3. Somewhere in SB

52.7K 1.7K 883
                                    


Hey guys, ignore the special chapter that I'd posted long time ago. Akala ko kasi wala ng book tree so ganon 'yon scene doon. Just read this one. No more questions. 

Bye love you!

Wait, add niyo rin sa library niyo 'yung The Unlucky Kiss. Mabilis ako mag-update doon. Thank you! Check niyo ha! Thanks!

***

"Kailan hiring ng bago mong secretary?" tanong ko sa asawa ko na kasalukuyang nagbibihis. Nagsusuot na siya ng long sleeves niya at isang napakagandang tanawin ito.

"Trish, you can't go to my office at tanggalin lahat ng gusto mong tanggalin."

"So what?" pagmamaldita ko, "Hindi ka babae kaya hindi mo alam 'yung mga kutob ko. Terrence, are we fighting about this? Seriously?" seryosong tanong ko sa kanya.

"You should consider kung anong status niya. Malay mo wala pa lang makain 'yung tao tapos sisentahin lang natin. Malay mo siya 'yung breadwinner ng family nila."

"Huwag ako, Terrence. Matte ang lipstick non." Sagot ko.

Napabuntong hininga na lang siya, "Fine! Ilipat mo sa ibang deparment, concern na concern ka, e. Baka hindi ka pa makapagwork niyan." Hindi ko na siya tinulungan mag-ayos ng collar niya at neck tie. Bahala siya sa buhay niya.

"Hindi naman sa ganun, love. We should show concern to our employee." Sabi niya pa. Tumabi siya sa akin at hinahaplos haplos ang braso ko. "Sorry na, love. Akala ko ba sasama ka sa office para sa interview ng mga applicants?" dagdag niya pa.

"You should go. Nagbago na isip ko."

"Bihis ka na o ako mag-bibihis sa'yo?" napa-irap na lang talaga ako habang nakangiti. Parang tanga talaga. Minsan talaga mapapanganga ka na lang sa mga banat niya, "Susunod ako sa kotse, paki-check mo sila Yusef kung nakaayos na. Baka kung ano na naman tinuro ng yaya nila sa mga bata." Maisip ko pa lang mga sinasabi ni Scarlet sa mga anak ko ay kinakabahan na ko.

One time, tinuruan ba naman ng mga scientific name na 'yan. Mapa-halaman, o hayop. Pati mga capital ng iba't ibang bansa ay alam niya. Matalino si Scarlet, kaya tuwang tuwa kami ni Terrence sa kanya.

Nag-apply daw siya bilang yaya dahil daw maganda ang benefits. May pa-isang sakong bigas kami every month, mataas ang sweldo (hindi nadelayed kahit minsan), 'yung mga branded na damit na hindi ko na trip isuot ay binibigay ko na sa kanya, pagkasama siya namin sa mall at shopping galore kami ay bininili rin namin siya ni Terrence, may sarili siyang kwarto na aircon, free foods and transportation, at sponsor niya kami sa pag-aaral niya. Ako na mismo ang sumagot mga gastusin niya ngayong college. Kitang kita ko naman kasi ang potential ng babaitang 'to. Noong una nga ay nagddoubt ako kung keme lang ang pagkamatalino niya pero gumawa talaga ako ng sariling test questionnaire para sagutan niya. She passed. E puro pang board exam ang pinaglalagay ko doon. Naloka ako ng very very hard.

Bumaba na ako pagkatapos kong makapagbihis. Nagapply na lang ako ng lipstick at ready to go na ko. Hindi ko naman kailangan na sobrang ganda, maganda naman talaga ako from the very start.

"Mom, we're late." Reklamo ni Trace sa akin.

Hindi ko siya pinansin sa backseat. Silang apat na bata ay nandoon sa likod kasama din nila si Scarlet dahil papasok din ito ngayong umaga. Si Terrence ang nagdadrive dahil nagpaalam si Mang Ben na magde-day off daw siya, may sakit daw kasi ang anak niya. Nakaupo ako sa shotgun seat.

Nakita kong nagbabasa si Scarlet ng dyaryo, "Ma'am, ano hong zodiac sign niyo?" tanong niya sa akin, "Sir, kayo din. Ano hong sign niyo? Babasahan ko po kayo ng horoscope." Offer niya sa amin.

Forever Downfall (Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon