Chapter 1

171K 2.7K 117
                                    

Chapter 1--Labi

                   "Halika na, Belle." Ani Serene sa mahinang boses dahil sa tensyong nararamdaman niya. Kilala niya ako. Kapag may gumugulo sa’kin ay hindi ako tumitigil hangga’t hindi ko ito nalalaman.

                   "Teka lang, Serene." Pinigilan ko siya sa akmang paghila sa’kin at hinarap si Mister Park. "Excuse me lang po, Sir" Pinagdiinan ko ang huling sinabi. "Pa-paanong kayo ang professor namin?" Hindi lang ako makapaniwala dahil kung titingnan, ay tila hindi nagkakalayo ang agwat ng edad namin sa isa’t isa. I’m nineteen at sa tingin ko ay isa o dalawang taon lang ang tanda niya sa’kin.

                   Dinig ko ang sarkasmong tawa ni Celina. Kakambal ito ng kaibigan kong si Serene ngunit napakalayo ng ugali nila sa isa’t isa. Hindi rin sila magkasundo na dalawa. Hinayaan ko si Celina. Hindi ko pinansin ang pang uyam niyang tawa.

                  "Belle, tama na ‘yan." Muling pahayag ni Serene, ngunit sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko ito inintindi. Umangat ang sulok ng labi ni Mister Park at akmang may sasabihin nang bumukas ang pinto at iniluwa ang Dean namin.

                   "Good morning Sebastian." Dean greeted and bowed his head to him.

                    My forehead creased. Seriously? Anong meron at ganun na lang igalang ni Dean itong si Sebastian? Normal na tao lang naman siya, hindi presidente ng bansa at mas lalong hindi prinsipe. Hindi porque para siyang Greek god na ipinadala dito galing sa Mt. Olympus ay bibigyan siya ng special treatment. That's unfair. And wait, why am I complementing him anyway? I mentally shook my head with that thought. Naiinis ako sakanya pero hindi din mapigilan ng isip ko na puriin siya.

                   Sebastian just nodded to Dean. His long fingers were tapping on the table habang hinihintay pa ang susunod na sasabihin nito. "Good morning students," saad ni Dean at inilibot ang paningin sa loob ng math room. Kumunot ang noo niya nang makita akong nakatayo. "Miss.Kim, you're late again? Maupo ka na."

                   Tumango ako at naupo. Hindi na ako nagprotesta pa sa sinabi ni lolo. Alam naman niya kung bakit nahuli ako ng pasok ngayong araw. Pinuntahan niya ako kagabi sa condo at may pinagawa siyang presentation sa’kin. Hindi naman ako makatanggi dahil lolo ko siya at bukod doon ay malakas siya sa’kin. Kaya ang naging resulta ay madaling araw na akong nakatulog.

                  "Ba’t ka late?” Ani Serene. Sumenyas ako na mamaya ko sasabihin.

                   Ilang minutong nag usap si Lolo at Sebastian. Nag paalam din kaagad ito dahil may mahalaga pa itong meeting. Si Sebastian naman ay bumalik sa pag-papakilala sa sarili niya. Napairap ako nang magtaas ng kamay si Celina.

                   "Your age sir?" she asked in a sweet voice while batting her fake long eyelashes. Napairap ako sa pangalawang beses. I knew it. He’s flirting with Mister Park. Pinaningkitan niya ako ng mata nang makitang umaarte akong tila nasusuka. Ang kanang kamay ko ay nasa bibig at ang isa pa ay nasa aking  t’yan.

                    "What's with my age Miss. Hyun?" nakataas kila na ani Sebastian. He even crossed his arm and lean on the table. Katulad ng ginawa ko, ay inirapan ako ni Celina bago muling itinuon ang atensyon kay Sebastian.

                    "Gusto ko lang po malaman. I mean, you looked young. Hindi masasabing professor ka." Naiinis man kay Celina, sangayon ako sa tanong niya. Kahit ako ay hindi inaasahan na siya ang propesor namin.

                    "Gusto mong malaman?" Sebastian said then averted his gaze on me. I arched my brow. What’s with him? Hindi ako ang nagtanong. Bakit sa’kin siya nakatingin?

My Possessive Professor (TS1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon