#SL11

5.4K 139 17
                                    

Mabilis na lumpis ang araw , at ngayon ay papuntang cebu na si Karylle para sa kanyang album tour .

VICE 'S  POV

Nakakapang-hina , nakaka-walang lakas , nakaka-manhid , nakaka-wasak ng puso , napaka-sakit .

Kanina pa 'ko tulala simula ng malaman ko ang nangyari kay Direk Wenn , at ngayon ay nanlalamig na'ko habang naka-tingin sa nanlalamig rin niyang katawan .

'Di ko na alam ang nangyayari sa paligid , ang alam ko lang naka-hawak ako sa kamay ni Mother , paano na ? Paano na 'ko ? Paano na ang ginagawa naming Pelikulang ' Darna na si Ding ? ' .

Hindi lang ako basta nawalan ng Direktor , para rin akong nawalan ng magulang , at ng kumpyansa .

Kanina pang may tumutulong luha sa mga mata ko , para ngang bukas-maka-lawa , wala ng lumabas na luha dito .

Hindi ko na alam ang gagawin ko ...

Karylle :'''(

END OF POV

Excited si Karylle sa magaganap niyang Album Tour sa Cebu , todo rehearse siya ng kanyang kanta at ipo-post sa kanyang snepchettt .

~

~

~

" Tawagan na ba natin si Mommy Kurba ? "

Nag-aalalang saad ni Buern habang pinag-mamasdan si Vice na hawak ang kamay ni Direk Wenn .

" Ayaw nga 'di ba ? Hayaan nalang natin , sabi nga ni Meme , may Album tour 'yun , ayaw nama niyang ma-istorbo o ma-stress yung tao "

Sagot naman ni Archie .

~

~

~

Pinilit ni Vice na pumasok kahit na alam niya sarili niyang hindi niya kaya mag-pasaya ngayon ng Madlang People .

Labis naman ang lungkot ng mga Tao lalo na ng mga Little Ponies at Vicerylle Babies dahil unang kita palang sa itsura ni Vice ay mararamdaman mo na ang lungkot sa katawan nito .

Sa gitna ng pag-sasalita ay hindi na kinaya pa ni Vice ang mag-stay sa studio , kaya sinamahan na lamang siya ni Billy papunta sa lounge area .

" Tawagan ko si Karylle ? "

Alalang-tanong ni Billy kay Vice na naiyak ngayon .

" Wag "

Simpleng sagot nito as he wiped his tears .

" But it looks like you need her right now "

Sabi naman ni Billy habang hinahagod ang likod ni Vice .

" Wa-wag na , ayokong isipin niya pa 'ko habang nagpe-perform siya , baka ma-stress lang "

Sagot naman ni Vice kaya wala ng nagawa pa si Billy kung 'di ang yakapin ang kanyang Bestie .

~

~

~

Sa kalagtinaan ng Album signing , ay may nakapag-sabing Vicerylle Baby kay Karylle tungkol sa kalagayan ni Vice ngayon dahil sa pagka-wala ni Direk Wenn . Sandali siyang natahimik , ngunit hindi niya ito pinahalata at sa halip ay nag-madali sa pagpi-pirma . Labis naman ang lungkot na naramdaman ng mga Vicerylle Cebu dahil hindi nila ito masyado naka-usap ng matagalan , ngunit as a Vicerylle Baby - ay inisip nila na baka nagmamadali ito para kay Vice .

Vicerylle - Secret LoversWhere stories live. Discover now