CHAPTER 21

1.6K 54 3
                                    

DANIELLA POV:

AKO? MAGPAPAKASAL SA LALAKING ITO?! Watdahell!

Sabi ko na nga ba, kaya pala kinakabahan ako ng sobra kanina eh. Kaya pala! Nakakainis naman! SOBRA! Hindi nga ako pumayag tapos sa kanya naman. Bwisit talaga!

*tug* *tug*
Aisshh.. Sino ba itong naniniko? Tumingin ako sa tabi ko at alam niyo naman na ata kung sino eh edi kundi si KYLE!

"Ano ba! Tigilan mo ako ah! Wala ako sa mood makipagusap sa'yo ngayon ah" sabi ko at tumalokod sa kanya.

"Arte nito.. Akala mo naman gustong gusto ko yung nagyayari. Hindi naman kala mo kung sinong maganda." Sabi niya at nanlait pa ah lalaking ito ah.

"Oo sobrang ganda ko talaga. Kaya ayaw ko sayo! Blehhh" inis alam ko namang naooffend siya kasi natahimik siya pero kasi naman eh nakakainis rin kaya siya.

Inaanounce ng mc na slow dance na at ang dakilang parents namin ay kinukulit kaming sumayaw ni Kyle.

"Daniella, makipagsayaw ka na kay Kyle." nubayan!? Ginamit na ni mommy ang tono niya sa akin at wala na akong magagawa kundi ang sumunod.

Inalok ni Kyle ang kamay niya kaya tinaggap ko na. Pumunta kami sa gitna ng dance floor. Hindi ako sure pero parang malungkot si Kyle simula kanina.

"Kyle, okay ka lang? Bakit ang tamlay mo?" Tanong ko pero tinignan niya lang ako ng matagal.

"Wala." One word na hindi ko alam kung bakit apektado ako kay niyakap ko siya.

"Sorry na kung ano ang sinabi ko kanina. Na frustate lang kasi talaga ako eh. Sorry" sabi ko at gumanti rin siya ng yakap sa akin. Medyo nagtagal kami sa ganung pwesto mga 30 seconds.

"O sige bitiw na.. Mamaya parang lokaret na ang mga nanay natin." Sabi ko at natawa ako at tama nga ako parang sira ulo na sila dun kung makatalon akala mo teenager lang eh.

"Sorry Daniella ah kung napipilitan ka pero may tamang oras para malaman mo ang rason kung bakit ako pumayag. Sorry" Sabi niya at hinalikan ako sa noo and my heart beats faster nung ginawa niya yun. Crush ko siya oo pero ewan ko kung bakit ganun ang epekto ng ginawa niya sa akin.

Pero I got curious kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya. Itatanong ko na sana pero natapos na ang slow dance kaya bumalik na kami ulit sa upuan namin.

Nagtagal pa ang party ng 1 at kalahating oras. Nagsisiuwian an ang mga tao at ngayon pinapauna na kami nina mommy dahil mat paguusapan pa daw sila.

Umalis na kami ni Kyle at sa sasakyab niyang Ferrari kami sumakay. Ang gara talaga ng lalaking ito.

Sumakay na kami at inaandar niya na ang kotse pero bakit parang out of way pauwi sa bahay namin.

"Kyle, saan tayo pupunta?" Tanong ko

"Magpapahangin muna tayo para hindi ka masyadong masakal sa mga nangyayari ngayon." Ahhh.. Thank you naman kasi sa totoo lang sakal na sakal na ako sa lahat ng nangyari ngayong araw at Sa tagal ng biyahe nakatulog ako.

KYLE POV:

Hayyy.. Ano ba tong nangyayari ngayon sobrang biglaan. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi.

Hindi ko naman kasi talaga alam na inaarange marriage kami ni mama at wala talaga siyang nabanggit sa akin. Kaya nagulat din ako sa sinabi niya hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis eh. Pero pumayag din ako kasi gusto ko naman talaga na maging kami.

Natahimik ako kanina dahil sa sinabi ni Daniella na ayaw niya sa akin. Alam ko naman eh nagpapakatanga lang talaga ako kasi umaasa ako na matandaan niya ako pero parang hindi na eh. Pero tanga nga talaga ako kasi umaasa ako. Ganun naman talaga pag nagmahal ka eh. Nagpapakatanga.

Alam ko din na nagtataka siya kung ano ang ibig sabihin ko nung sinabi ko sa kanya yun. Pero alam
ko na sa tamang panahon malalaman at malalaman niya rin.

Ngayon papunta kami sa pinakapaborito kong lugar. Dito ako nagpapahangin lagi tuwing nay problema at kahit masaya ako. Dadalhin ko si Niella dito lasi espesyal sa akin at syempre alam ko naman na naguguluhan parin siya eh kaya dadalhin ko siya kung saan kami unang nagkita.

Sa park na kung saan nakita ko siyang umiyak ng maraming beses. Gusto ko siya dalhin dito kasi maraming memories ng nangyari dito lahat malungkot man o masaya.

"Uyyy.. Daniella nandito na tayo. Baba na tayo." Syempre nauna akong bumaba at pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse.

"Thank you :) :)" sabi niya ng pagbukas ko sa kanya ng pinto ng sasakyan.

"Dito? Lagi ko itong pinupuntahan kapag malungkot din ako hahahahaha. What a coincidence" Nasa isip ko oo parang coincidence pero para sa akin hindi.

"Talaga? Dito ko nakita ang babae na sobra kong minahal hanggang ngayon." Sabi ko at tinignan ko siya kung ano ang magiging reaksyon niya pero hindi ko maita dahil nakatingin siya sa ibang parte ng park.

Tumingin siya sa akin at bigla siyang nagkwento, "Alam mo ba nakikita ko rin ito sa panaginip ko lagi ewan ko kung bakit pero nakakacurious lang kasi kaya lagi akong pumupunta dito tuwing malungkot ako o masaya. I am thinking na baka kaya lagi kong napapanaginipan kasi baka comfort place ko ito na nakalimutan ko."

Pagkasbi niya nun dun ko lang narealize na kahit paano pala may naalala parin siya pero alam kong hindi yun enough para magstay siya pero hanggang ngayon nandoon parin yung hope ko na kapag nalaman niya nandyan parin siya sa tabi ko hanggang dulo.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap siya habang nakatalikod siya dahil alam ko doon ko lang mapaparamdam sa kanyan na mahal na mahal ko siya at hindi ko siya papabayaan kahit na anong mangyari pagkatapos lahat ng ito.

Kahit hindi pa niya alam na mahal ko siya ipaparamdam ko parin siya ng walang sawa hanggang ako mismo ang bumigay at sabihin na mahal na mahal ko siya.


A/N:

Hi chinggus! Sorry ulit sobrang late o tagal ng update ko pero I hope you like my update. I cannot promise if I can update next week pero sana para makabawi naman sa inyo.

Thank you for the support! Thank you for all the votes and comments! Love lots! :) :) :)

ALL RIGHT RESERVED 2016

Campus NERD and Campus HEARTHROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon