Hiling (One Shot)

655 15 9
                                    

(A/N: Ito po ay hango lamang sa imahinasyon. Ang mga karakter at sitwasyon ay hindi po batay sa kahit kaninong buhay.)

________________

Marami ka bang HILING?

Halos lahat ng tao humihiling.

Pero bakit nga ba tayo humihiling?

Tuwing kailan ba tayo dapat humiling?

Minsan, sa buhay... hindi lahat ng hinihiling natin pinagkakaloob sa atin.

Kaya nga dapat tayong matuto na maghintay eh.

Dahil bawat hiling... may kapalit.

Ang kwentong ito ay naisulat dahil sa isang realisasyon na sa buhay ng tao...

dapat pinagiisipan muna kung ano yung mga bagay na hinihiling.

ika nga nila... "Be careful what you wish for."

Sana marami kayong matutunan...

_______________

May isang babae na nagngangalang Andrea ang lumaki sa mahirap na pamilya.

Marami siyang hiling sa buhay dahil nga sa hindi naman niya makamit ang gusto niya para sa sarili niya.

Mayroon siyang hinahangaang lalaki at ito ay si Luke, isang varsity player na kilalang kilala sa internet.

Minsan na din niyang pinangarap na maging girlfriend nito. Para sa kanya, wala na siyang ibang mahihiling kung matutupad ito.

Si Luke ang ideal man niya at kahit crush niya lang ito--nakakatawa man--iniyakan na niya ito ng maraming beses dahil sa lubos na kagustuhan niya sa lalaking ito.

Bukod sa hinahangaan at pinapangarap niya, mayroon din siyang kinaiinggitan…

…unang una na dito si Julia, isang anak mayaman na palagi niyang nakikita sa tuwing papasok siya sa paaralan.

Maganda at talaga namang mayaman itong si Julia.

Hindi mo maiiwasang mapatingin sa kanya kapag napapadaan ang sasakyan nila o kaya'y makikita mo siya sa mall. Kilala din siya sa internet dahil isa itong sikat na balerina.

Lagi mo siyang makikita na hinahatid sundo siya ng kanyang driver at bukod pa dito, maganda din itong manamit at may magaganda itong sapatos na siya naman talagang hinahangaan ni Andrea sa tuwing makikita niya ito ngunit medyo suplada si Julia kaya naman puro batikos siya kay Andrea.

"Maganda at mayaman ka nga… ang panget naman ng ugali mo." sabi ni Andrea.

Hiling (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon