Paalam sayo

238 4 3
                                    

Magkikita pa ba tayo

O tuluyan ka nang lalaho?

...

Sana bago ka mawala,

masulyapan ko man lang ulit

ang mga parte mong patapon na aking pinuslit

ang mga parte mong ako ang sumulit

na minahal kong lubos,

na ito ring nagdala ng unos

sa pusong kong nasaktan

na binigyan mong kaligayahan.


Sana bago ka mawala,

marinig ko man lang uli ang boses mo

na paulit ulit kong naririnig sa'king ulo

kausapin mo ulit ako ng pang ilang beses na

para sa pagtakbo ng oras, maaalala't maaalala parin kita

para magkatagpo parin tayo sa aking pagpantasya.

...

Babalik pa ba tayo sa pangnagdaan

O ako lang nagiisip na meron pang 'kasalukuyan'?


Babalik pa ba tayo sa kung ano meron tayo

O siguro ako lang ang nagiisip non?


Sana bago ka mawala,

maalala mo naman ako

pag hinarap mo ang likod mo

sa harap ng taong hanggang ngayo'y nagmamahal sayo.


Sana bago ka mawala,

naka-move on na ako

pag hinarap ko ang likod ko

sa likuran ng taong aking minahal ng totoo.


------------------


A/N: Bakasyon edition para sa mga taong mamimiss si crush dahil ilang buwan kang magtitiis na di mo siya makikita or di mo na siya talagang makikita.

Liham/Letter.Where stories live. Discover now