Special Chapter- His Side

11 1 4
                                    

Hindi ko akalain na ang simple nating pagkakabungguan ang siyang magiging simula ng istorya na hinding-hindi mawawala sa aking kaisipan.

Aminado ka namang pagkakamali mo dahil hindi mo tinignan ang daanan pero labis ko iyong pinagpapasalamat dahil kung hindi 'yun nangyari, hindi kita makikilala.

Hindi ka magiging parte ng buhay ko.

Hindi kita mamahalin nang sobra.

Sino ba namang magsasabi na dahil sa pagkakabungguan natin, magiging malapit tayo sa isa't-isa?

Pero bakit ganoon? Sa lalo nating paglalapit, parang iba na itong ritmo ng tibok ng puso ko? Sa tuwing nakikita kitang mahinhing tumatawa, parang humihinto 'yung paligid at ang tanging nakikita lang ng mga mata ko ay ikaw lang?

Tangina, diba mali ang tumalo ng isang kaibigan? Mali ito. Pero habang tumatagal, mas lalo pa akong nahuhulog sa iyo.

Gusto kong umiwas, pero... gusto ko ding sumugal.

Paano kung pareho pala tayo ng nararamdaman? Kung nahuhulog ka na din pala?

Pero natatakot ako.

Nakakabading man malaman, pero natatakot ako na baka kapag umamin ako... lumayo ka sa akin.

Pero mas magandang yakapin ko ang takot ko at huwag sayangin ang pagkakataon.

Kung hindi mo man tugunin pagmamahal ko, ayos lang kahit kaibigan lang ako. Ang mahalaga, nakakasama kita. Okay na ko 'dun.

Kaya naman pasimple kitang tinanong kung ano bang mga gusto mo. Kung ano bang dapat ibigay sa babaeng gusto ko.

Hindi mo alam na sa bawat pagsagot mo, inilalagay ko sa kaisipan ko kung ano ba ang gusto mo kung sakaling ang tugon mo sa pagmamahal ko ay oo.

Kaya naman noong araw na umamin ako kung sino ba talaga ang babaeng mahal ko, walang humpay ang kaligayahan ko dahil hindi ko akalain na parehas pala tayo ng nararamdaman. Lahat pala ng takot ko ay walang halaga dahil ang babaeng nakabanggaan ko noon, ang kaibigan kong napalapit sa puso ko, ang babaeng pinakaiibig ko, may pagmamahal din palang nararamdaman para sa akin.

Paano na lang kaya kung hindi ako umamin sa iyo? Paano kapag nagpasakop ako sa sarili kong takot? Malamang hanggang ngayon ay kaibigan lang turing mo sa akin. Malamang mawala ang pagmamahal mo sa akin. Malamang mapagod ka at magmahal na lang ng iba.

Buti na lang pala at hindi ako natakot na mag-baka sakali.

Lubos ang pasasalamat ko sa Maykapal na ikaw ang inilaan Niya para sa akin.

Lumipas man ang mga araw, pero mas lalo lang nadadagdagan ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero araw-araw, mas lalo akong nahuhulog, mas lalo akong nalulunod sa pagmamahal mo.

At ayoko din namang kumawala.

Ikaw ang ligaya ko, sa iyo na nga ata umiikot ang mundo ko. Sabi ng mga tropa ko, baliw na daw ako. Pero anong magagawa ko? Nakuha mo ang puso ko.

May mga araw na hindi tayo nagkakaintindihan, pero sinisigurado natin na hindi iyon nagtatagal. Normal naman 'yun sa relasyon, eh. Kapag nga may pagsubok, pakiramdam ko ay mas lalo tayong lumalakas. Mas lalo tayong tumatatag. Mas lalong nasusubok ang pagmamahalan nating dalawa.

Tumagal tayo ng araw... buwan... taon.... hanggang sa hindi na lang natin namalayan na tayo ay magtatapos na. Sobra kitang pinagmamalaki dahil nakatapos tayo sa kolehiyo na may karangalan. Isa ka sa motibasyon ko kung bakit ko ito napagtagumpayan.

Sabay nating binuo ang ating pangarap. Nag-iipon na tayo para sa ating kinabukasan.

Mahirap man pero kailangan nating malayo sa isa't-isa dahil nagkaroon ka ng magandang oportunidad sa ibang bansa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Gone WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon