KILIG

43 6 0
                                    

SELENE

Wala talaga akong kwentang nilalang.
Wala nga ba talaga akong alam gawin bukod sa manakit ng taong walang ibang alam gawin kundi mahalin at pasayahin ako?

Natakot ako... yun ang dahilan kung bakit bigla na lang akong nawala after nyang sabihin sakin na hindi na ganun yung feelings nya.

Kung tutuusin kaya kong gawin na baguhin ulit yon. Kaya kong ibalik yung nawalang pagmamahal nya. Kaya kong gawin lahat makuha lang ulit yung dating feelings na meron siya for me.
But the thing is duwag ako. Natakot ako na baka pag nagawa ko yung kaya ko, masaktan ko lang siya lalo.

Paano kung ngayon mahal ko siya pero bukas hindi na?
Paano kung nagkamali lang ako ng akala? Na mahal ko na siya pero kaibigan lang pala?
Oo na duwag na ko. Playing safe at hard to get. Ayoko lang i take yung risk na pwedeng mas mawala siya sakin pag hindi nag work yung relationship if ever maging kami nga.

I miss her so much😞

Wala na akong narinig na kahit ano from her except sa mga tagged photos ng friends nya everytime na may gimik sila.

masasabi kong malaki ang pinag bago nya.
Yung dating walang pakelam sa mundo kasi may sariling mundo, ayon at aware na sa nangyayari sa paligid nya.

Yung dating loner,trip lagi mag isa at ayaw ng kasama, ayon at napapaligiran ng madaming tropa.

Yung suplada, hindi mahilig makipag usap sa hindi kilala, at higit sa lahat hindi masyadong friendly (dahil tahimik at nakaka takot i approach)
Ayun at kaliwa't kanan ang new friends.

Okay na nga siguro yun para makalimutan nya ko.

Alam kong sasabihin nyong
"Selene, ikina ganda mo yan" well hindi. Dahil matagal na akong maganda hehe peace!

Nag sscroll ako ng mga new post ng friends ko sa fb nang mag pop ang new notif. Nag post siya.

"You never fail to break me into pieces"

Aray! Medyo tinamaan ako ah. Para kanino kaya yon?
Ok lang kaya siya? sana may kasama siya ngayon na mapag hihingahan ng sama ng loob. Sana may nag cocomfort sa kanya ngayon.

Sa sobrang pag aalala ay naisipan kong tawagan agad siya.
Nakaka 5 attempts na ko pero hindi pa din siya sumasagot. Ganon ba talaga ka tindi ang galit niya sakin?

nasa kalagitnaan ako ng pag ddrama ng umilaw ang pundidong bumbilya sa ulo ko.

"Shufid me! Bobo ko talaga! Malamang hindi sasagot yon dahil ibang number ang gamit mo! And you know naman na hindi nag eentertain ng call and text yong abnormal na yon pag unknown number"
sermon ko sa sarili ko. so ayon lang pala ang hindi nabago sa kanya? Suplada pa din siya sa text at call.

KATE

Boring. Nakaka inis kapag wala kang ginagawa.
Solo ako sa bahay ngayon dahil umuwi si Rhian sa province. Bakasyon siya with Trix for 2weeks. Naisip ko bigla si zim. Wala naman siguro syang ginagawa ngayon kaya tinext ko sya.

"Pst punta ka dito"

"Bakit? Anong kailangan mo?" Zim

"Wag ng madaming tanong."

After ng text message na yon ay may agad na nag doorbell.
O diba ang bilis niya.

myPLAYLISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon