayari sa akin?

Dapat ba kong matuwa o dapat akong matakot?

Paano ko ba nagawa yun? May kinalaman ba to sa panaginip ko?

Totoo kaya yung Immortal world?

Dun ba talaga ako nabibilang?

Pagpasok ko sa room may nakita akong parang anino ng nakalutang na tao. Kinurap ko yung mata ko pero biglang nawala. Hayst, guni guni ko lang siguro.

Umupo ako sa upuan ko at inilabas ang libro ko sa science may quiz pala kami ngayon.

Habang nag babasa ako ng libro. May hindi maipaliwanag na presensya akong nararamdaman. Masyadong mabigat at parang pinipigilan ang paghinga ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Pero wala naman akong nakikita na kakaiba. Napatingin ako sa mga kaklase ko. Ayos lang naman sila. Bakit ako? Bakit ako lang ang nakakaramdam ng hirap sa paghinga?
Nagiging paranoid na rin siguro ako.

Ipinokus ko ang sarili sa pagrereview. Pero hindi ako mapakali. Hindi umaalis ang pares ng mata na nakatingin sakin. Parang nasa likod at nasa gilid ko lang sila.

Ipinikit ko ang mga mata ko. Sinusubukan kong pagaanin ang nararamdaman ko. Maya maya ay naglabas ako ng malalim na buntong hininga.

Someone

Habang patuloy kaming nagmamasid. Biglang nawala ang malakas na presensyang bumabalot sa isang silid. Parang itinatago ang kanyang kapangyarihan.

"Mukhang wala na siya." wika ng aking kasama. Tinignan ko lang siya na parang hindi makapaniwala.

"Dapat ay alam mo kung nasaan siya diba?" tanong ko.

"Wala na kong maramdaman dito. Parang binlock ang kapangyarihan ko."

"Hindi ko din maipaliwanag ang biglang pagkawala ng presensyang yon. Pero hindi kaya may tumutulong sa kanya? O, marahil nagawa niya 'yon mag isa." napaisip naman siya sa sinabi ko.

"Kailangan na talaga natin magmadali sa pagkuha sa kanya. Kung hindi ay magagalit ng ating reyna."

"Gumawa na tayo ng plano,"

Herxhiene

Pagkatapos ng ilang minutong pagmi meditate ay naikalma ko na rin ang aking isipan. Wala na rin akong nararamdaman na kakaiba.

Royals Of Veirsaleiska Où les histoires vivent. Découvrez maintenant