Third Chapter

19 1 0
                                    

AUBREY.

"Wow, Aubrey! Himala at maaga kang pumasok ngayon? Sinong espiritu ang sumapi sa'yo at nang madasalan namin at makapag pasalamat kami?" Hinampas ko si Jherine sa braso dahil kung anu-ano ang sinasabi.

"Alam mo, ang dami mong sinasabi, masama ba ang magbagong buhay?" Sagot ko sa kaniya pagka-upo ko.

"Aba, naninibago lang naman ako. Isipin mo, nauna ka pang pumasok kay Eunice." Napatingin naman ako sa right side ko at wala pa nga si Eunice. Wow, achievement 'to. Naunahan ko ang isa sa kanila. Si Jherine ay early bird talaga ang isang yan kaya malabong maunahan ko siya sa pagpasok.

"Baka naman nalate lang ng gising." Nilabas ko yung notebook ko sa Math dahil di pala ako nakagawa ng assignment kahapon dahil sobrang pagod na ako.

"Pakopya nga sa Math, Jhe. Wala pa naman si Ma'am Abad." Sabi ko at nag-peace sign pa. Si Jherine kasi ang magaling sa Math sa aming tatlo. Si Eunice sa Science at ako sa recess--este sa Filipino. HAHAHA.

Hindi naman nag-alinlangan si Jherine at ibinigay yung notebook niya.

"Tama ba 'to?" Paninigurado ko sa kaniya.

"Wow ha. Ikaw na nga lang mangongopya, magrereklamo ka pa."

"Joke lang, Jhe. Di ka naman mabiro. HAHAHA."

Alam ko naman kasing tama lahat ng sagot niya. Inaasar ko lang. Siya din kasi ang pinaka pikon sa aming tatlo.

Nang matapos ko ng kopyahin yung sagot niya sa Math ay tinago ko na yung notebook ko. Oh, wag niyong sabihing hindi kayo nangopya sa buong buhay niyo? Kahit isang number lang? Sabi nga din ng teacher namin sa Math, "Walang naka-graduate ng college ng hindi nangopya sa buong buhay nila."

Hindi naman sa ini-endorso ko ang pangongopya. Pfft. Naglalahad lang ako.

"Oh Eunice! Buti umabot ka. Two minutes nalang dadating na si Ma'am Abad." Napatingin ako sa kadarating lang na si Eunice at tumutulo pa ang basa na buhok habang may hawak siyang suklay.

"Oo nga eh. Na late kasi ako ng gising." Tumawa naman kaming dalawa ni Jherine. Sayang, ngayon dapat siya magkaka-record sa amin ng late eh. Sa aming tatlo kasi ay ako ang pinaka madaming record ng late or let's just say na ako lang ang may record ng late. Magka-kaklase na kasi kami simula Grade 7. At ngayon ay Grade 12 na kami dito sa Gaibswell University na pagma-may ari nga daw nung Tita ni James. STEM nga pala ang strand namin. STEM-C kami to be exact at sina James ay STEM-A. 

"Umasa si Aubrey na may kadamay na siya sa pagiging late, Eunice." Sabay tawa ni Jhe.

"Hayaan mo siya. Sanay naman yang umaasa." Pagkatapos ay nag high five pa sila.

"Wow ha! Sige, pagtulungan niyo pa ako." 

Kaya nasabi yun ni Eunice eh kasi may first love ako nung Grade 8. Hindi naman niya ako pinaasa. Umasa lang ako kaya ako nasaktan. Pero past is past kaya move on na ako don. Tsaka duuh! Bata pa ako nang mga panahong yun. HAHAHA.

"Nakaget-over ka na ba kay RJ?" Tanong ni Jhe.

"Jusko Jhe, 2 years na ang nakakalipas. Malamang naman no!"

"Buti naman kundi babatukan ka talaga namin."

Maya-maya lang ay dumating na si Ma'am Abad kaya nakinig na kami dahil mahilig yan sa pop quiz. Mamaya magbigay ng quiz yan edi na-zero pa kami.

~•~

THIRD PERSON'S POV.

"Dude!" Tawag ni Ethan kay James na nakatulala sa kawalan.

Remembering James AlonzoWhere stories live. Discover now